Sunday, September 24, 2006

Arigatou, Sayonara Jun Hirano

Nanonood lang naman kasi ako ng Pinoy Dream Academy because of Jun Hirano. Naaaliw kasi ako sa kanya...(mukha kasi siyang "bata") I mean para siyang bata. Asal bata. Natural na natural ang kilos sa loob ng Academy. Parang ang sarap niyang maging classmate sa loob ng Academy. Hindi siya nahihiya kung nahihirapan siyang makaintindi ng tagalog or english. Tapos, natutulog pa siya sa gitna ng klase. Sabi-sabi ( ng mga nakikita kong nagte-text sa PDA kapag nanonood ako ng PDA sa Studio 23. Mukhang paborito si Jun Hirano. Kasi nga, kawaiii ang mga kilos at asal niya sa ACADEMY. Eh, naaaliw pa ko sa pag-sasalita niya ng japanese. Para siyang nabuhay na anime character...

Nalungkot ako nang mag-voluntary exit siya....(kainis naman na rules iyon..mas mabuti pang na-kick out ka na lang sa loob ng Academy kesa ang pilitin na umalis. Di ko lang gusto ang reason niya...mag-a-out siya dahil hindi niya naman iyon dream...pangarap daw iyon ng mother niya. I don't know kung maniniwala ako. Maybe ang mga dahilan, kaya siya aalis..nahihirapan siyang makibagay sa mga scholars..hirap na hirap kasi siya na i-express ang feeling niya sa english or tagalog.

Aliw din ako..sa kantang sinulat nila ni Emman ng Ilo-Ilo...

Hayyy, sayang, hindi nominado si Irish....I don't like her kasi...:D The reason kung bakit ayaw ko sa kanya...akin na lang!

No comments: