Friday, September 01, 2006

Yataaa!!!

New Collection

Pretty Guardian Sailor Moon DVD 1-49 Wedding Special Act and Kirari Sailor Dream Live Concert 10 Disc

Detective School Q - Disc 3-4 (Ep.19-36)
Shakugan No Shana - Disc 3 - 17-24
Naruto -Disc 3 - Episode 190-196
Mcgyver Season Five
Want To Marry A Millionaire - Korean TV Series


Wahhh, kainis akala ko pa naman sa sampung DVD na PGSM ay naroon na ang ACT zero, wala pa din pala...wahhhh..pero nagsabi na ako sa nagtitinda na maghanap ng ACT Zero ng PGSM.

So far, na-kumpleto ko na din iyong mga kulang sa collection ko. Naku, daming magagandang anime ngayon na nagkalat. Kailangang makasama sa collection iyon.

1 comment:

Rei Kyo said...

Ellow Chriz...

regarding about sa Detective School Q. Una ko siyang napanood sa ANIMAX, pinukaw nito ang interes ko. Maihahambing ko ito sa Detective Conan, pero parehong magkaiba ang timpla nila. Pero parehong patok sa panlasa ng mga uhaw sa ganitong uri ng tema ng anime, iyong me detective stories. Nakakaaliw kasi ang "DSQ" eh, mapapaisip ka kaagad kung ano ang mga nangyari. Makakapagbigay ka kaagad ng clues. Isa pa, nagandahan ako sa opening theme song nito. Doon sa binilhan ko ng DVD (binubuo siya ng apat na disc) So far, di pa siya tapos..i mean di pa buo para makumpleto dahil hanggang Episode 36 lang ang available nila. Pero nangako naman ang nagtitinda na kapag nagkaroon ng karugtong nito ay ibebenta nila sa akin. :D Kakabitin nga eh, dahil kapanapanabik na ang mga susunod na episodes. Me kalaban sila na organization na tinatawag na "PLUTO".

Sa umpisa, medyo inaantok ako sa mga episodes ng Shakugan No Shana. Lalo pa't nilagyan pa ito ng mga fanservice, tulad ng mga pantyshot, pervert scenes, (imaginin mo na ang dalawang batang magkapatid na naghahalikan, ipinapakita pa ang saliva sa kanilang bibig..medyo mandidiri ka kung hindi mo trip ang ganitong klaseng palabas. Pero kalaunan naman, naging maganda ang huling episodes, natutong umibig ang Flame Haze na si Shana kay Sakai. :D Well, astig ang mga action scenes, pero mabibitin ka pa din, dahil parang hindi pa tapos ang laban between Shana and the enemies. Dahil nakatakas ang mga kaaway!