Hey guys, tagal kong nawala here! tee he he..sa tutuo lang, namiss ko ang magsulat ng entry ko here. Okey...ano ba ang mga isusulat ko dito. Ay oo nga pala..naiiinis nga pala ako sa forums ng ABS CBN ah, hindi ko mabuksan ang account name ko. Tagal-tagal na, halos two weeks na...invalid user daw ako or hindi pa daw accepted ako doon. Eh akin yung username na "MAMARU". Kainis talaga. Tapos, gusto kong magbukas ng new account, ayaw naman tanggapin...kainis talaga! Sino kaya ang nagbura or nag-alis sa akin doon sa forums. Wala naman akong hindi magandang isinusulat doon. Eh iyong iba nga, puro hinaing at panlilibak sa ABS CBN ang ginagawa. Hay kainis talaga!
Hey, malapit na palang matapos ang Pinoy Dream Academy. Sa December 16, 2006 ang BIG NIGHT nila. At ang gusto kong makapasok sa Final Six ay sina Yeng, Rosita, Ronnie, Irish, Panky and Yvan. At oo nga pala, ipapalabas na sa ABS CBN Primetime iyong KOREANOVELA na Princess Hours. So far, mas nagustuhan ko iyon keysa sa Taiwanovela na Started With A Kiss!
And check it out, guys and gals. Ipapalabas na ang "HIKARU NO GO," ang isa sa gusto kong anime. Hay, cute ng boses sa tagalog ni Hikaru. Pero iyong ke SAI, medyo malaki ang boses...hindi ko nagustuhan. Eh, ang character pa naman ni Sai ay medyo me pagkakalog. Tee he he. I like Touya Akira and Hikaru Shindou. Tee he he...magsisimula nga pala iyon sa Monday, 3:30 PM. Ngayong araw ng November 27, 2006. Cool na cool.
Ah, basta I LOVE YOU!
Sunday, November 26, 2006
Nakakainis naman!!!
Until here, Rei Kyo at 2:02 AM
Labels: ABS CBN 2, Hikaru No Go, MAMARU, Pinoy Dream Academy
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Magagamit mo pa ulit yung username mo na "mamaru". Kailangan mo lang gawin ay i-type mo ang username mo then pindutin mo yung "I forgot my password" link para bigyan ka ng message sa email mo para matanggap mo ang bagong password mo sa forums. Binago kasi nila ang password mo. Kapag nagawa mo na ito, gamitin mo yung nakalagay na password mo sa forums at makakapaglog-in ka na sa forums at saka mo palitan ulit sa dati mong password. Sa ngayon, madalang na akong mag-post doon dahil sa bagal ng forums at di-kagandahang layout ng bagong ABS-CBN forums.
Suggest ko hang-out ka na lang muna sa [url=http://z11.invisionfree.com/zenhonbu]Zen Otaku Honbu forums[/url]
Post a Comment