Sunday, December 10, 2006

Sari-saring Emosyon

Sari-saring emosyon. Nalulungkot ako ngayon! Ayaw ko kasi ang nangyayari sa pamilya ko ngayon. Noong nakaraang linggo, nakipag-ayos na ang kapatid ko sa pinsan ng nanay ko sa Baranggay hinggil nga sa panunutok ng patalim. Sabi kasi ng tatay at nanay ko, huwag na naming idaan pa sa korte dahil baka lalo lang daw magkagulo ang dalawang partido. Baka raw mauwi sa malubhang alitan. Siguro, dahil magpapa-Pasko, ayaw nila ng may kaaway. Sa akin, medyo mabigat sa loob ko kasi "buhay," ang nakataya doon! At ano na lang ang iisipin ng kabilang partido, na madali kaming sumuko sa laban. Gayong sa unang kaso nila na inireklamo kami na buong pamilya, (ako, si ate, si nanay at si tatay) ay hindi nakipagsundo ang luka-lukang asawa ng pinsan ng nanay ko sa reklamo na "AWAY NG BATA NA NAUWI SA AWAY NG MATANDA," Eh, hello, sa reklamo pa lang nila, mali na eh. Sinong bata ba ang nakipag-away? Hello, sa apat na inireklamo niya eh, ako ang pinakabata sa lahat. Susme, I'm 29 years old! Wait, 28 ba? Lols, tumatanda na talaga ako. Anyway, young at heart pa din naman ako eh. So far, wala akong pakialam sa pamilyang iyon. They don't exist sa mundo namin.

Second, ang nakakainis na nangyari! Umagang-umaga, nagkakagulo ang lahat sa bahay. Bakit? Ang itay ko, hindi daw makapagsalita ng tuwid at medyo hindi maigalaw ang kanang kamay. OH MY GOD! NAG-AALALA talaga ako. Kahit hindi ko man maipakita sa kanila.(Hindi kasi ako umiyak!) Ayaw kong makitang panghinaan ako. Naiyak ang kapatid kong lalaki. Dahil alam kong mahal na mahal niya ang itay at ang inay. Naiyak si tatay. Para ngang nais ma-depress eh. Pero ang payo nga ni nanay at ng mga kapatid ko. Huwag siyang umiyak at ma-depress. Dahil baka lamunin siya ng depression na baka ikapahamak niya. OH MY!!! Magbi-birthday pa naman siya this coming week. Dasal ko lang sa Panginoong Diyos, pagalingin niya ang tatay ko. Nalaman nila sa doktor na nagkaroon ng "mild stroke," ang tatay ko. Pero, naniniwala ako sa Panginoon, na gagabayan niya ang tatay ko at ang pamilya ko.

Talking about Pinoy Dream Academy. Di ko gusto ang naging resulta. Ayaw ko na makasama si Panky at Jay-r sa Headmaster List of Six. Medyo naiinis ako. Talagang umiyak si Rosita nang gabing iyon. Oh, ayaw ko talaga kina Jay-r and Panky. Mainis na sa akin ang lahat ng fans nila basta ayaw ko sa dalawang iyon. Don't care cause I care!

Lord, patnubayan mo kaming pamilya. Thank you! .

No comments: