Remember December.....ano ba ang mahihiling ngayong pagsapit ng kapaskuhan. Three wishes lang naman ang hiling ko eh. At ang three wishes na iyon.....SECRET! Basta, nandoon na ang lahat ng iyon. Sana kahit isa man lang ay matupad, tee he he eh! Ay oo nga pala, tagal ko na din na hindi nakakabili ng mga ANIME DISC. So far, nakabili pala ako ng Zenki (last Month pa~) tapos iyong "Pokemon: Quest Master," ang cute talaga ni Pikachu koh! Tee he he...so far, nakakuha din ako ng DEATH NOTE THE SERIES. Kahawig ni Light si Hikaru Shindou....Bumili din ako ng Flame Of Recca..(sira kasi ang ilang episodes ng VCD ko nito...so far, bumili ako ng DVD. Kainis iyong LIVE ACTION MOVIE ng DEATH NOTE...sira kasi eh. Iyong Bleach, nasa Episode 102 pa din ako...wala pang latest na lumalabas kasi sa binibilhan ko. Yung sa NARUTO, na-stock na ako sa episode 190.....di pa din ako makabili ng new episodes dahil laging OUT OF STOCK! KAinis! Three Disc iyong SECOND SEASON ng Tsubasa Chronicles..maybe sa susunod na lang. Ang kainis nga pala....yung SAILOR MOON S na nakita ko...english version kasi...eh ayaw ko pa naman ng translation at mga voice dubber noon...mas trip ko ang TAGALOG at ang original japanese version ng SAILOR MOON. Try ko talagang makakuha ng PERPECT COLLECTION ng series na iyon.
Daming palabas sa QTV 11 na mga anime...iyong TACTICS, Hikaru No Go at ang tagalized Vision of Escaflowne na unang naipalabas sa GMA 7. Ganda din ng dubbing nila..nagustuhan ko. Naiinis lang talaga ako sa CARD CAPTOR SAKURA na ipinapalabas sa GMA 7, laging daming cut na scenes...buti pa ang ONE PIECE, mas mahaba-haba ang exposure sa tube!
Medyo magaling galing na si Tatay, kasi halos naigagalaw na niya ang kanang kamay niya..tapos medyo dumidiretso na ang salita niya. Sana sa pagdating ng kapaskuhan, maging ayos na si Itay.
Tungkol sa PINOY DREAM ACADEMY...walang duda na nanalo si YENG CONSTANTINO. Pero hindi ko inaasahan na maookupa ni JAY-are ang First Runner Up! I'm not against JAY-Are, PERO HINDI KO SIYA GUSTONG MAG-PERFORM DAHIL PARANG LAGING KINAKAIN ANG MGA LYRICS NG KANTA. Isa pa, ginagaya niya ang style ng performance ni Bamboo . Pareho sila ni Emman, walang originality. Bamboo na Bamboo kasi sila mag-perform eh. Sorry sa mga maka-Jay Are na makakabasa nito. Pero di ko talaga gusto ang style niya. Please baguhin naman niya para naman lumabas ang pagiging rocker niya no!
Wish ko lang, maipalabas na ang PRETTY GUARDIAN SAILOR MOON!
CIAO!
Sunday, December 17, 2006
Remember December
Until here, Rei Kyo at 1:26 AM
Labels: Death Note, DVD, Naruto, PGSM, Pinoy Dream Academy, Sailor Moon
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
I pray for the full recovery of your father. And I want your family to have a happy Christmas celebration.
Post a Comment