Hi Hello How Are You?
Happy New Year!!!
Nakaka-one year na pala ang BLOG KO! Bilis lumipas ng panahon. Maraming nangyari ngayong taon na ito. Maraming masaya at malungkot na pangyayari na dumating sa buhay ko. Alam ko, ang iba ay pagsubok lamang. Mga pagsubok na ibinibigay ni Lord. Hindi naman niya kasi ibibigay iyon kung hindi natin kaya eh. Maraming problemang dumadating. Basta kasama mo si Lord sa lahat ng ginagawa mo, ay kayang-kaya mong gawin ang lahat. Natutuwa pa din ako na binigyan pa din ako ng bagong taon sa buhay kong ito. In my 29 years in earth, Im so very happy. Ano pa ba ang hahanapin mo? Masayang pamilya? Partner sa buhay. yay! Wala ako niyon! tee he he...joke. Basta, there is someone waiting for me. LoLS!
Sa mga bumibisita sa blog ko, isang malaking pagbati sa inyo ng "HAPPY NEW YEAR!" Sa mga hindi ko nadadalaw na blog, bumisita kayo para malaman ninyo. :D Again, goodluck sa darating na new year!
Goodbye 2006! Hello 2007..the year of Kagura Sohma!
Sunday, December 31, 2006
Zero To Countdown
Until here, Rei Kyo at 6:21 PM 0 comments
Labels: Fruits Basket, Kapamilya, Lord
Wednesday, December 27, 2006
Teka Lang, Ano Ba Iyon?
Until here, Rei Kyo at 1:04 AM 1 comments
Labels: Death Note, Lupin, Maging Sino Ka Man, Prince Of Tennis, Rounin, Sailor Moon, Super Twins
Sunday, December 24, 2006
Regalo Ko Sa Inyo Ngayong Pasko...
Hi!
Hello!
Musta na kayong lahat, guys and gals. I know, kakaunti lang ang nagbabasa ng mga blog entry ko. Iyong iba naman kasi, hindi na kailangan pang basahin. Mababaw man ang nakasulat sa aking blog, galing naman ito sa aking puso...naks! Paki-explain mo nga po..te eh eh he he! Ganito iyon, okey, alam ko, di naman ako eksaherado (maybe para sa ibang nakabasa..sobrang exsaherado ako or O.A. or D.O.A. (meaning Duper Over Acting ba daw?)...kasi, kung ano iyong naiisip ko, iyon ang naisusulat. Don't care kung ano man ang sabihin ko... as if me pakialam ang iba. Basta iyong ayaw ko ay ayaw ko! LOLS! Ano ba iyon? Actually, hindi naman para sa mga taong intelihente ang mga blog entry ko na kailangan pang bigyan ng mga malalalim na comments....hindi naman kasi pinag-aawayan dine kung sino ang mas maganda...kung si Anne Curtis ba o si Bea Alonzo. Hello, 'yong mga entry na nababasa dito, alam ko mas naiintindihan pa ng mga jologs or ng mga conio...or maybe iyong iba...super sossy, super duper high class (kung me naligaw man) Basta ang importante kasi sa blog, napapabasa mo sa iba ang gusto mong sabihin sa kanila.
So, gusto kong magpasalamat sa mga taong dumadaan sa aking mga blog. Kahit apakan pa....tee he he....ito ang listahan nila....
*Chester
*Nagi
*Jamibu
*Deng
*Julyan aka Litus
*Buena
*Paeng
*Jonell Estilliore aka Paurong
*Yuki
*Arianne
*Fiel
*Sassy Girl
*Potpot
*Glena
*ian aka sapphirewater
*Ain
*Wakaujisb
*MRJORIE
*Johto
*Mikmik
*Wylz
*Ton
*Aya
*Ethan
*Christoper
*Blogtimizer
*Chris Eriz
*Kaizen
*Potato Maniac aka Cezar
*Aljohn
*AnimeMP3Hunter
*Joy aka Ligayaharuka
*Jenny
*CATHE
*Team Banzai
*Ryoma Days of ABS CBN ANIME FORUMS
*Richard
*Muunraito
*Talksmart
*Rannie
*Angelo Crisolo (one of the dubber from my favorite anime in tagalized, Hikaru No Go)
*Tomoe
*Shobe
*Ulan
At sa iba pa na bagamat hindi nagpakilala ay taos puso naman na bumisita, nakibahagi sa aking blolg. THANK YOU SA INYONG LAHAT. Hangad ko ang walang hanggang kaligayahan na namamayani sa inyong puso. At ngayong kapaskuhan, Maligayang Pasko sa Inyong Lahat!!!!
At bago man ako mag-out dito. ...oo nga pala...meron na akong DVD Japanese Audio with English Subtitle na "CLAMP DETECTIVE SCHOOL." Three disc iyon. At iyong sirang disc na "Death Note" Live Action Movie, pinalitan ko na lang na "SAIKANO LIVE" dahil walang available that time. OH MY GOD!!!! Dami-daming ANIME ngayon na nagsusulputan at lahat gusto ko. Wahhhh, gusto ko iyong TOKYO MEW MEW...kaya lang 8 Disc eh...wahh..kainis!
Talking about "Princess Hours," aww..di ko gusto iyong voice dubber nung bidang babae..si Janelle (ba iyon?) At oo nga pala, promising iyong "SANA MAULIT MULI," maganda ang story. Kaya lang bakit si Gerald Anderson at Kim Chui? Tee he he he....this coming year, papanoorin ko iyong Rounin, Lastikman at Flor De Luna. (Sabihin bang maka-Kapamilya...)
And speaking about my father, medyo maayos-ayos na siya. Konting-konti na lang, natutuwid na iyong pagsasalita...naiintindihan na nga kapag mabagal siyang mag-deliver ng salita. Thanks talaga ng marami sa Panginoon. Happy Birthday Lord Jesus.
Uu nga pala, unti-unti naming bibilhin iyong limang robot ng Magiranger...ang meron pa lang kami iyong si Magiphoenix at Magifairy. Ganda kasi ng "MAGIRANGER" isa sa mga favorite Super Sentai ko bukod sa ABARANGER, GAORANGER, at Dekaranger.
Until now, wala pa ding "Prince Of Tennis LIVE ACTION MOVIE"
Siempre bago ako umalis, Merry Christmas To ALL OF YOU!
Nood kayo ng mga pelikulang Zsa Zsa Zaturnah, Shake Rattle and Roll 8 at Enteng Kabisote. (Mag-plug ba daw!)
Sayonara!!! Paalam!!! Balik ako next time!
Until here, Rei Kyo at 7:50 PM 1 comments
Labels: Zha Zsa Zaturnah
Sunday, December 17, 2006
Remember December
Remember December.....ano ba ang mahihiling ngayong pagsapit ng kapaskuhan. Three wishes lang naman ang hiling ko eh. At ang three wishes na iyon.....SECRET! Basta, nandoon na ang lahat ng iyon. Sana kahit isa man lang ay matupad, tee he he eh! Ay oo nga pala, tagal ko na din na hindi nakakabili ng mga ANIME DISC. So far, nakabili pala ako ng Zenki (last Month pa~) tapos iyong "Pokemon: Quest Master," ang cute talaga ni Pikachu koh! Tee he he...so far, nakakuha din ako ng DEATH NOTE THE SERIES. Kahawig ni Light si Hikaru Shindou....Bumili din ako ng Flame Of Recca..(sira kasi ang ilang episodes ng VCD ko nito...so far, bumili ako ng DVD. Kainis iyong LIVE ACTION MOVIE ng DEATH NOTE...sira kasi eh. Iyong Bleach, nasa Episode 102 pa din ako...wala pang latest na lumalabas kasi sa binibilhan ko. Yung sa NARUTO, na-stock na ako sa episode 190.....di pa din ako makabili ng new episodes dahil laging OUT OF STOCK! KAinis! Three Disc iyong SECOND SEASON ng Tsubasa Chronicles..maybe sa susunod na lang. Ang kainis nga pala....yung SAILOR MOON S na nakita ko...english version kasi...eh ayaw ko pa naman ng translation at mga voice dubber noon...mas trip ko ang TAGALOG at ang original japanese version ng SAILOR MOON. Try ko talagang makakuha ng PERPECT COLLECTION ng series na iyon.
Daming palabas sa QTV 11 na mga anime...iyong TACTICS, Hikaru No Go at ang tagalized Vision of Escaflowne na unang naipalabas sa GMA 7. Ganda din ng dubbing nila..nagustuhan ko. Naiinis lang talaga ako sa CARD CAPTOR SAKURA na ipinapalabas sa GMA 7, laging daming cut na scenes...buti pa ang ONE PIECE, mas mahaba-haba ang exposure sa tube!
Medyo magaling galing na si Tatay, kasi halos naigagalaw na niya ang kanang kamay niya..tapos medyo dumidiretso na ang salita niya. Sana sa pagdating ng kapaskuhan, maging ayos na si Itay.
Tungkol sa PINOY DREAM ACADEMY...walang duda na nanalo si YENG CONSTANTINO. Pero hindi ko inaasahan na maookupa ni JAY-are ang First Runner Up! I'm not against JAY-Are, PERO HINDI KO SIYA GUSTONG MAG-PERFORM DAHIL PARANG LAGING KINAKAIN ANG MGA LYRICS NG KANTA. Isa pa, ginagaya niya ang style ng performance ni Bamboo . Pareho sila ni Emman, walang originality. Bamboo na Bamboo kasi sila mag-perform eh. Sorry sa mga maka-Jay Are na makakabasa nito. Pero di ko talaga gusto ang style niya. Please baguhin naman niya para naman lumabas ang pagiging rocker niya no!
Wish ko lang, maipalabas na ang PRETTY GUARDIAN SAILOR MOON!
CIAO!
Until here, Rei Kyo at 1:26 AM 1 comments
Labels: Death Note, DVD, Naruto, PGSM, Pinoy Dream Academy, Sailor Moon
Sunday, December 10, 2006
Sari-saring Emosyon
Sari-saring emosyon. Nalulungkot ako ngayon! Ayaw ko kasi ang nangyayari sa pamilya ko ngayon. Noong nakaraang linggo, nakipag-ayos na ang kapatid ko sa pinsan ng nanay ko sa Baranggay hinggil nga sa panunutok ng patalim. Sabi kasi ng tatay at nanay ko, huwag na naming idaan pa sa korte dahil baka lalo lang daw magkagulo ang dalawang partido. Baka raw mauwi sa malubhang alitan. Siguro, dahil magpapa-Pasko, ayaw nila ng may kaaway. Sa akin, medyo mabigat sa loob ko kasi "buhay," ang nakataya doon! At ano na lang ang iisipin ng kabilang partido, na madali kaming sumuko sa laban. Gayong sa unang kaso nila na inireklamo kami na buong pamilya, (ako, si ate, si nanay at si tatay) ay hindi nakipagsundo ang luka-lukang asawa ng pinsan ng nanay ko sa reklamo na "AWAY NG BATA NA NAUWI SA AWAY NG MATANDA," Eh, hello, sa reklamo pa lang nila, mali na eh. Sinong bata ba ang nakipag-away? Hello, sa apat na inireklamo niya eh, ako ang pinakabata sa lahat. Susme, I'm 29 years old! Wait, 28 ba? Lols, tumatanda na talaga ako. Anyway, young at heart pa din naman ako eh. So far, wala akong pakialam sa pamilyang iyon. They don't exist sa mundo namin.
Second, ang nakakainis na nangyari! Umagang-umaga, nagkakagulo ang lahat sa bahay. Bakit? Ang itay ko, hindi daw makapagsalita ng tuwid at medyo hindi maigalaw ang kanang kamay. OH MY GOD! NAG-AALALA talaga ako. Kahit hindi ko man maipakita sa kanila.(Hindi kasi ako umiyak!) Ayaw kong makitang panghinaan ako. Naiyak ang kapatid kong lalaki. Dahil alam kong mahal na mahal niya ang itay at ang inay. Naiyak si tatay. Para ngang nais ma-depress eh. Pero ang payo nga ni nanay at ng mga kapatid ko. Huwag siyang umiyak at ma-depress. Dahil baka lamunin siya ng depression na baka ikapahamak niya. OH MY!!! Magbi-birthday pa naman siya this coming week. Dasal ko lang sa Panginoong Diyos, pagalingin niya ang tatay ko. Nalaman nila sa doktor na nagkaroon ng "mild stroke," ang tatay ko. Pero, naniniwala ako sa Panginoon, na gagabayan niya ang tatay ko at ang pamilya ko.
Talking about Pinoy Dream Academy. Di ko gusto ang naging resulta. Ayaw ko na makasama si Panky at Jay-r sa Headmaster List of Six. Medyo naiinis ako. Talagang umiyak si Rosita nang gabing iyon. Oh, ayaw ko talaga kina Jay-r and Panky. Mainis na sa akin ang lahat ng fans nila basta ayaw ko sa dalawang iyon. Don't care cause I care!
Lord, patnubayan mo kaming pamilya. Thank you! .
Until here, Rei Kyo at 12:36 AM 0 comments
Labels: Lord, Pinoy Dream Academy
Sunday, November 26, 2006
Nakakainis naman!!!
Hey guys, tagal kong nawala here! tee he he..sa tutuo lang, namiss ko ang magsulat ng entry ko here. Okey...ano ba ang mga isusulat ko dito. Ay oo nga pala..naiiinis nga pala ako sa forums ng ABS CBN ah, hindi ko mabuksan ang account name ko. Tagal-tagal na, halos two weeks na...invalid user daw ako or hindi pa daw accepted ako doon. Eh akin yung username na "MAMARU". Kainis talaga. Tapos, gusto kong magbukas ng new account, ayaw naman tanggapin...kainis talaga! Sino kaya ang nagbura or nag-alis sa akin doon sa forums. Wala naman akong hindi magandang isinusulat doon. Eh iyong iba nga, puro hinaing at panlilibak sa ABS CBN ang ginagawa. Hay kainis talaga!
Hey, malapit na palang matapos ang Pinoy Dream Academy. Sa December 16, 2006 ang BIG NIGHT nila. At ang gusto kong makapasok sa Final Six ay sina Yeng, Rosita, Ronnie, Irish, Panky and Yvan. At oo nga pala, ipapalabas na sa ABS CBN Primetime iyong KOREANOVELA na Princess Hours. So far, mas nagustuhan ko iyon keysa sa Taiwanovela na Started With A Kiss!
And check it out, guys and gals. Ipapalabas na ang "HIKARU NO GO," ang isa sa gusto kong anime. Hay, cute ng boses sa tagalog ni Hikaru. Pero iyong ke SAI, medyo malaki ang boses...hindi ko nagustuhan. Eh, ang character pa naman ni Sai ay medyo me pagkakalog. Tee he he. I like Touya Akira and Hikaru Shindou. Tee he he...magsisimula nga pala iyon sa Monday, 3:30 PM. Ngayong araw ng November 27, 2006. Cool na cool.
Ah, basta I LOVE YOU!
Until here, Rei Kyo at 2:02 AM 1 comments
Labels: ABS CBN 2, Hikaru No Go, MAMARU, Pinoy Dream Academy
Wednesday, November 08, 2006
Let's Talk About Anime In Local Television
Hi-ya!!!
Tagal ko na ding di nagpo-post...so, ngayon, pag-usapan natin ang mga anime ngayon na lumabas sa lokal telebisyon natin.Unahin natin ang pagbabalik ng CARD CAPTOR SAKURA. Una nang ipinalabas ito sa ABS-CBN 2. Ilang beses din siyang nag-re-run sa naturang istasyon. Una ko itong nasilayan noon...tuwing SABADO ng hapon sa ABS CBN 2. Nalaman ko lang ito nang mapanood ko ang isang episode nito. Halos kasabayan kasi nito ang pagpapalabas ng SAILOR MOON SAILOR STARS sa ABC 5. Natutuwa pa nga ako, kasi ang ganda ng story nito. Isang batang babae na siyang huhuli sa mga baraha na nanggugulo sa daigdig. Nang mabalitang GMA 7 ang muling magpapalabas nito sa lokal telebisyon, madami ang nagbigay reaksyon. Sabi nila, hindi nila papanoorin. Pangit daw kapag sa GMA 7 ipinalabas. Tsk, tsk, tsk, pati ba naman mga anime, balak pang isingit sa network war. Hay, ang mga otaku na ganyan mag-isip, hindi dapat tawaging otaku.
Regarding CARD CAPTOR SAKURA.
Hindi lang ako nasiyahan sa pagpapalabas ng CCS sa GMA 7 sa mga reasons na ito.
1. Dahil sa News FLash Report, hindi man lang naipakita ang Opening Song, maging yung scenes na panaginip ni Sakura noong nasa Tokyo Tower siya. (Pero sa kanilang mga trailer, ipinapakita iyon...)
2. Kainis minsan ang pagputol ng mga eksena para magbigay daan sa commercial.
3. Hindi bagay kay Touya ang boses niya.
4. Mas lalong hindi naman bagay kay Yukito ang boses niya.
Bagamat gusto ko ang dubber na si Marick dacanay para kay Sakura Kinomoto, nagustuhan ko na din si Jenny Bituin. (Kasi napagkamalan ko noon na boses ni Marick Dacanay ang nagbigay buhay kay Mizaki sa Angelic Layer.)
Mas preffered ko ang boses ng bagong Kero-chan kaysa kay Candice Arellano. Kasi batang bata ang boses. Baguhan man siya sa pandinig ko, naagaw niya ang atensyon ko. Magaling siya para sa akin.
Narinig ko na din ang boses ng nagbigay boses kay Tomoyo sa ibang anime sa GMA 7. Okey na din, pero mas feel ko ang boses ni Mary Joy Adorable (I guess ito yung nakakabatang kapatid ni Kaye Abad!)
Yung chanting ni Sakura at Kero-chan sa pagtatakda ni Kero-chan kay Sakura bilang isang Card Captor, sinunod nila sa Japanese Script. Nakakatuwa kasing marinig iyong, "RELEASE!"
Sa kabuuan, maaari kong ibigay na 80 % akong nag-enjoy sa panonood.
Until here, Rei Kyo at 1:35 AM 4 comments
Labels: ABS CBN 2, CARD CAPTOR SAKURA, Marick dacanay, Pinoy Dubber, Sailor Moon
Tuesday, October 24, 2006
Kasi naman...
Enjoy ako sa song ni Nikki Gil na "Kasi Naman," original ng HOTDOGS.
Until now...inis pa din ako sa kapitbahay kong mukhang daga ang ugali. Kainis.
Inis din ako sa mga ilang scholars sa Pinoy Dream Academy....daming papam-pam. Kainis, na-out na ang pride ng PASIG na si RJ JImenez...kainis nga eh. Sayang...wala na yung ka-loveteam ni Yeng. Gusto ko pa naman silang dalawa. Enjoy ako sa song nilang dalawa. Susme, naiinis ako ke Iya..papansin talaga at sipsip sa mga teachers...mas malaki pa ang braso niya ke Jay-ar!
Sa ngayon, tinatapos na namin ang damit ni Sailor V para maisuot ni Daryl sa HERO CON. Ad speaking of HERO CON. Mukhang sa first day lang kami aatend....dahil ang mahal ng ticket....one hundred ang isa. Buti pa noong TOYCON...50 pesos lang....hay kainis...i dont know kung matutuloy pa...bahala na.
Dami kong gustong mapanood na anime...ahhhh!!! kainis!!!
Until here, Rei Kyo at 12:57 PM 1 comments
Labels: HERO CONVENTION, Pinoy Dream Academy, Sailor V, Yeng
Wednesday, October 04, 2006
Yataa!! I have a manga on line...lols!!!
Tagal ko ding pinag-isipan ang project kong ito...(pansariling project) kung itutuloy ko ba ang pag-gawa ng sarili kong komiks dito sa internet. So, yun nga...gusto ko kasi ma-improve lalo yung mga artwork ko. Kasi talagang napapangitan ako sa mga gawa ko.
Well, yung manga-on-line ko nga pala, ay tungkol sa mga angel warriors ko. Inspired by Naoko Takeuchi's Sailor Moon.I guess maiibigan ninyo yung story.
Here is the link:
SAINT ANGELUS MICHAEL
Sa mga babasa, sana maibigan nila yung drawing pati ang story. :D
Sample page:
Until here, Rei Kyo at 2:23 AM 0 comments
Labels: Michael, Sailor Moon
Monday, October 02, 2006
Yay! Check it OUT! Check it out!
Yay!!! WOW! I'm very happy na isa ako sa mga lucky letter sender na makakatanggap ng original artwork ni Mr. Gilber Monsanto. At ang hinahangaan kong isa sa mga gawa niya ang character...si THUNDER STONE. Mr. Monsanto is really amazing! Napakaganda niyang gumawa ng mga super heroes characters. At ang abilidad niya sa pag-do-drawing ay isa sa mga walang kaparis. Ito nga pala ang link ng blog niya para makita ninyo.....
Monsanto's Name
Talagang na-appreciate ko yung artwork niya!!!
Until here, Rei Kyo at 12:56 AM 0 comments
Labels: Monsanto, Super Heroes, Thunder Stone
Sunday, October 01, 2006
Moon Revenge
Walang kinalaman iyong title sa post ko here. Naisip ko lang na magandang title ng entry sa isang blog iyong kanta ng mga Senshi...iyong "Moon Revenge," Kanta nila ito sa kanilang "Sailor Moon R The Movie," and nitong mga nakaraang araw, nakita ko ang isang video nito sa YOUTUBE kung saan kumanta iyong limang seiyuu ng SAILOR MOON. Aliw
na aliw ako nang mapanood ko iyon. Nakakatuwa kasi ang mga performances nila. Ganda talaga!
Kainis nitong nakaraang araw. Noong binagyo tayo ng Bagyong Milenyo. Talagang sinalanta nito ang buong Luzon. Kainis!!! Black- Out!!! Ang init-init talaga! Tapos, dagdagan mo pa na me nakaaway ka pang "kainis na kapitbahay," At ang kakapal ng mga mukha, sila pa ang unang nagreklamo sa barangay. As in kapal talaga, dahil nang sinabi naming magkita na lang kami sa barangay..bah...nauna pa sila.
So far, gumaganda ang takbo ng KOMIKS Presents: Da Adventures of Pedro Penduko. Kasi, bukod sa may magandang aral siya, meron pang mga trivia about pinoy supernaturals. :D
Hay naku, bakit si CHAI pa ang iniligtas ng mg scholars..wala ba silang tenga at mata para makita kung sino ang deserving nang gabing iyon. I don't like CHAI dahil sa attitude at mga bad manners na ipinakita niya sa loob ng isang linggo. Hump, yabang niya!
Isa pa, Happy Birthday pala ke Michael Anthony F. Obero. nitong nakaraang September 29, 2006
Ay oo nga pala, yung mga mahilig sa komiks....this coming OCTOBER 21, 2006, merong KOMIKON ngayong taon na ito. Ito pala ang poster.
Until here, Rei Kyo at 12:06 AM 0 comments
Labels: Komikon, Michael, Obero, Pedro Penduko
Wednesday, September 27, 2006
Wedding Peach: Astig ding katulad ni Sailor Moon
Nang una kong mapanood ito sa bakuran ng ABS CBN 2 noong 1990's. Sorry ah, di ko na alam kung anong year siya naipalabas sa Pilipinas.
Until here, Rei Kyo at 2:23 AM 0 comments
Monday, September 25, 2006
Real Sailor V Game
Kung gusto ninyo ng SAILOR V Games. Visit this site, para ma-download ang Sailor V video game.Ito pala ang site. SAILORVORG
Until here, Rei Kyo at 4:04 AM 2 comments
Labels: Sailor Moon, Sailor V
Who is Michael Anthony F. Obero?
Sino ba si Michael Anthony F. Obero? His birthday is September 29.
Don't ask me....dahil hindi ko na maalala kung sino itong nagma-may-ari ng name na ito. Kung kilala mo siya....just send me a message here!
Until here, Rei Kyo at 3:18 AM 2 comments
Sunday, September 24, 2006
Arigatou, Sayonara Jun Hirano
Nanonood lang naman kasi ako ng Pinoy Dream Academy because of Jun Hirano. Naaaliw kasi ako sa kanya...(mukha kasi siyang "bata") I mean para siyang bata. Asal bata. Natural na natural ang kilos sa loob ng Academy. Parang ang sarap niyang maging classmate sa loob ng Academy. Hindi siya nahihiya kung nahihirapan siyang makaintindi ng tagalog or english. Tapos, natutulog pa siya sa gitna ng klase. Sabi-sabi ( ng mga nakikita kong nagte-text sa PDA kapag nanonood ako ng PDA sa Studio 23. Mukhang paborito si Jun Hirano. Kasi nga, kawaiii ang mga kilos at asal niya sa ACADEMY. Eh, naaaliw pa ko sa pag-sasalita niya ng japanese. Para siyang nabuhay na anime character...
Nalungkot ako nang mag-voluntary exit siya....(kainis naman na rules iyon..mas mabuti pang na-kick out ka na lang sa loob ng Academy kesa ang pilitin na umalis. Di ko lang gusto ang reason niya...mag-a-out siya dahil hindi niya naman iyon dream...pangarap daw iyon ng mother niya. I don't know kung maniniwala ako. Maybe ang mga dahilan, kaya siya aalis..nahihirapan siyang makibagay sa mga scholars..hirap na hirap kasi siya na i-express ang feeling niya sa english or tagalog.
Aliw din ako..sa kantang sinulat nila ni Emman ng Ilo-Ilo...
Hayyy, sayang, hindi nominado si Irish....I don't like her kasi...:D The reason kung bakit ayaw ko sa kanya...akin na lang!
Until here, Rei Kyo at 1:15 AM 0 comments
Labels: ABS CBN 2, Jun Hirano, Kapamilya, Pinoy Dream Academy
Friday, September 08, 2006
Saint Angelus Michael
I was inspired by the work of Ms. Naoko Takeuchi's Sailor Moon. So that why, I created my own version of Warriors. An Angel Warrior named Saint Michael.
Medyo ginaya ko iyong mismong drawing ng isang poster ng Sailor Moon. Talagang ginaya ko. ^-*
Actually, isang magical action shonen ang genre ng "Saint Angelus Michael,". Kuwento ito ng kabutihan laban sa kasamaan. Ayon sa alamat, pitong piniling tao ang siyang magtataglay ng kapangyarihan ng pitong arkangheles ang siyang magliligtas sa kasamaan na pinamumunuan ni Satan. Bago magising ang hari ng kadiliman, kailangan nilang makita ang banal na gintong espada, ang "Evangelion," na siyang tanging makakapatay sa hari ng kadiliman. Pero kapag ang banal na gintong espada ay napunta sa kamay ng kadiliman, ito ay magiging susi ng pagkabuhay ng hari ng kadiliman. Mababalot ng kasamaan ang mundo. At ang mabubuti ay magiging masama.
About the warriors angels, the blue haired is Saint Gabriel, the angel of Water. He can create water barrier and shield.
the orange guy is Saint Raphael, the angel of Air. He has the ability of healing.
the blond , in gold and white costume, he is Saint Michael, the angel of fire. Has the power of Love.
Well, I tell more about them, very soon.
Until here, Rei Kyo at 12:13 AM 2 comments
Labels: Michael, Sailor Moon
Tuesday, September 05, 2006
You GOT Game!
New Collection:
Shibuya Japanese Action Fantasy Drama Live
Gakuen Heaven - 13 episodes
Prince Of Tennis Musical Dream Live First
Ouran Host Club - Episode 1-20 3 Disc
XXXHolicXXX - Episodes 1-18
Kung paborito mo iyong mga kanta sa Prince Of Tennis (ending and opening), si Kimeru, isang sikat na jpop singer sa japan. Siya ang gumanap na Fuji sa unang musical live concert ng Prince Of Tennis. Then, nabalitaan ko na lang na minsan na din siyang gumanap na Ryoma Echizen sa Musical ng POT. Galing niyang kumanta. Bagay na bagay sa kanya ang pagganap bilang si Fuji.
Medyo nakakapagod ang araw na ito...:D
Until here, Rei Kyo at 12:55 AM 0 comments
Labels: Fuji, Kimeru, Prince Of Tennis, Ryoma Echizen
Friday, September 01, 2006
Yataaa!!!
New Collection
Pretty Guardian Sailor Moon DVD 1-49 Wedding Special Act and Kirari Sailor Dream Live Concert 10 Disc
Detective School Q - Disc 3-4 (Ep.19-36)
Shakugan No Shana - Disc 3 - 17-24
Naruto -Disc 3 - Episode 190-196
Mcgyver Season Five
Want To Marry A Millionaire - Korean TV Series
Wahhh, kainis akala ko pa naman sa sampung DVD na PGSM ay naroon na ang ACT zero, wala pa din pala...wahhhh..pero nagsabi na ako sa nagtitinda na maghanap ng ACT Zero ng PGSM.
So far, na-kumpleto ko na din iyong mga kulang sa collection ko. Naku, daming magagandang anime ngayon na nagkalat. Kailangang makasama sa collection iyon.
Until here, Rei Kyo at 11:18 PM 1 comments
Labels: Anime, PGSM, Sailor Moon
Nice To Be Back!!!
Good Day! Ha ha ha! Wala lang, it's nice to be back!
Masaya lang ako!
Well, siyempre, nakapag-blog na uli ako.
Ay oo nga pala, ang Pluto pala hindi na kasama sa nine planet sa ating Solar System. Kainis!!! Hindi na kumpleto ang mga outer senshi kapag nagkataon..magiging minor senshi na lang si Sailor Pluto, tee he he he! Me gagawin kaya si Ma'am Naoko Takeuchi.
Pluto is a dwarf planet in the solar system, having been formerly considered the ninth planet from the Sun until it was reclassified on August 24, 2006 according to the International Astronomical Union's (IAU) redefinition of the term "planet". Pluto is likely to become separately classified as the prototype of a yet-to-be-named family of trans-Neptunian objects.
Naiinis ako...ang pangit-pangit ng reception ng ABC 5 sa amin...kaya hindi ako makapanood nang maayos ng Philippine Idol. And you know, hindi man lang nakapasok sa 24 or 36 (ewan ko kung 36..basta doon sa 40 yata!) sina Marinel Santos (third place winner ng Star In A Million Season One), ang propfessional singer na si Divo (kumanta ng "Ngayong Nandito ka, theme song ng Star Cinema's movie na pinangunahan ni Jericho Rosales and Kristine Hermosa), at si OJ MARIANO, isa sa finalist naman ng Season Two ng SIAM) Wala man lang isa sa kanila na nakapasok sa Philippine Idol. So far, di ko pa alam ang magiging paborito ko.
Enjoy din ako sa Pinoy Dream Academy. Paborito ko si Jun Hirano (yung hapon na cute daw na laging antukin na parang aaning-aning!) :D
Ganda pala ng Super Inggo....saka Bituing Walang Ningning!
Until here, Rei Kyo at 2:35 AM 0 comments
Labels: Bituing Walang Ningning, Pinoy Dream Academy, Sarah Geronimo
Thursday, July 13, 2006
ETERNAL CRISIS
Bakit ganoon?
Parang ang sakit....parang hindi patas!
Para akong nasa "LIMBO,"
Ayaw ko ng ganitong feeling!
Ayaw ko!
As of now, hindi maganda ang nangyayari sa buhay ko!
Gusto kong maglaho sa mundo! Para takasan ang ibang bagay.
Pero siempre may mga pumipigil.
Hoping, malagpasan sana ang lahat ng krisis na ito.
MOON CRISIS POWER MAKE UP!!!
ABSENT MUNA ME!!!
Pero dadalaw dalaw din ako sa mga ibang forums na kinaaaliwan ko. Pampaalis ng stress!
Bye for now...see you again my friend sa bagong AKO!
Until here, Rei Kyo at 4:02 AM 1 comments
Labels: Tatay
Monday, July 03, 2006
TOP 5 PINOY DUBBERS: Girls and Boys
Wala akong maisip na isulat ngayon sa blog ko. Ngayong hunyo. So, ito ang naisip ko. Ang pahalagahan ang mga pinoy dubbers na nagustuhan ko. So far, ayoko muna ng top 10. Bibigay muna ko ng tiglilimang pinoy dubbers, babae at lalaki.
My TOP FIVE Pinoy Dubbers:
Girls:
5. Weng Raganit -astig siya sa pagbibigay boses lalaki..lalo na ke Edward Elric ng Full Metal Alchemist
4. Marick Dacanay - da best niyang nagampanan si Sakura Kinomoto...bagay na bagay!
3. Minna Bernales - ang isa sa mga masarap pakinggang ang boses. Di ko akalain na iisa lang ang boses niya. Siya si Haruka Tenoh ng Sailor Moon S at Luna ng Sailor Moon S up to Sailor Star. Kuhang-kuha niya ang pagiging masculine voice ni Sailor Uranus. Maikukumpara ko siya sa original dubber nitong si Ogata Megumi. Actually, ang nagboses ng unang Luna (Season One and R) ay si Ma'am Eloisa Cruz Canlas.
2. Vilma Borromeo - isa sa mga may sexy voice. Remember her as the Rei Hino of Sailor Moon and Sailor Moon R. Saka ang batang boses ni Princess Sarah ng ABS CBN 2.
1. Ollie De Guzman - siyempre, napapakinggan ko na siya sa radio drama ng DZRH. Pero lalo ko siyang naging paborito nang gawin niya ang Sailor Moon. Sa tingin ko, sa ngayon, in my opinion, wala nang gaganda pa sa pagkakabigkas niya ng "Ako ang magandang tagapagtanggol ng pag-ibig at katarungan. Ako si Sailor Moon! Parurusahan kita sa ngalan ng buwan. Kung naaalala ninyo ang Sailor Moon S (Tagalized version), ang tatlong naunang episodes ay hindi boses niya ginamit. Pero nagbalik siya nang ikaapat na episodes..doon sa may pamagat na "Ang Idol!" Nang mapanood ko kasi ang unang episodes ng Sailor Moon S sa ABC 5. Medyo nadismaya ako nang maiba ang mga boses ng mga characters...wala na iyong mga paborito ko. Pero, nang mga sumunod...na-remain na si Ollie De Guzman. I guess siya lang ang naremain doon dahil wala si Ms. Vilma Borromeo. Very Happy
TOP FIVE PINOY DUBBERS: BOYS:
5. Jeff Utanes - isa sa mga boses na naibigan ko. Gusto ko ang pag-portray niya kay Li Syaoran at siyempre sa younger brother ko na si Shigeru Kanmuri.
4. Blair Arellano - naging instant fan niya ako nang ganapan niya si Naruto. Of course, isa din akong fanatic ng Naruto.
3. Mike Punzalan- mas nagustuhan ko siya bilang si Seto Kaiba ng Yugi Oh kaysa sa papel na Kira Yamato ng Gundam Seed.
2. Robert Brillantes - Ganda ng boses nito. lalo na nung kapanahunan ng Amazing Twins at Meteor Garden. Mas fan niya ako sa mga koreanovela at Chinovela eh. Nagustuhan ko siya sa anime ng Yugi OH at Detective Conan.
1.- Louie Paraboles - kakatuwa ang boses niya. Kakatuwa ng siya ang nagbigay boses kay Charlie ng Amazing Twins. Lalo na ng ganapan niya si Azuma Kazuma ng Yakitate Japan. At Liya ng Akazukin Cha Cha.
Until here, Rei Kyo at 6:33 PM 2 comments
Labels: Pinoy Dubber
Tuesday, June 20, 2006
Itadakimasu!!!
Hummm..me kinalaman ba ang title sa nangyari nitong mga nakaraang araw...ewan!
Okey, nitong Saturday, mag-co-cosplay uli ang pamangkin ko bilang si Sailor Chibi Moon from the anime series...Sailor Moon S. Halos, mga tanghali na kami nakarating doon dahil nalilito ako sa dami ng mga dadalhin. So far, naroon na si Ate Corazon..nakabili na din siya ng ticket. And would you believe...naubusan ng ticket....kung kaya, nagpakuha pa uli ng mga bago. Nasa 1000 plus na ang number ng nakuha naming ticket. Pumasok muna kami sa loob ng Mega Trade Hall bago binihisan si Daryl.
Uy, mukhang mas maganda ang ID ng HERO TV Membership Card ah. Parang gusto kong magpakuha uli..tee he he..again, si Daryl, ipina-member ko uli. Woahhh. Daming tao sa convention. It's so nice to see again some friends on line. Astig ni Windracer...nag-cosplay ng Gundam Seed Character...also, nakita ko ang mga taga-ABS CBN forums user...naroon sila sa booth ng kaibigan ni Windracer...yung tungkol sa "TAROT READINGS," ang nakita ko lang sa first day convention ay si Mikan, Tetsu, Moonlight Bomber, Kira Yamato, and Windracer. And also, na meet ko uli yung ibang kilala ko sa FILCOSPLAY... sa wakas naroon sina Usagi, Dukesa, Jillian (Dukesa's Cousin...si Senshi na mag se-Sailor Venus PGSM, at si Ligayaharuka. Ganda ng mga costumes nila ah...im so happy na isang Sailor Senshi ang nanalo sa CHIBI AWARD..yun nga si Jillian...tee he he... sa catwalk ni Daryl, ako ang sumama sa kanya sa stage para alalayan siya....(mang-agaw ba ng eksena....) tee he he...madami kaming CDs na nabili...sayang...20 CDS iyong Ranma 1/2, at wala akong ganoong halaga ng pera para bumili... maybe me next time naman eh...pag-ipunan na lang....ginabi na kami ng uwi. Sobrang napagod kaming magkapatid...nananakit nga ang braso ko eh. Bigat ba naman ni Daryl eh. Nakatulog kasi habang buhat ko.
In the next convention, (bale second day na!) So nakabili ako ng anime na "The Little Mermaid..." iyong mas malapit sa story ni Hans Christian Anderson...nakakaiyak ito ng napanood ko. Kainis...bakit ganoon. Talagang napaluha ako ah. Naging bula si Marina....wahhhh kaiyak.
Regarding about sa cosplaying ng filipino character like "Tristan," ng Panday or "Flavio," ng Panday...sa pagkakaalam ko dapat me special category ang mga Filipino Characters...kaya lang mukhang hindi natuloy..kung kaya siguro isinama na sila sa Live Action Cosplay Competition...(kasi dapat sana...kung hindi naging atrasado...isasali din namin si Daryl sa Filipino Characters Cosplay as CHIBI DARNA...*-*)
Sa pagkakapanalo ng group cosplay...mas nagustuhan ko ang MKR Groups...dahil almost all of the characters out there...astig si Mokona....maganda ang mga costumes nila...napapansin ko lang lagi sa ngayon sa pag-attend ng mga convention...ang laging nananalo ay yung medyo ang design ay may mga pakpak na malalaki at black attire...just like nga ng nanalo nung saturday na best male ay yung character ni Dracula from Castevania...then nanalo naman ng best female ay iyong ccharacter ng Guilty Gear..kung di ako nagkakamali, si Mai....at ang Chibi Award naman ay napunta ke Jillian, gumanap na Sailor Luna....
Until here, Rei Kyo at 1:51 AM 0 comments
Labels: Daryl, Filcosplay
Saturday, June 17, 2006
Yayyy!
Yayyy!!!~
Sa wakas, natapos na namin ng Mother ko ang costume ni Daryl para sa Card Captor Sakura. After a long long debate kung ano nga bang costume ang gagawin. So far, (lagi na lang me so far...) ang isa sa madaling costume ni Sakura ang ginawa ko. Gumamit din ako ng Venus Dye (dyobus?-teka, ano ba ang tamang tawag doon?---) para doon sa kanyang gloves. Basta, maganda naman ang kinalabasan ng costume. Iyong kanyang Magical Sealing Wand, until now...hindi pa din magawa pero hoping sa Sunday, ayos na siya.
Ay! Oo nga pala, Toy Con na mamaya sa Mega Mall. Kami muna ni Daryl ang mauunang pupunta. Si Ate Corazon naman ay susunod na lang dahil mayroong work. Hoping, hindi magkaroon ng tantrums si Daryl. Sa naturang event, makikita ko din ang ibang ABS CBN Anime Forums User..specially Windracer na merong booth sila...at ang kanyang GSD Cosplay Group, tapos me fanfilm contest pieces pa siya. Sino sino kaya ang mga darating?
Speaking of anime, palabas na mamaya din alas siyete ng umaga sa GMA 7 ang anime na Peach Girl. Kainis.....ang aga..hoping, maganda ang dubbing nito....
And nagpunta ako sa blog ni Nagi . I got her "THANK YOU," messages...and I guess, can I say, "Walang anuman..." tee he he he..
Until here, Rei Kyo at 12:57 AM 2 comments
Labels: CARD CAPTOR SAKURA, Daryl
Thursday, June 15, 2006
Pagbabalik!!!
As of now, maraming bumabalik ngayon! Pagbabalik ni ganito! pagbabalik ni ganyan. So far, kagabi, bumili kami ng black leather shoes ni Daryl. Eh halos walang available na size sa kanya na mga sapatos. Meron kaming nagustuhan na Garfield ang signature pero wala ng size na para sa kanya. Meron ngang "Hello Kitty," wala naman na maganda ang design. Even, the Disney Princess...wala din magandang design. Meron, Minnie Mouse, walang kasya.So napunta kami sa fisher-price. Mula sa pusa...naging isda!
Speaking of Cat...nagbabalik na ang paboritong pusa sa buong mundo...si Garfield. As usual nnaroon si Jeniffer Love Hewitt (bida ng Ghost Whisperer na napapanood sa Studio 23) bilang Liz. Nalimutan ko kung sino ang nagbigay buhay sa character ni John, ang may-ari kay Garfield. Pero di ko naman kinalimutan kung sino ang voice actor niya, si Bill Murray. Tee he he. So far, aliw ako sa movies. Di pa din nawawala ang kakulitan ni Garfield. Nakakatuwa siya. I wish na magkaroon ako ng pusang katulad niya.
Regarding about "returning," muling nagbalik ang X-Men sa X-Men 3: THE LAST STAND, THE OMEN (Remake) na pinangungunahan ni Julia Stiles. Ganda pa din niya. Siempre, ang Super Man Returns na pinagbibidahan ni Kevin Spacey bilang Lex Luthor and Brandon Routh as Super Man.
At nakita ko ang poster ng The Fast And The Furious 3: Tokyo Drift. OH MY GOD! Naroon ang picture ni Keiko Kitagawa (gumanap na Sailor Mars sa PGSM) Ganda niya talaga! Nagustuhan ko si Keiko sa kanyang pagganap bilang Sailor Senshi. She is so beautiful kung alam mo lang. Bagay na bagay sa kanya ang papel na Rei Hino. At sa movie pala niya, her name is Reiko. Teka lang, dagdag lang kaya ang picture niya na nakita kong poster doon sa SM MEGAMALL? Para kaya sa promo for asian countries. Kasi doon sa original poster na nakikita ko sa official site ng movie eh, wala siyang picture.
Until here, Rei Kyo at 6:14 PM 0 comments
Labels: Daryl, Super Heroes, Super Man
Wednesday, June 14, 2006
What's Wrong With GMA 7?
Ang No.1 Station daw!
Ang pinakamagaling na channel daw...ang nabibigay ng mga palabas na de kuwalidad. Ang mga Kapuso na may puso daw...pero ano itong ginagawa ng GMA 7? Pati ang Eat Bulaga na hawak ng TAPE INC. nagiging "Kapuso," ang ugali...dahil kaya iyon ke Joey De Leon?
So far, dati-dati, nanonood ako talaga ng mga shows ng GMA 7 pero nang malaman ko ang malaki nilang paninira sa katapat na station, maging ang mga nagwo-work doon na artist...nadismaya ako....number one daw sila....number one sa kayabangan....
Ito ah...malayang nakakapag-promote sina Bong Revilla at Inah Revilla ng pelikula nilang "Kapag Tumibok Ang Puso," sa ABS CBN 2. Todo-suporta ang ginagawa ng channel 2...sa trailer pa lang...talagang ipinapakita ang mga artista both ABS CBN and GMA na involved sa movie...pero ano itong nakikita ko kapag nadadaanan ko ang channel 7? Ni wala man lang mga artista ng channel 2 sa kanilang trailer nito...at isa pa...me portion pala ang "Eat Bulaga," ng "Kapag Tumibok Ang Puso," acting ng mga contestant....abah...ang ini-ere na version ng song ay ang original song ni Donna Cruz at hindi ang version ni Toni Gonzaga na siyang ginagamit sa pelikula. What wrong witg GMA Seven? Malaki ang sayad sa ulo ng kung sino man ang may responsibilidad dito....
Monday, June 12, 2006
Bad Hair!
Bad Hair!!!
Why naman bad hair? It's all about Daryl's Hair. Tee he he he! Ganito kasi iyon. Last two week kasi, kinuha si Daryl at Jhudelyn ng kanilang Mama Wheng. Para magbakasyon ng ilang araw dahil nga ilang days na lang ay pasukan na nila dito sa Pasig Bliss Development Child Center. Magki-kinder One si Daryl while Jhudelyn (her younger sister na me kambal, si Jheremy)ay sa nursery naman!
After a few days pala, nalaman na lamang namin na wala na sila sa Polo Valenzuela. Lalo silang lumayo! Nasa Meycauwayan Bulacan na sila nakatira. OMG!!!
Kahapon nga ng Saturday nga, sinundo sila ng Father ko mula sa bahay nila sa Bulacan. Taga-Bayugbo daw sila..(OH, i am not sure kung iyon nga ang tawag sa nayon nila ...liblib na nayon ang tawag namin ni Mother dahil nga, nirarasyon ang tubig, at bagong installation lang ang kuryente. Sana naman maging maayos ang mga bata doon.
Nang makita ko si Daryl. Nawindang ako sa nakita. Bad hair. Ginupitan ang kanyang buhok. Akala ko nga ang Mama niya ang naggupit sa kanya. Pati pala si Jhudelyn, ay naku. Pag nakita mo..nawala ang mga bangs nila. Mas malala ang nangyari kay Daryl. Halos talagang walang bangs. Kainis...paano siya mag-sa-Sakura Kinomoto niyan sa Toy Con kung ganoon ang buhok. Ay naku! Kailangang ayusin iyon. Buti na nga lang, me sumbrero ang kanyang gagamitin na costume. Hoping na matakpan iyon!
Until here, Rei Kyo at 3:18 AM 2 comments
Saturday, June 10, 2006
My Girl, Peach Girl, Let's Go, PBB: Teen Edition, Captain Barbell ATBP.....
Tagal na din akong hindi nagpo-post sa blog ko. Wala lang! wala lang akong maisip nitong mga nakaraang araw. Saka busy ako sa mga ilang gawain. Ano nga ba ang isusulat ko? Well, wala lang. Kung ano-anong mga bagay na lumilitaw sa aking isip. Iyon lang naman ang isinusulat ko eh. Mga kuwentong tila walang kuwenta para sa iba pero malaking bahagi sa buhay ko. Doon ako masaya eh!!!
My Girl - ang bagong "koreanovela," na nagustuhan ko after ng "Snow White: Taste Sweet Love. OO! Hindi ang "Lovers In Paris," ang unang korenovelang nagustuhan ko kundi ang Snow White...aliw kasi ako doon eh. I like the story na magkapatid na mayroong damdamin sa isang babae. At kung sino ang pipiliin niya. Well, manood ka na lang nito sa DVD or VCD kung mayroon kang makukuhaan. Pero tunay na naaliw ako. Ay teka lang, nawala na tayo sa pinag-uusapan. OO nga pala, tungkol sa "My Girl," nang una itong ipinatalastas sa ABS CBN 2...medyo naaliw na ako. Magaganda at guwapo ang mga bida. Bida dito si Lee Dai He at Lee Dong Wook. Sila si Joo You Rin at Gon Chang Seol. Sa Pilipinas, sila si Jasmine at Julian. Sa kuwento, kinailangang magpanggap nila Julian at Jasmine na magpinsan. Dahil hinahanap ni Chairman (lolo ni Julian) ang kanyang nawawalang apo...iyon na nga si Jasmine daw. And so on...na-fall in love si Jasmine kay Julian. Nakakakilig ang bawat eksena nito kung kaya wala pang tatlong araw ko itong napapanood ay nagustuhan na ito ng sister ko. Kung kaya naghanap ako ng DVD nito na me magandang subtitles. And would you believe, nag-marathon kami sa panonood nito. Nabili ko ito ng "friday," at "saturday" na ng madaling araw namin natapos. Mga 3:00 A.M na namin ito natapos. Sayang nga lang at walang english subtrtles ang "Special Features," nito. At ang nakakatuwa pa sa last episodes nito, mayroong koreanovela na nag-guest dito. Sino? Aba, panoorin ninyo na lang..tee he he he!
Peach Girl - Anime. Kuwento ng "love triangle," na kinasasangkutan ni Momo, (siya ang Peach Girl) Touji at Kairi. Dagdagan pa ng mga interesting character na tulad ni Sae, ang dakilang kontrabida sa buhay ni Momo. Si Misao-chan, ang may mahalagang papel sa buhay ni Kairi. Si Ryo, opposite ni Sae na kapatid ni Kairi. Ay naku, maaaliw at mai-in love ka sa kuwento nila. Kung sino ang tunay na mahal ni Momo. Tuiklasin mo!!! Basta, I love this anime series. Thanks, dahil after a long wait..nagkaroon na ng anime itong Peach Girl, na unang nasilayan bilang manga.
Let's GO! - Isang bagong teen comedy sitcom. After na magpalabas ang ABS CBN 2 ng mga sitcom na umiikot sa barkada (alala mo pa ba ang "Tabing Ilog," "Gimik," at "G-Mik.") Kumpara sa mga naunang teen sitcom ng ABS CBN 2, ito ang isa sa mga comedy nila. Kaaliw din ito. Bukod sa nakakatuwa ang bawat episodes nito...aliw din sila dahil mga bagong mukha ang naroon plus mga datihan ng artista...tulad nga ni Janelle Quintana at Mikel Campos. Kung gusto mong tumawa, o maaliw, manood ka nito bago ang "Little Big Stars."
PBB: Teen Edition - Nagustuhan ko ang PBB: Teen Edition kahit minsan lang ako makapanood nito. Naaliw ako sa ibang kabataan. Bagamat wala akong "inis, " o hinanakit sa nanalo nito na si Kim Chuie (whatever her surname....di ko alam ang spell nito...) ayoko lang na ikinukumpara siya ng ibang tao at press media people kay Sandara Park. Dahil magkaiba sila ng level. I loved Sandara Park. Wish ko lang, huwag sanang matulad siya kay "Hero Angeles," na inalis ng ABS CBN 2. Alam kong mainit ang pangalan ni Kim C. dahil "siya" ang "IN," sa telebisyon..dagdagan mo pa ang isang chinese song na hinaluan ng tagalog lyric na naging paboritong kantahin din ng ilang tao...so please...don't Sandara down!
Captain Barbell - maikli lang ang sasabihin ko. Na-curios ako kung ano ba itong bagong fantaseryeng inihahandog daw ng Kapuso. Pero nang mapanood ko ang unang storya...nasabi kong.."copycat ng "SMALLVILLE," Para tuloy naririnig ko ang sinabi ni Lavinia kay Dorina, na..."U can't make it.You're nothing but a second rate trying hard copycat!" mula sa pelikulang "Bituing Walang Ningning" ni Sharon Cuneta at Cherie Gil. At ngayon ay isa nang matagumpay na sineserye sa telebisyon...na pinangungunahan ni Sarah Geronimo, Angelika Dela Cruz at Zsa Zsa Padilla.
Aliw din ako sa "KOMIKS!" dahil laki akong komiks....so far...mahal ko ang mundong ito. Pinahahalagahan ko ang bawat nilalang! I love you!!! Ganyan ako...maging isang kapamilya!!!
Until here, Rei Kyo at 5:40 PM 2 comments
Labels: Kapamilya
Friday, June 02, 2006
Billy Gilman, My Idol
He is Billy Gilman, country singer from United States Of America. Nang una kong makita ang video niyang "Oklahoma," sa MTV Asia, kinagiliwan ko na siya. Naging instant fan ako ng batang ito.Uso pa ang cassette tape noon sa akin, so far binili ko iyong "ONE VOICE," album niya. Then, naghanap ako ng second album niya, then, bumili ako ng second album niya, yung CD na! Tee he he..buti na lang me nakita ako sa Quiapo noon. Kaya lang, naiinis ako sa Sony Philippines dahil hindi na nilabas iyong next album niya. And right now, sa YOU TUBE ko na lang siya nakikita...but I am his fan pa din.Di ko alam kung anong age na niya yata!
Laki na niya no?
Until here, Rei Kyo at 12:42 AM 0 comments
Labels: Billy Gilman
Wednesday, May 24, 2006
PGSM Sailor Chibi Moon?
Isa sa mga gusto kong i-cosplay ng pamangkin ko ay ang character na si Sailor Chibi Moon (also known as Chibi Usa) Cute kasi ni Chibi Usa. Balak talaga namin ay ilabas ito sa Ozine Fest 06. Kaso nga lang, hindi umabot ang edad ni Daryl. She is 4 years old only, samantalang 7 to 12 Years old ang Children Category ng National Cosplay Competition ng Ozine Fest 06.
Dahil nga wala naman sa "Pretty Guardian Sailor Moon," ang character ni Chibi Usa. So far, ginawan namin siya ng live action version. Ito nga iyong ala-PGSM na Chibi Moon. So far, teaser ko pa lang ito.
Until here, Rei Kyo at 10:28 PM 0 comments
Labels: Daryl, PGSM, Sailor Moon
Sunday, April 23, 2006
Ano? English Movie Sailor Moon?
Kung hindi pa ako nagpupunta ng ABS CBN Forums ay hindi ko pa malalaman ang balitang nais gawing HOLLYWOOD MOVIE ang "SAILOR MOON," Post ito ni Jamibu sa ABS-CBN ANIME Forums, at nabasa ko din sa FILCOSPLAY. Wanna check about this news, so read this:Comimcs2Film
Natawa ako nang una kong mabalitaan. Natuwa dahil muli na naman na mamamayani si Sailor Moon. Pero ang gaganap bilang Sailor Moon ay si Lindsay Lohan. So far, kagabi lang, nanonood kami ng sister ko with Daryl ng "Raise Your Voice," ni Hillary Duff. Naisip ko na bagay kay Hillary Duff ang maging Serena also known as Sailor Moon. Bilugan kasi ang mukha niya, at magaling umarte.So far, mas gusto ko siya kaysa kay Lindsay Lohan.
So far, madaming ayaw kay Lindsay Lohan dahil meron siyang hindi magandang imahe sa Hollywood...that's all...(edited version)
So far, kung talagang matutuloy ito na siya ang gaganap...well tatanggapin ko na lang. Dahil isa akong "SAILOR MOON FANATIC!"
Until here, Rei Kyo at 1:16 AM 2 comments
Labels: Lindsay Lohan, PGSM, Sailor Moon
Sunday, April 16, 2006
Prince Of Tennis LIVE, Eight Below ATBP.
