Tagal na din akong hindi nagpo-post sa blog ko. Wala lang! wala lang akong maisip nitong mga nakaraang araw. Saka busy ako sa mga ilang gawain. Ano nga ba ang isusulat ko? Well, wala lang. Kung ano-anong mga bagay na lumilitaw sa aking isip. Iyon lang naman ang isinusulat ko eh. Mga kuwentong tila walang kuwenta para sa iba pero malaking bahagi sa buhay ko. Doon ako masaya eh!!!
My Girl - ang bagong "koreanovela," na nagustuhan ko after ng "Snow White: Taste Sweet Love. OO! Hindi ang "Lovers In Paris," ang unang korenovelang nagustuhan ko kundi ang Snow White...aliw kasi ako doon eh. I like the story na magkapatid na mayroong damdamin sa isang babae. At kung sino ang pipiliin niya. Well, manood ka na lang nito sa DVD or VCD kung mayroon kang makukuhaan. Pero tunay na naaliw ako. Ay teka lang, nawala na tayo sa pinag-uusapan. OO nga pala, tungkol sa "My Girl," nang una itong ipinatalastas sa ABS CBN 2...medyo naaliw na ako. Magaganda at guwapo ang mga bida. Bida dito si Lee Dai He at Lee Dong Wook. Sila si Joo You Rin at Gon Chang Seol. Sa Pilipinas, sila si Jasmine at Julian. Sa kuwento, kinailangang magpanggap nila Julian at Jasmine na magpinsan. Dahil hinahanap ni Chairman (lolo ni Julian) ang kanyang nawawalang apo...iyon na nga si Jasmine daw. And so on...na-fall in love si Jasmine kay Julian. Nakakakilig ang bawat eksena nito kung kaya wala pang tatlong araw ko itong napapanood ay nagustuhan na ito ng sister ko. Kung kaya naghanap ako ng DVD nito na me magandang subtitles. And would you believe, nag-marathon kami sa panonood nito. Nabili ko ito ng "friday," at "saturday" na ng madaling araw namin natapos. Mga 3:00 A.M na namin ito natapos. Sayang nga lang at walang english subtrtles ang "Special Features," nito. At ang nakakatuwa pa sa last episodes nito, mayroong koreanovela na nag-guest dito. Sino? Aba, panoorin ninyo na lang..tee he he he!
Peach Girl - Anime. Kuwento ng "love triangle," na kinasasangkutan ni Momo, (siya ang Peach Girl) Touji at Kairi. Dagdagan pa ng mga interesting character na tulad ni Sae, ang dakilang kontrabida sa buhay ni Momo. Si Misao-chan, ang may mahalagang papel sa buhay ni Kairi. Si Ryo, opposite ni Sae na kapatid ni Kairi. Ay naku, maaaliw at mai-in love ka sa kuwento nila. Kung sino ang tunay na mahal ni Momo. Tuiklasin mo!!! Basta, I love this anime series. Thanks, dahil after a long wait..nagkaroon na ng anime itong Peach Girl, na unang nasilayan bilang manga.
Let's GO! - Isang bagong teen comedy sitcom. After na magpalabas ang ABS CBN 2 ng mga sitcom na umiikot sa barkada (alala mo pa ba ang "Tabing Ilog," "Gimik," at "G-Mik.") Kumpara sa mga naunang teen sitcom ng ABS CBN 2, ito ang isa sa mga comedy nila. Kaaliw din ito. Bukod sa nakakatuwa ang bawat episodes nito...aliw din sila dahil mga bagong mukha ang naroon plus mga datihan ng artista...tulad nga ni Janelle Quintana at Mikel Campos. Kung gusto mong tumawa, o maaliw, manood ka nito bago ang "Little Big Stars."
PBB: Teen Edition - Nagustuhan ko ang PBB: Teen Edition kahit minsan lang ako makapanood nito. Naaliw ako sa ibang kabataan. Bagamat wala akong "inis, " o hinanakit sa nanalo nito na si Kim Chuie (whatever her surname....di ko alam ang spell nito...) ayoko lang na ikinukumpara siya ng ibang tao at press media people kay Sandara Park. Dahil magkaiba sila ng level. I loved Sandara Park. Wish ko lang, huwag sanang matulad siya kay "Hero Angeles," na inalis ng ABS CBN 2. Alam kong mainit ang pangalan ni Kim C. dahil "siya" ang "IN," sa telebisyon..dagdagan mo pa ang isang chinese song na hinaluan ng tagalog lyric na naging paboritong kantahin din ng ilang tao...so please...don't Sandara down!
Captain Barbell - maikli lang ang sasabihin ko. Na-curios ako kung ano ba itong bagong fantaseryeng inihahandog daw ng Kapuso. Pero nang mapanood ko ang unang storya...nasabi kong.."copycat ng "SMALLVILLE," Para tuloy naririnig ko ang sinabi ni Lavinia kay Dorina, na..."U can't make it.You're nothing but a second rate trying hard copycat!" mula sa pelikulang "Bituing Walang Ningning" ni Sharon Cuneta at Cherie Gil. At ngayon ay isa nang matagumpay na sineserye sa telebisyon...na pinangungunahan ni Sarah Geronimo, Angelika Dela Cruz at Zsa Zsa Padilla.
Aliw din ako sa "KOMIKS!" dahil laki akong komiks....so far...mahal ko ang mundong ito. Pinahahalagahan ko ang bawat nilalang! I love you!!! Ganyan ako...maging isang kapamilya!!!
Saturday, June 10, 2006
My Girl, Peach Girl, Let's Go, PBB: Teen Edition, Captain Barbell ATBP.....
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
oo nga andaming new shows ngayon eh..dapat live version na lng ng sailormoon!
mamaru, nakuha na ng GMA ang anime na Peach Girl. Ipapalabas na siya sa sabado, June 17, 2006, every weekends @ 7:00 am sa GMA.
Post a Comment