Wednesday, November 08, 2006

Let's Talk About Anime In Local Television

Hi-ya!!!
Tagal ko na ding di nagpo-post...so, ngayon, pag-usapan natin ang mga anime ngayon na lumabas sa lokal telebisyon natin.Unahin natin ang pagbabalik ng CARD CAPTOR SAKURA. Una nang ipinalabas ito sa ABS-CBN 2. Ilang beses din siyang nag-re-run sa naturang istasyon. Una ko itong nasilayan noon...tuwing SABADO ng hapon sa ABS CBN 2. Nalaman ko lang ito nang mapanood ko ang isang episode nito. Halos kasabayan kasi nito ang pagpapalabas ng SAILOR MOON SAILOR STARS sa ABC 5. Natutuwa pa nga ako, kasi ang ganda ng story nito. Isang batang babae na siyang huhuli sa mga baraha na nanggugulo sa daigdig. Nang mabalitang GMA 7 ang muling magpapalabas nito sa lokal telebisyon, madami ang nagbigay reaksyon. Sabi nila, hindi nila papanoorin. Pangit daw kapag sa GMA 7 ipinalabas. Tsk, tsk, tsk, pati ba naman mga anime, balak pang isingit sa network war. Hay, ang mga otaku na ganyan mag-isip, hindi dapat tawaging otaku.

Regarding CARD CAPTOR SAKURA.

Hindi lang ako nasiyahan sa pagpapalabas ng CCS sa GMA 7 sa mga reasons na ito.

1. Dahil sa News FLash Report, hindi man lang naipakita ang Opening Song, maging yung scenes na panaginip ni Sakura noong nasa Tokyo Tower siya. (Pero sa kanilang mga trailer, ipinapakita iyon...)
2. Kainis minsan ang pagputol ng mga eksena para magbigay daan sa commercial.
3. Hindi bagay kay Touya ang boses niya.
4. Mas lalong hindi naman bagay kay Yukito ang boses niya.


Bagamat gusto ko ang dubber na si Marick dacanay para kay Sakura Kinomoto, nagustuhan ko na din si Jenny Bituin. (Kasi napagkamalan ko noon na boses ni Marick Dacanay ang nagbigay buhay kay Mizaki sa Angelic Layer.)

Mas preffered ko ang boses ng bagong Kero-chan kaysa kay Candice Arellano. Kasi batang bata ang boses. Baguhan man siya sa pandinig ko, naagaw niya ang atensyon ko. Magaling siya para sa akin.

Narinig ko na din ang boses ng nagbigay boses kay Tomoyo sa ibang anime sa GMA 7. Okey na din, pero mas feel ko ang boses ni Mary Joy Adorable (I guess ito yung nakakabatang kapatid ni Kaye Abad!)

Yung chanting ni Sakura at Kero-chan sa pagtatakda ni Kero-chan kay Sakura bilang isang Card Captor, sinunod nila sa Japanese Script. Nakakatuwa kasing marinig iyong, "RELEASE!"


Sa kabuuan, maaari kong ibigay na 80 % akong nag-enjoy sa panonood.

4 comments:

Fiel said...

Like you medyo hindi ko rin nagustuhan yung ibang voice dubber ng card captor sakura... magaling pa rin talagang mag-voice dub ang ABS-CBN ^^

Si Marick Dacanay, taga St. Scholastica nag-aaral yun. Naging classmate sya ng kapatid ng isa kong kabarkada ^^

Yung nagboboses naman kay Tomoyo, sya yung seiyu ni Tsubame sa B-daman...

Ok din yung sa script na "Release" pero nami-miss ko pa rin yung sa tagalog na:

"Ako ang card captor at inuutusan kitang bumalik sa tunay mong anyo."

at

"Susi ng kapangyarihan... narito ang isang batang tutupad sa napagkasunduan... Sakura ang pangalan.. ibigay ang kapangyarihan!

medyo may kulang dun sa 2nd lines... ehehehe :D

Anonymous said...

wah.. ang ganda nga ng CCS..!! maganda dn ung ANGELIC LAYER... haahha.. parang may hawig nga ung 2 bida .. hehhe

chester said...

Card captor sakuta astig yung anime na yus kalungkot nga lang dahil nag iba na ng dubber.

Anonymous said...

Ako mas gusto ko pa rin ang Original Filipino dub ng CCS. Ang masasabi ko lang na maganda ang boses dito sa GMA redub ay ang boses ni Sakura at Tomoyo. The rest di ko na masyadong type.

Siyangapala. Hikaru no Go premieres this monday, November 27, 2006, scheduled every Mon-Fri @ 3:30 pm replacing Battle B-Daman on QTV 11.

At kung may time ka lang, mag-register ka sa Zen Honbu forum. heto ang url ng boards: http://z11.invisionfree.com/zenhonbu/index.php