Sabado De Gloria ngayon. So far, lumabas kami ng sister ko at ng niece ko na si Daryl. Nanood kami ng Eight Below. At muli, pinaiyak na naman ako ng isang pelikula na tungkol sa mga siberian dogs. Nakakakaiyak talaga, kasi dalawang aso ang namatay..si OLD JACK..namatay sa katandaan...dahil hindi niya iniwan ang kanilang base. Si Truman , na isa sa kambal ni Dewey, nahulog naman sa matarik na bangin. Na-injured kasi, hindi na makatayo, hanggang malagutan ng hininga. So far, doon ako sa eksenang iyon napaluha. Bakit naman kasi ang ganda-ganda ng pelikula. Cute ni Max ang pinakabatang siberian dog. Puppy pa lang pala siya. Pero, nakakatuwa alam mo ba, kasi parang mga tao sila mag-isip. Si Maya, nag iisang babaeng aso, siya ang lider nila. Na-injured si Maya, kinagat kasi ng Sea Leopard noong nanginginain sila sa patay na balyena. Nang balikan sila ni Gerry (PAUL WALKER,limang aso ang nakita niya, so far, he knew na patay na si Jack. Nakita niya si Dewey, Shadow, Max, Buck and Shorty. Aalis na sana sila pero nagpaiwan si Max, tumakbo ito, sinundan ito ni Gerry, nakita niya si Maya na inakala niyang patay..pero buhay pa! Nakakatuwa ang pelikula...talagang hahaplusin ang iyong puso. Kaya manood kayo.
Siempre ang Prince Of Tennis LIVE MOVIE na inaabangan ko din ngayong 2006. Oh my GOD, nakuha nila ang gusto ko. Ang cute ni Tezuka at Ryoma. Also Kikumaru. :D
Nanood ako ng VCD ng CLOSE TO YOU ni Sam Milby, Bea Alonzo at John L:loyd Cruz. Ganda ng movie, nakaka in love!
Until here, Rei Kyo at 1:02 AM 0 comments
Labels: Prince Of Tennis
Thursday, April 06, 2006
CHRONICLES OF THE WINGS IN ANIMAX
Marami ang nag-aabang ng Tsubasa Chronicles na maipalabas ito sa lokal na telebisyon. Isa ito sa mga bagong gawa ng CLAMP, may gawa din ng Card Captor Sakura, Chobits at X. Sinasabi ng ilan mga anime otakus, na isa ito sa pinakamagandang serye na nagawa ng Clamp. Bakit hindi. Nandirito ang mga hinangaan ninyong characters mula sa iba pa nilang work. Naririto si Sakura at Syaoran na mula sa Card Captor Sakura. Si Fye-san na involve naman sa isa sa mga naunang manga work nila. Si Mokona ng Magic Knight Rayearth. At marami pang iba na nag-guest sa kanilang series.
Umugong ang balita noon na ang QTV, sister station ng GMA NETWORKS ang napapabalitang magpapalabas ng Tsubasa Chronicles. Sabi din ay ang TSP ang nakabili ng copyrights nito. Pero hanggang sa ngayon, matapos na ang ilang buwan, hindi pa din naipapalabas sa naturang istasyon ang anime na ito. Hanggang sumabog ang isang magandang balita para sa mga anime otakus ng pinas, na ipapalabas ito sa ANIMAX ASIA. Pero, imbes na madami ang matuwa...madami ang nadismaya sa ginawa ng Animax. Marami ang speculation na pangit ang dubbed dahil sa mga in house dubbers na ginagamit nila. Baka matulad daw ito sa Initial D, english-tagalized version na marami ang pumunang hindi magagaling na voice talents ang kinuha. Kung sa pamagat pa lang, nasuka na daw ang ilang anime otakus dahil imbes na i-remain nila ang title na TSUBASA CHRONICLES, ginawa pa daw na "Chronicles Of The Wings."
Pero isa lang ang masasabi ko. Isa ito sa magagandang anime na ipapalabas ng Animax Asia. Mapapanood ito tuwing Thursday sa ganap na 7:00 O' clock. Sa ngayon, magsisimula itong mapanood ngayong April 6, 2006.
ANIMAX-ASIA: Chronicles Of The Wings
Until here, Rei Kyo at 5:32 PM 3 comments
Tuesday, March 28, 2006
Kung mag-co-cosplay Ako....
Wahhhh! Kakainggit naman ang mga cosplayers... merong CUTE..merong HATAW...merong kakatuwa...
Me? Me balak akong mag-cosplay hanggang hindi ako umaabot sa edad na....." "
Tee he he he!
Balak ko ay mag-Seiya ng Sailor Moon Sailor Stars or Artemis, human form.
Ganito ang balak kong gayahin. Tulad ng imahe na nasa itaas...si Artemis...
Picture courtesy of Cosplay.com
Until here, Rei Kyo at 4:05 AM 0 comments
Labels: Cosplay, Sailor Moon
Sunday, March 19, 2006
Anime ConventionAgain
Yay! Gomenasaiiii~! Kung ngayon lang uli ako naka-pag-post....sa tutuo lang, napagod ako ngayon eh...:D
Well, kahapon, naging matagumpay naman ang nakaraang Pinoy A*ko sa PUP (anime convention), maraming nagpunta, plus 115 Cosplayers...maraming bagong mukha...tulad ng Rozen Maiden (isa din sa nagustuhan kong anime...) Cool na merong mga nag-cosplay ng King OF Fighters...sayang wala ang paborito kong si Sie Kensou, pero naroon si Athena (i guess yung costume niya iyon yung KING OF FIGHTERS 2004 ^-*) Hindi ako nagkamali na nanalo ang mga inaasahan kong CHI From Chobits at Sanosuke ng Rurounin Kenshin....naroon din ang mga paborito kong cosplayers, yung grupo ni Naruto (I guess Marlon ang name niya..), mula sa pagiging Sakura ng Tsubasa Chronicles, isa ng doll siya ngayon...si Shinku ng Rozen Maiden. Grabe, umulan ng mga cosplayer ang naturang events. Nagbunyi ang mga Yuri at yaoi fanatic...
Hayyy, wish ko lang, ipalabas sana sa HERO TV ang Gravitation...;)
Again, nag-chibi Sailor Jupiter naman ang pamangkin kong si Daryl...at muli, nahiya na naman siyang rumampa sa stage...that's okey...unti-unti, hindi na iyon mahihiya sa crowd. You know, nung last-last saturday, maluwag ang costume niya na iyon, pero nang suutin niya nitong saturday, medyo sumikip...hindi ko alam kung tumaba ba siya o lumaki (tumaas, i mean...)
Again, nag-iisip muli kami para sa susunod na anime convention...baka, hindi muna namin ituloy iyong three inner senshi na balak namin na i-cosplay niya, (Sailor Mercury, Sailor Moon, and Sailor Chibi Moon) baka si Princess Medallion naman siya ng Akazukin Cha Cha.
Kanina pala, nagpunta me ng Quiapo. Just to make sure na bukas na nga ang NWA.At true nga na bukas siya.Wahhh,dami ng bago. Kainis!!! Pero binili ko na din ang ALICE GAKUEN. Kainisss! 12 Episodes lang..bitin!!! Pero, hoping magkakaroon din uli ang NWA~~~
Thanks to FART of Filcosplay para sa image ni Daryl.
Until here, Rei Kyo at 11:21 PM 0 comments
Labels: Anime Convention, Cosplay
Wednesday, March 15, 2006
happy birthday Ms. Naoko Takeuchi-sama and Shibby!!!
Happy happy birthday sa dalawang Idol ko mula sa Japan....:D
Shibby (Tuxedo Mask in Pretty Guardian Sailor Moon) and Princess Naoko-sama (in the pic, wedding of ms.naoko with her husbad, Toshiro, creator of Yu Yu Hakusho respectively!), happy birthday!!!
Until here, Rei Kyo at 6:45 PM 0 comments
Labels: Naoko Takeuchi, Sailor Moon, Shibby, Yuyu Hakusho
Saturday, March 11, 2006
bakit kaya ganon?
Naitanong ko na ito dati eh.
Tatanungin ko uli ang sarili ko.
Bakit kaya ganon?
Kapag ang isa sa inyong KAPAMILYA ay nawala. Ang iyong mga kamag-anak, malapit man o malayo, second or third degree ay dumarating. Nakikilala mo sila sa araw ng lamay ng namatay na kaanak. Sa kabila ng pagkawala ng isang mahal sa buhay, nagawa pa din na pagbuklurin ang isang PAMILYA.
Ngayon, muling nagkita-kita ang magkakapamilya. Iisang pamilya na ipagmamalaki mo kahit minsan ay may mahirap na pinagdaanan, pero sa kabila ng lahat..iisa pa din kayo. Nagmamahalan sa isa't isa. Merong nangawala, merong nadagdagan....(mga apo na isinilang...)
Isang pamilya! Isang lahi...sa gitna man ng mapangit na pinagdaanan, nariyan sila...ang tunay na kapamilya...sa tunay na kahulugan ng pamilya...
Masaya pala ang "FAMILY TREE," namin....ngayon ko lang naisip...:D
Until here, Rei Kyo at 4:10 AM 0 comments
Labels: Kapamilya
Friday, March 10, 2006
Is she an angel? THE ONE WHO GAVE "SHIBUE JYOJIE LAY-OUT" to me!
Is she an angel?
Last week, i saw this beautiful lay-out in internet. A Shibue Jyoji lay-out with a red rose in a background. (I'M A BIG FAN of Shibby (tawag nila sa kanya, kaya makikitawag na din ako ^-*), since the first time I saw him in my Pretty Guardian Sailor Moon VCD last year. So, nag-e-mail ako kaagad doon sa may-ari ng lay-out na iyon upang ipagpaalam na gamitin ko ang lay-out na iyon. Gustong-gusto ko kasing gawing lay-out iyon sa blog na ito. So far, kapag nagamit ko iyon dito....never na akong magpapalit ng lay-out. OO! Tutuong-tutuo, mamatay man ako. :D
After two days, nakatanggap ako ng e-mail sa may-ari at sinabi niyang, i can use her lay-out. So she gave me the files. Tuwang-tuwa ako nang matanggap ko iyon. At least, binigyan niya me ng permission na magamit ko iyon. Unfortunately, sa ilang beses na trial and error na ginawa ko. WALANG TUMAMA!!!.GOD! I can't help it, but I LOVED THE LAY-OUT VERY MUCH! Ilang gabi na akong pinupuyat ng pag-sasaayos ng lay-out na iyon sa aking blog pero walang nangyayari. So I asked her again kung maaari akong magpaturo sa kanya. AND GUESS WHAT? Pumayag siya na tulungan ako. And right now, i am just hoping na matulungan niya ako. Talagang papasalamatan ko ang PITONG SANTO na kilala ko once na mangyari iyon. ^-^
Until here, Rei Kyo at 4:37 AM 0 comments
Labels: Shibue Jyoji, Tuxedo Mask
Wednesday, March 08, 2006
Just Like A Butterfly flew away!!!
"just like a butterfly..you flew away...left our heart with a sadness and happiness...."
*Sobbb*...sniff.....I don't know if i can manage my self now.
Last midnight, after kong mag-internat. I was schocked when I saw some of my family and relatives are beside on the street. Nanglamig ako nang mabalitaan ko. Patay na ang "Lola". Ang mahal naming si Lola Intang, wala na siya. Namatay daw siya ng mga 2:00 A.M. Hudyat na pala iyon nang pagpapaalam niya kung kaya't lahat pala ng mga anak niya ay hinahanap niya. Wala sa hinagap o sa aking isip na ngayong taon ay mamamaalam na siya. Alam kong nahhihirapan na siya bunga ng katandaan at sakit niyang diabetes. Pero, hindi ko inisip na ngayong taon na siya ay mawawala. Iniisip ko pa nga na baka sa susunod na taon kung siya'y pananatilihin pa dito.
Kahit na ba, hindi kami naging malapit sa aming lola. Siya ang pinakakamahal naming lola. Siya ang nagisnan naming lola.( Hindi ko na kasi nakita pa ang lola at lolo ko sa aking father side.) She is alway my loving lola, kahit sa kabila ng mayroon siyang munting pagkukulang sa iba niyang anak. (Ohhh, ma-drama ang buhay namin! ^-*) So far, hindi na kailangang ungkatin pa dito.
"WE LOVE YOU, LOLA INTANG!
Alam naming kapiling ka ng Maykapal. Mabuhay ka sa kanyang piling!!!
Mananatili ka sa aming mga puso!
We miss you all!!!
Until here, Rei Kyo at 9:00 PM 5 comments
Labels: Kapamilya, Lola Intang
Tuesday, March 07, 2006
Mondays always get me happy!
Yay! Whooah! It's monday again. Siempre, maraming bago kapag "MONDAY," di ba? Lalo na sa mundo ng television.
Anyway, high way, pinalitan na pala iyong "Pinoy Big Brother: Celebrity Edition Challenge" ng "Mga Tagumpay at Pangarap: Mga Kuwento Sa Likod Ng Wowowee."
Siempre, ang kinaaabangan kong "SNOW WHITE: Sweet Love." Grabeh, ang cute ni Kim jung hwa as Ma Young Hee (tagalog name niya ay "Nikki." Mas cute si Lee Wan as Han Sun Woo (he is Steven) and Yun Jung Hoon as Han Jin Woo (si Kuya Robin) Nagkita na sila Nikki at Steven. Kinikilig na ko habang pinapanood ko...tee he he!
Siyempre ang pagbabalik ni Zenki. The Redubbed Version...na-miss ko tuloy ang "Kuko ni Diva." Tee he he...at ang Philippine's TV Premiere ng SAIYUKI. Well, maganda naman ang translations at dubbing...pero hindi ko trip ang mga voice dubbers. Parang hindi bagay kasi iyong nagboses kay Son Goku. Nakukulangan ako. Pero, ayos naman dahil isa yata ito sa TOP TEN ANIME in my list.
So far, i enjoyed a lot naman eh..,.then muli kong binalikan ang paggawa ng sailor senshi costume. Hayyy, malapit nang matapos!!!
Thanks GOD! I love you!!!!
Until here, Rei Kyo at 2:11 AM 0 comments
Labels: Pinoy Big Brother, Zenki
Monday, March 06, 2006
Original Darna Actress: FOR NEVER FOREVER!
OH MY GOD! Kung hindi ko pa bibisitahin ang official site ng DARNA, hindi ko pa malalaman na nawala na pala ang original na gumanap ng DARNA sa pelikula. Medyo naninibago ako. Kahit hindi ko pa napapanood ang original na DARNA Movie. Para sa akin, isa itong magandang pelikula. Nakakalungkot na ang isang artista na gumanap sa isang super heroine na iniidolo mo ay wala na. Hindi ko man lang siya napanood kung paano niya binigyan ng buhay si Darna. Sana isang araw, mayroon pang naitatabing kopya ng kanyang pelikula at muling ilabas sa mga DVD or VCDs. Rosa Del Rosario, the original DARNA, passed away February 04, 2006 in the United States Of America.
Taken from:OFFICIAL WEBSITE OF DARNA
Until here, Rei Kyo at 1:17 AM 0 comments
Labels: Darna, Narda, Rosa Del Rosario
Sunday, March 05, 2006
Cute ni Daryl sa HERO TV!!! ^-*
Last night, nag-on line ako sa Internet. Meron kasi akong tinatapos na gawain sa NET. Then, nagbasa ako ng mga naka-post sa ABS CBN Forums: ANIME SECTION. Me nabasa ako na iyong event sa UST AI NI HO ay ipinalabas na. At ipinakita daw doon ang mahal kong pamangkin. Siyempre, excited ako na makita iyon. Kaya lang sobrang late na. Wala ng HERO TV sa mga oras na iyon. Inisip ko na makikita ko naman iyon balang araw.
Iyon nga kanina, umaga pa lang nanonood na ng HERO TV ang sister ko. OH MY GOD! Siguro nakita na namin iyon ng tanghalian na. Between Musumet and Super Yoyo ko siya napanood. She looked good in TV. Tee he he...sana sa paglaki niya mag-cosplay pa din siya...magaling yata kaming mag-impluwensiya ng anime sa bata! JOKE! Tee he he...
In the next anime convention, this March sa PUP Sta Mesa. Balak naming um-attend kung kaya tinatapos na namin ang costume ni Daryl. Again, isang SAILOR SENSHI Costume ang tinatrabaho namin. Hayyy, ang hirap ah. Lalo na iyong boots! Grabeh, di kakayanin ng powers ko, buti na lang nandyan si Tatay na nakatoka sa boots...tee he he. Kami na ang bahala kasi sa damit at ibang accessories. Wohhh! kakapagod.
Siyempre, ibinalita din namin sa kapatid namin na si Sister Wena (mother ni Daryl) ang tungkol sa commercial na iyon sa HERO TV. Napanood naman niya noong hapon na. Sayang hindi na namin uli nakita.
Until here, Rei Kyo at 9:00 PM 0 comments
Thursday, March 02, 2006
SON GOKU AS A HUNK!
After an hour of surfing the net...I've found this picture. A picture of Son Goku of Dragon Ball Z. What do you think of him?
Until here, Rei Kyo at 12:03 AM 0 comments
Labels: Dragon Ball, Son Goku
Wednesday, March 01, 2006
TUXEDO KAMEN: Anime Guy Turn Into Flesh!!!
Nang makita ko siya sa ACT One ng PGSM. Nasabi ko sa sarili ko. Hindi sila nagkamali sa pagkakapili kay Shibue Jyoji, kasi tamang tama sa kanya ang description as Mamo-chan. Ganda pa ng boses niya. At ang mga mata niya, maganda. Nabuhay ang character ni Mamo-chan sa katauhan niya.
Shibue Jyoji's Profile:
Also Known As Shibby
Birthday:03:15:1983
Zodiac Sign: Pisces
Birthplace: Nagano Prefecture
Height: 183 CM
Blood Type: O
Modelling Agency: Office Palette
Height: 183 cm (6'0")
Hobbies: Music, gathering random trinkets
Special Abilities: Racket sports, darts
Major Works: Model for “Hotdog Press,” “JUNON,” etc., starred in Rina Aiuchi’s “FULL JUMP” promotion video, commercials for “NTT Docomo Chugoku” and and “AU"
Official Site: OFFICE PALETTE
Until here, Rei Kyo at 11:08 PM 1 comments
Labels: PGSM, Shibue Jyoji, Tuxedo Mask
Tuesday, February 28, 2006
SAIYUKI SA GMA 7!!!
Sa wakas, sa ilang taon nitong pamamayagpag sa AXN ANIME TIME SLOT at sa ANIMAX kung saan ko ito napanood. Ngayon, mapapanood na ito sa Tagalog. NIce!!! Isa yata ito sa TOP TEN ANIME in my list. Bakit nga ba isa ito sa mga paborito ko. Hummm, una, gandang-ganda ako sa Animation. Sa story, at ang mga characters dito, kakabilib. Basta maganda ang Saiyuki. At ngayon nga na maipapalabas na ito sa lokal na telebisyon sa Pilipinas, aba, kailangang magdiwang!
Ngayong March 6, 2006 na ang premiere ng Saiyuki sa GMA. Pinalitan niya ang Great Teacher Onizuka.
Until here, Rei Kyo at 5:56 PM 0 comments
Saturday, February 25, 2006
Haloscan commenting and trackback have been added to this blog.
Until here, Rei Kyo at 12:43 PM 0 comments
Labels: HaloScan
Wednesday, February 22, 2006
Daryl as CHIBI SAILOR VENUS
Thanks to FART of FILSCOSPLAY for sharing the image
from his/her PHOTO ALBUM ON LINE.
The credit goes for him/her.
Nag-cosplay ang niece ko as Chibi Sailor Venus
nitong nakaraang "Ai No HI," ng Tomasinotaku's Nihon Night 2006.
So far, ang pinaka-highlight ng event ay ang COSPLAY COMPETITION.
Kung saan makakatanggap ng 5,000 PHP ang mananalo.
The Winner List Are:
1st place = Gibs - Abared (Bakuryuu Sebtai Aba Ranger)
2nd place = Medith Tansingco (Ori) - Tres Iqus (Trinity Blood)
3rd = John Paul Pareja - Gaara (Naruto)
Best Male = Jan Gabriel Laparus - Kadaj (FFVII:AC)
Best Female = Josyn - Mana (Malice Mizer)
Best Crossplayer = Jhan Sarid - Venessa (KOF)
Craftsmanship Award = Robert Jeric Ong - RX-78-2 (Mobile Suit Gundam)
Best Performance = Daniel Suansing - Sanji (One Piece)
Early Bird Award = Justine Louie Bacani - Haku (Naruto)
Hero's Pick = Daryl - Chibi Sailor Venus (Sailormoon)
Daryl received the following.
1. Mirmo De Pon: Bubble Gun
2. Crush Gear Turbo Phoenix
3. Naruto Commemorative Clock and Silver Pendant
4. Yugi-Oh Trading Card Game Deck Box
5. Inuyasha Notebooks
6. Mirmo De Pon Sticker
Nagpapasalamat kami ng buong puso sa bumubuo ng Ai No Hi at HERO Staff sa pagkakapili sa aming niece bilang HERO's Pick sa Event.
Until here, Rei Kyo at 12:03 AM 0 comments
Labels: Cosplay, Daryl, Sailor Moon, Sailor Venus
Wednesday, February 08, 2006
How To Get Sailor Moon Season One DVD!
As of now, marami ang nagtatanong sa akin kung saan daw makakakuha ng
DVD Copy ng Sailor Moon Season One.
Eh marami din akong nababasa sa iba't ibang forums
kung saan din makakakuha ng ganoong kopya. Dati kasi,
isa din ako sa naghahanap noon.
So ngayon, gusto kong i-share sa inyo kung paano ako nagkaroon.
Pero mahabang kuwento.
Ang ipapaliwanag ko na lang ay saan
ka maaaring makabili ng Sailor Moon Season 1 DVD. :D
I have all VCD ng Sailor Moon Season 1 (1-49 Episodes)
Ang nakikita ko na lamang ay mga DVD nito.
