Thursday, April 06, 2006

CHRONICLES OF THE WINGS IN ANIMAX


Marami ang nag-aabang ng Tsubasa Chronicles na maipalabas ito sa lokal na telebisyon. Isa ito sa mga bagong gawa ng CLAMP, may gawa din ng Card Captor Sakura, Chobits at X. Sinasabi ng ilan mga anime otakus, na isa ito sa pinakamagandang serye na nagawa ng Clamp. Bakit hindi. Nandirito ang mga hinangaan ninyong characters mula sa iba pa nilang work. Naririto si Sakura at Syaoran na mula sa Card Captor Sakura. Si Fye-san na involve naman sa isa sa mga naunang manga work nila. Si Mokona ng Magic Knight Rayearth. At marami pang iba na nag-guest sa kanilang series.

Umugong ang balita noon na ang QTV, sister station ng GMA NETWORKS ang napapabalitang magpapalabas ng Tsubasa Chronicles. Sabi din ay ang TSP ang nakabili ng copyrights nito. Pero hanggang sa ngayon, matapos na ang ilang buwan, hindi pa din naipapalabas sa naturang istasyon ang anime na ito. Hanggang sumabog ang isang magandang balita para sa mga anime otakus ng pinas, na ipapalabas ito sa ANIMAX ASIA. Pero, imbes na madami ang matuwa...madami ang nadismaya sa ginawa ng Animax. Marami ang speculation na pangit ang dubbed dahil sa mga in house dubbers na ginagamit nila. Baka matulad daw ito sa Initial D, english-tagalized version na marami ang pumunang hindi magagaling na voice talents ang kinuha. Kung sa pamagat pa lang, nasuka na daw ang ilang anime otakus dahil imbes na i-remain nila ang title na TSUBASA CHRONICLES, ginawa pa daw na "Chronicles Of The Wings."

Pero isa lang ang masasabi ko. Isa ito sa magagandang anime na ipapalabas ng Animax Asia. Mapapanood ito tuwing Thursday sa ganap na 7:00 O' clock. Sa ngayon, magsisimula itong mapanood ngayong April 6, 2006.

ANIMAX-ASIA: Chronicles Of The Wings

3 comments:

Unknown said...

Napanood ko ang first two episodes... Sa obserbasyon ko, maayos naman ang dubbing sa kabila ng mga "in-house dubbers" pa rin ang gamit nila, halata ko ang English voice ni Kurogane (na parang boses ni Kuwabara)... Marami nga ang nasuka sa English title na ginawa ng Animax, sana ni-retain na lang...

BTW, naninindigan ang mga sources ko na hawak ng QTV 11/TSP ang rights ng Tsubasa...

Rei Kyo said...

Thanks sa comment, Anime Kabayan. So far, wala naman akong nakitang problema sa translation ng Tsubasa Chronicles. Maganda naman ang pagkaka-dubbed kahit "in house dubbers," nila ang gumawa. Tsubasa Chronicles ang narinig kong sinabi ng isa sa mga voice over, matapos ang unang episode. Marahil ang pamagat lang talaga na "Chronicles Of The Wings," para maintindihan siguro kung ano nga ba ang kahulugan ng "TSUBASA."

So far, I enjoyed watching "Chronicles Of The Wings."

`she said...

ask lng.. if out in the market nb ung chronicles of the wings? like in dvd's? kc wala km animax asia.. e favorite ko sila sakura & syaoran..