Ay teka lang! Ano ba iyon? Kagabi, habang nanonood ako ng "Maging Sino Ka Man," at nagkaroon ng commerical, naisipan kong maglipat-lipat ng channel. Napadaan ako sa "KAPuso Station," ipinapakita ang isang commercial ni Dennis Trillio, Richard Gutierez. At nabaliw ako nang makita ko ang isang pamilyar na "Kasuotan," ng aking paboritong si Sailor Moon. Hello...ano ba iyon, halos kawangis ng costumes ng mga Sailor Senshi ang suot ni Jennilyn Mercado at Nadine Samonte. Lumilipad pa sa ere, at ipinakita iyong "MOON," akala ko nga, plugging lang iyon or teaser para sa pagdating ng Pretty Guardian Sailor Moon sa Channel Seven. Pero new show pala ito. Iyong ASIAN TREASURE ni Robin Padilla at Angel Locsin. Naalala ko si Indiana Jones kay Robin P. At naalala ko yung character ni Angelina Jolie na LARA CROFT ng TOMB RAIDER at ng character ni Tia Carere sa Relic Hunter ang ginagampanan ni Angel Locsin. And take note, iyong new show pala ni Richard Gutierez ay ang live action ng LUPIN THE THIRD. OH MY GOD! Dahil ba sa patok ang mga anime inspired show na ipinalabas sa GMA 7 na GOKUSEN, eh, kinuha nila ang COPYRIGHTS ng Lupin THE THIRD para gawing anime-serye na ipapantapat yata nila sa ROUNIN ng ABS CBN 2 na sinasabing "ANIME-SERYE" dahil parang anime nga ang dating ng story ng ROUNIN. LOLS! Nakakatuwa naman ang mga ganoong palabas. Pero di talaga ako natutuwa sa ginawa nila sa SUPER TWINS. Look at the picture above!
Ay oo nga pala, yes! Meron na akong "Prince OF TENNIS THE Movie. Oh my GOD! Super sa ganda! KAya lang, medyo disyamado ako dahil biglang tumigil ang Disc. Kainis!!!! Sira pa yata ang nakuha kong copy! Hu hu hu! Tumigil doon sa eksenang dumating iyong mukhang hapones na punkista na magaling sa tennis, tapos biglang umulan. Naulanan silang lahat! Ganda ng visual effect. Naalala ko ang Shaolin Soccer sa mga visual effect nitong POT. Sa susunod, papalitan ko nang maayos na kopya. Yung "DEATH NOTE LIVE MOVIE" ganoon pa din.Ayaw gumana! Sira pa din ang disc. At bumili na ako ng DVD COPY ng Sailor Moon Sailor Stars na 6 disc. Malinaw siya at maganda. Actually, pareho lang naman yung VCD Copy ko ng SMSS, kaya lang, nasira iyong unang disc na binubuo ng 167-168 at 169 na episodes dahil nabura yung CD na iyon. Kainis nga! Good Copy na iyon eh .Tuloy napabili uli ako. Okey lang, love ko naman si Usagi Tsukino eh. At bumili kami pala ng MagiTaurus. Si Magigaruda at Magimermaid na lang ang kulang ko para mabuo si MagiKing! Ganda ng toy na iyon eh. Tee he he.... At sa wakas,, bumili na rin ako ng naiwang episodes ng Naruto. Iyong episodes 190-200 at 201-210. Sana naman maayos lahat yung episodes. Di ko pa kasi napapanood eh! :D
Basta masaya ang kapaskuhan naming lahat! At sa pagdating sana ng New Year mas lalong maging masaya!!
So, bye-bye now! See you again!
1 comment:
wow..nye..parang 'di q nga lang ma-imagine! nyax! di kasi aq kapuso e :)
Post a Comment