At VCD (English Subtitled, Japanese Audio ripped off from
original ADV and Pioner DVD. Ang alam ko, available ang
SAILOR MOON (THREE Movies nito sa Comic Alley, maging
ang Sailor Moon S (4 Disc) na released ng GeneonPioneer dati).
Kasi ako nagkaroon ako ng Sailor Moon DVD at VCD.
Ang meron ako ay ang Sailor Moon Season One (4 Disc-DVD Copy)
at Sailor Moon, Sailor Moon R, Sailor Moon Supers Series,
at Sailor Moon LIVE ACTION na VCD na nabili ko sa BIONIC HQ sa
Espana, Manila.
Iyong Sailor Moon S VCD, nabili ko naman sa 2rats, iyong
Sailor Moon Sailor Stars, and mga Specials at
iyong Episode 67 (na wala sa release ng ADV FILMS.)
ay sa mga nagbebenta sa internet ko nabili.
Ang wala lang ako ay ang Sailor Moon Live Action Act. Zero.
VCD FORMATS:
Sailor Moon Sailor Stars - 13 Discs - 38 Episodes
Sailor Moon: Ami's First Love's Interview Staff - 1 Discs
Sailor Moon Super S Special Movie : Ami's First Love- 1 Discs
Sailor Moon Super S Special - 1 Discs - 3 Episodes
Sailor Moon S - 19 Discs - 38 Episodes
Sailor Moon Super S - 20 Discs - 39 Episodes
Sailor Moon R - 22 Discs - 44 Episodes
Sailor Moon - 23 Discs - 46 Episodes
Sailor Moon Live Action 25 Disc (1-49)
Sailor Moon Special Live -1 Disc
Sailor Moon Musical Live-1 Disc
Sera Myu -1 Disc- No Subbed
DVD Formats:
Sailor Moon Season One - 4 Disc
Sailor Moon R The Movie - 1 Disc
Sailor Moon S The Movie - 1 Disc
Sailor Moon Super S - 1 Disc
Nabili ko naman ang mga movies sa Quiapo, Manila
DVD Copy ng Sailor Moon Season 1 (4 Disc) HONGKONG COPY
pero ADV ang version nito. Nabili ko sa BIONIC HQ sa Espana.
Sa likod ng UST sa may P. Noval, just try mo.
Ang price kasi ng DVD Copy nila ay 300 PHP .
So nakuha ko ng One Two ang Sailor Moon Season 1.
Available ang DVD nila ng Sailor Moon Season 1- 4 Disc - Hongkong Copy.
Sailor Moon R- 4 Disc -Hongkong Copy
Sailor Moon S - 4 Disc (Hongkong Copy)
Sailor Moon Super S - 4 Disc (Hongkong Copy)
Pero meron din silang US Copy ng Sailor Moon S at Super S.
Kaya lang medyo kaunti lang ang episodes nito per disc.
Pero me mga Special Features kasi iyon.
Kaya lang 500 Php ang isang disc.
Kung nalilito ka, about doon sa Hongkong Copy at
US Copy ng DVD Copy nila. Ganito iyon, ipapaliwanag ko.
Iyong original or genuine na Sailor Moon Season 1
na nilabas ng ADV Films, ay binubuo ng 8 DVD na may 46 Episodes.
These are the UNCUT episodes from the original series.
This set includes the first 46 complete episodes on eight DVDs.
DVD Features: printed episode guide and previews.
Spoken Languages: Japanese with English subtitles.
Samantalang ang HONGKONG COPY naman ay binubuo siya ng 4 Disc.
Right now, kinokolekta ko ang mga DVD ng Sailor Moon kahit me mga VCD ako.
Kung gusto mo ng VCD naman. Just order sa kanila.
Yun nga lang 70 pesos ang isang VCD nito.
Pero me promo ng Buy 5 get one...so 350 Php lahat kung anim.
Mas mahal ang benta nila ng VCD sa shop nila sa Greenhills, 100 Php.
Pero mas suki nila ako sa Espana, Manila sa P. Noval St.
likod ng UST Bldg.
Ang image na nasa unahan ay ang cover ng
Sailor Moon Season One: The Perfect Colection
kahit hindi siya kasing ganda ng ORIGINAL na
ni-release ng ADV Films, masasabi kong, maayos naman at
kasing ganda ng orihinal
Hoping kahit paano makatulong ako sa mga naghahanap ng Sailor Moon Season one.
Until here, Rei Kyo at 7:19 PM 0 comments
Labels: DVD, Sailor Moon
Monday, January 09, 2006
Ta-daa! I've Got Tuxedo Mask Doll!!!
Okey, last sunday, sinundo namin ng sister ko ang pamangkin namin sa
Monumento with her Momma and her other siblings named Judelyn and Jherymie.
Balak kasi naming manood ng CAT SHOW sa Robinson Galleria Trade Hall.
Ay oo nga pala, nakabili kami ng mga key chain na me action figure
nina Sailor Moon, Sailor Venus, Sailor Mercury, Sailor Jupiter and Black Lady.
Sayang, wala si Rei-chan also known as Sailor Mars.
Then nang pumunta kami sa Robinson Galleria, pupunta sana ako doon sa
isang Anime Shop, pero wala na doon dahil nire-renovate ang Dreamscape.
Eh, napasulyap ako sa mga toys doon sa Wonder Toys. And, ta-daa!
Me nakita akong Sakura Doll and Tuxedo Mask Dolls. Bargain sale siya,
and you know, iyong Sakura Doll ay nagkakahalaga ng Php100 at
ang Tuxedo Mask ay nagkakahalaga naman ng Php175. Di ko alam kung
bakit masyadong mahal iyong Tuxedo Mask Doll. Siguro dahil sa medyo lumang
luma na ang lalagyan ng Sakura Doll.So, tinawag ko ang sister kong
si Corazon. Then ta-daa. Binili namin ang dalawang iyon. Binili na namin
dahil wala ng halos nagbebenta ng mga ganoong Items dito sa Pilipinas.
So collection items na iyon para sa amin. At ang CUTE ng Sakura Doll and Tuxedo
Mask Doll. Me isa pa doong naiwan na Tuxedo Mask Doll, I don't know now kung
me nakabili na o naroon pa din. Basta, happy na ako na nagkaroon kami ng
mga manikang iyon.
Nanood kami ng Cat Show, at libre naman siya. And guess what, super ganda ng mga
pusa ah. Iba't ibang breed eh, pero hataw ang mga persian cats and kitten.
Yun lang.
Ay oo nga pala, maipapalabas na pala ang Pretear sa pilipinas.
Mag-uumpisa na ang Pretear ngayong Saturday, Jan.14,2006, 8:30 A.M.
This is a story of a girl, Himeno Awayuki, who must overcome
her fears to become the White Prétear and protect the
life essence on Earth called Leafé, with the help of the Leafé Knights, Hayate
Leafe Knight of Wind, Sasame, Leafe Knight of Sound, Kei Leafe Knight of Light,
Go ,Leafe Knight of Fire, Mannen, Leafe Knight of Ice, Hajime,
Leafe Knight of Water, and Shin, Leafe Knight of Plant.
Himeno must defeat the
Princess of Disaster and her demon larva's.
In order for Himeno to fight off the
Princess of Disaster and the
demon larva is that she must become one with
one of the Leafé Knights in order for her to become Pretear.
The manga story was created by Junichi Satou,
and the art was made by Kaori Naruse.
The anime started production in 2001,
and it published in North America by ADV Films.
The manga is published in English by ADV Manga.
Well, masasabi ko lang, ang cute ng batang si Shin.
At kung mga Bishonen ang type mo, grab this
copy of Pretear at mag-eenjoy ka.
Also, her different costumes as a Pretear.
Mas guwapo nga lang si Kei sa manga keysa sa Anime.
Wanna look the different.
Si kei iyong nasa tabi ni Hayate.
Si Kei iyong me hawak na pink rose na nasa tabi ni Himeno.
Ako nga pala iyong nasa video!!! Ta-daa! Bwa ha ha!
Until here, Rei Kyo at 2:46 PM 0 comments
Labels: Tuxedo Kamen, Tuxedo Mask
Sunday, January 08, 2006
Nag-enjoy ako sa movie ng Full Metal Alchemist
Noong thursday, nang bumili ng beads ang sister ko sa Quiapo.
Bumili na din kami ng anime sa isang Anime Shop sa Espania Manila.
So ang nakuha ko lang ay ang Eyeshield Ep.17-18. MAR Heaven Ep.23-24
Yakitate Japan Ep.50-51, Shakugan No Shana- Ep.11-12 at ang movie
ng Full Metal Alchemist: Conqueror of Shambala.
Maganda ang movie nito. Ganda ng animation, hindi nawala ang story
ni Edward Elric at Alphonse Elric. Nagmature na sila dito.
Ganda nga ni Winry dito. At guwapo si Alphonse here. Suot nga niya
ang damit ni Edward dito. Kung napanood mo ang buong series na ito,
sa katapusan ay nagkahiwalay si Ed at Al. Napunta sa ibang mundo si Ed
at nakasama nito ang altenate version ni Alphonse doon. Hindi ko na
ikukuwento pa ang nangyari, pero SUPER GANDA ng movie. Medyo, nalungkot
lang ako dahil, iniwan na naman ni Ed si Winry. Kakaiyak ah. Anyway,
siguro someday magkikita pa din si Winry at Edward. Pero sa movie na
ito, naipakita dito ang pagmamahalan ng magkapatid.
So huwag ninyong kalimutang panoorin ang movie ng FMA.
For some info na nasalap ko sa Internet.
Try mong tingnan ito.Full Metal Alchemist: the Conqueror of Shambala
Until here, Rei Kyo at 1:49 AM 0 comments
Labels: Full Metal Alchemist
Friday, January 06, 2006
What If Sailor Moon Saban continued....
OH MY GOD!!!
Now ko lang nakita ito, pero interesado akong
makita talaga. Pero nang napanood ko....kung
natuloy ang project na ito, hindi ko magugustuhan.
Pero ang cute ng pusang ginamit nila, iyong puti.
Pero kung magkakaroon talaga ng Sailor Moon: US
Version, sana iyong mga pretty girls din tulad ng
sa japan. Pero huwag nilang gagawing ganito ah.
Nagmukhang ala-She-ra sina Sailor Moon!
Until here, Rei Kyo at 1:16 AM 0 comments
Labels: PGSM, Sailor Moon
Monday, January 02, 2006
Daryl's PIC in Manila International Gift
Show Cosplay
Thanks for Gibs from www.pinoycosplay.com for the images.
From the album of Gougetsu. And from Garu Daisuki,
from the album adit_11.
Until here, Rei Kyo at 4:20 AM 0 comments
Labels: Anime Convention, Cosplay, Daryl
Happy New Year
Wahhhhhh.....
Sorry, now lang ako naka-OL.
Happy New Year Minna-san!!!
Ay oo nga pala, noong bisperas ng bagong taon....dala ng curiousity...
kumuha ko ng Japanese Version ng Voltes V. Yung "Laser Sword!"
tawag pala ni Voltes V ay "Sword of Heaven," cool di ba.
Saka bumili din ako ng "Meine Liebe." So another anime
na naman na mapapanood mamaya!
Until here, Rei Kyo at 3:07 AM 0 comments
Labels: Happy New year