Walang kinalaman iyong title sa post ko here. Naisip ko lang na magandang title ng entry sa isang blog iyong kanta ng mga Senshi...iyong "Moon Revenge," Kanta nila ito sa kanilang "Sailor Moon R The Movie," and nitong mga nakaraang araw, nakita ko ang isang video nito sa YOUTUBE kung saan kumanta iyong limang seiyuu ng SAILOR MOON. Aliw
na aliw ako nang mapanood ko iyon. Nakakatuwa kasi ang mga performances nila. Ganda talaga!
Kainis nitong nakaraang araw. Noong binagyo tayo ng Bagyong Milenyo. Talagang sinalanta nito ang buong Luzon. Kainis!!! Black- Out!!! Ang init-init talaga! Tapos, dagdagan mo pa na me nakaaway ka pang "kainis na kapitbahay," At ang kakapal ng mga mukha, sila pa ang unang nagreklamo sa barangay. As in kapal talaga, dahil nang sinabi naming magkita na lang kami sa barangay..bah...nauna pa sila.
So far, gumaganda ang takbo ng KOMIKS Presents: Da Adventures of Pedro Penduko. Kasi, bukod sa may magandang aral siya, meron pang mga trivia about pinoy supernaturals. :D
Hay naku, bakit si CHAI pa ang iniligtas ng mg scholars..wala ba silang tenga at mata para makita kung sino ang deserving nang gabing iyon. I don't like CHAI dahil sa attitude at mga bad manners na ipinakita niya sa loob ng isang linggo. Hump, yabang niya!
Isa pa, Happy Birthday pala ke Michael Anthony F. Obero. nitong nakaraang September 29, 2006
Ay oo nga pala, yung mga mahilig sa komiks....this coming OCTOBER 21, 2006, merong KOMIKON ngayong taon na ito. Ito pala ang poster.
Sunday, October 01, 2006
Moon Revenge
Until here, Rei Kyo at 12:06 AM
Labels: Komikon, Michael, Obero, Pedro Penduko
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment