As of now, maraming bumabalik ngayon! Pagbabalik ni ganito! pagbabalik ni ganyan. So far, kagabi, bumili kami ng black leather shoes ni Daryl. Eh halos walang available na size sa kanya na mga sapatos. Meron kaming nagustuhan na Garfield ang signature pero wala ng size na para sa kanya. Meron ngang "Hello Kitty," wala naman na maganda ang design. Even, the Disney Princess...wala din magandang design. Meron, Minnie Mouse, walang kasya.So napunta kami sa fisher-price. Mula sa pusa...naging isda!
Speaking of Cat...nagbabalik na ang paboritong pusa sa buong mundo...si Garfield. As usual nnaroon si Jeniffer Love Hewitt (bida ng Ghost Whisperer na napapanood sa Studio 23) bilang Liz. Nalimutan ko kung sino ang nagbigay buhay sa character ni John, ang may-ari kay Garfield. Pero di ko naman kinalimutan kung sino ang voice actor niya, si Bill Murray. Tee he he. So far, aliw ako sa movies. Di pa din nawawala ang kakulitan ni Garfield. Nakakatuwa siya. I wish na magkaroon ako ng pusang katulad niya.
Regarding about "returning," muling nagbalik ang X-Men sa X-Men 3: THE LAST STAND, THE OMEN (Remake) na pinangungunahan ni Julia Stiles. Ganda pa din niya. Siempre, ang Super Man Returns na pinagbibidahan ni Kevin Spacey bilang Lex Luthor and Brandon Routh as Super Man.
At nakita ko ang poster ng The Fast And The Furious 3: Tokyo Drift. OH MY GOD! Naroon ang picture ni Keiko Kitagawa (gumanap na Sailor Mars sa PGSM) Ganda niya talaga! Nagustuhan ko si Keiko sa kanyang pagganap bilang Sailor Senshi. She is so beautiful kung alam mo lang. Bagay na bagay sa kanya ang papel na Rei Hino. At sa movie pala niya, her name is Reiko. Teka lang, dagdag lang kaya ang picture niya na nakita kong poster doon sa SM MEGAMALL? Para kaya sa promo for asian countries. Kasi doon sa original poster na nakikita ko sa official site ng movie eh, wala siyang picture.
Thursday, June 15, 2006
Pagbabalik!!!
Until here, Rei Kyo at 6:14 PM
Labels: Daryl, Super Heroes, Super Man
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment