Wahhh..tagal ko na ding hindi nag-post dito 'no? Pero, aaminin ko, nitong mga nakaraang araw...masaya ako kasi nakikita ko si Keroppi. Keroppi light up my light....I swear.
Last, Monday A.M. Siya lang yung nakita ko sa TAMBAYAN. Feeling ko, Keroppi's avoiding me....ha ha ha ha! Feeling ko lang naman...dahil wala nga yung mga friend niya...di na muna kami nagkibuan...sabay ganoon eh. E, di after kong mag-internet, nag-off na ko. Balik bahay ako...nagtitimpla ako ng kape ng nag-ingay ang mga aso...lumabas ako...and I saw a familiar figure...siya pala yun. Nasaraduhan na naman daw siya ng GATE. Nagpunta siya kina Pochacco, pero wala daw sumasagot. So, sinamahan ko siya sa labasan. Hanggang 4:00 A.M. yata yun. Wala kaming ginawa kundi magkuwentuhan ng kung ano-ano.
Tuesday ng madaling araw.... nakita ko siya...yun nga...masaya naman....
Wednesday ng madaling araw...wala siya...napagalitan daw siya ng Lola niya. Pinapalayas na nga daw siya,ayon na din sa kuwento ng barkada niya.
Thursday ng madaling araw.... parang ayaw ko siyang kibuin...natatakot ako sa kanya....feeling ko kasi...he hate me. Ahh, kainis....so, after nga ng internet....punta kami sa labasan....kasama si Pochacco. Then, binigay ko nga yung letter ko. Nabaliw na naman ako kaya gumawa me ng sulat. Siguro this is the last letter na magagawa ko..ha ha ha... Sorry talaga, hindi ko na maikukuwento dito ang ibang nangyayari sa buhay ko. Yung letter ko sa kanya....naka-post din sa net...kaya lang sa iba nga lang. Me mga tanong kasi ako sa kanya doon tulad ng "Galit ka ba sa akin?"
"Crush nga ba talaga kita?" saka iyong huling tanong na "Itinuturing mo ba akong friend?"
Siguro, yung mga sagot..hindi ko na siguro malalaman....wala kasi siyang sinasabi....kainis siya!
Thursday, January 17, 2008
Confession Letter
Until here,
Rei Kyo
at
6:40 PM
0
comments
Labels: Keroppi
Tuesday, December 18, 2007
Keroppi
Sorry kagabi ah...di kita nadalaw.... kasi naman, madami nangyari kagapon eh. Ewan ko...sabi nga nila...expect the unexpected...(tama ba iyon?) Nawiwindang ako kagapon eh...sa tutuo lang...kasi naman no..it's (Monday ba?) Uu! Monday nga yata yun.... dami ko kasi iniisip eh. Di ba noong last na nakita ko si Crushness...iyon nga...me feeling ako na alam na niya na GUSTO ko siya...so...di nagkamali ang hinala ko... alam na nga niya. (GOD! Ano ba iyon? ^-^) Di ko alam kung paano tuloy mag-pretend na hindi ko siya Crush... lols ^-* kainis!
Well, mamaya ko na ikukuwento sa iyo...kung paano ko nalaman nga na alam na niya...kasi buong maghapon..parang nade-depress ako....kasi nga...alam na ng crush ko na crush ko siya. Ay oo nga pala, nagtext sa akin si Remedios, isa sa mga old bestfriend ko noong collge day ko pa. Nagpapasama sa akin sa Baclaran. Di naman ako makatanggi kasi nga, ngayon lang uli kami magkikita after a long years. So, masaya, kasi nakita ko uli siya...I miss my OLD friend talaga. Masaya ako kahit mukhang di ko makikita si Crushness...para kasing nakakadepress si Crushness eh.
Pero, nakita ko pa din siya kinagabihan...para kasi akong silly na hindi nakaiwas sa kanyang charm....^-* Kamesama...kahit saang anggulo ko siya tingnan...he's always so cute..lalo na yung mga mata niya...kinikilig na naman ako...kamisama...kung puwede lang ihinto yung tibok ng puso ko...ginawa ko na...nakita ko siya sa Tambayan...pero di na ko nagpakita sa kanya...kasi nainis ako...wala daw connection sa Tambayan..meaning hindi ako makaka-online...arrgh..kainis!
Tapos, tambay na lang ako dyan sa may TAPSIHAN...kainis nga..ano bang ginagawa ko doon sa Tapsihan..nagmomodelo! ^-* Kainis talaga.....nagpalipas lang ng sama ng loob..ng mga alalahanin...kung ano ang mga mangyayari...
Tapos, yun nga, lumabas na iyong grupo niya....they calling Zaido again..ahhh kainis! Ano bang gusto nilang palabasin nang mga oras na iyon? Tapos, nakausap ko yung grupo nila nang maggala ako...tinawag kasi ako..suplado daw ako..di daw namamansin...Haller? Sinong di namamansin kaya? Tapos...itukso ba daw ako ke Crushness...kainis di ba....so, di ko na mai-de-deny na GUSTO ko ang guwapong iyon....sa tutuo lang siya ang pinakamagandang pangyayari na nangyari ngayon sa buhay ko.. alam mo, mabait nga siya...ewan ko..di ako makatingin sa kanya...pero tumitingin naman siya sa akin...lalo tuloy akong nagkakagusto sa kanya...kainis!
Siguro..yung mga private....baka mabasa na lang sa FRIENDSTER ko... ^-* Me3 part two pa ito...
Until here,
Rei Kyo
at
11:14 PM
0
comments
Labels: Keroppi
Wednesday, December 12, 2007
L2 Lauch Cosplay
Lineage II Launch Cosplay to be held at Mall of Asia Music Hall on January 12, 2008!
1. Lineage II cosplay event is open to all event attendees.
2. Only characters in Lineage II game are allowed to participate in the tournament.
3. L2 cosplay event will be held on January 12, 2008. The Individual Cosplay and Group Cosplay events will be held on the said date.
Wanna read more...click thiswww.cosplay.com.
So far, gusto namin isali uli sa Daryl sa Cosplay Individual Competition para sa KIDDIE DIVISION. At ito ang naisip namin na gawin.. isang female human warrior.
Wahhh! kainis! Di ko na naman siya nakita! Miss ko na talaga si Crushness! I mean si Keroppi. ^-* Buti na lang napanaginipan ko siya kagabi. ^-* Kaya lang, kakainis eh. Iba-iba ang panaginip ko eh...merong ako si Shaider...oh my GOD! Naging Space Sheriff ako sa panaginip ko....nakakatuwa! * Tapos, merong me pagka-dark story...as in..nawasak ang buong PASIG BLISS. Imagine mo, as in wasak na wasak na parang me me nagwasak. Then, yun nga...galing ako sa Pasig Bliss..di pa siya wasak..nakasalubong ko si Keroppi na nakangiti sa akin, me dalang bote ng Coke na 1.5 na walang laman. Ibinigay niya sa akin..ako na daw ang magsauli sa store. Kitang-kita ko yung buo niyang mukha...nakangiti...at naaliw na naman ako. Ewan ko ba..parang tutuo..gusto ko sanang magpatuloy pa pero nagising na ako! ^-*
Until here,
Rei Kyo
at
8:07 PM
0
comments
Tuesday, December 11, 2007
Sadness Prequel
Wahhh! Kainis! Ka-sad naman talaga eh.
Hindi ko siya nakita ngayong araw na ito. Bakit ba iyong gusto kong makita, hindi ko makita..naiinis ako!
^-0
Kainis!
sana naman bukas, makita ko na siya! Sniff!!!
Di me masaya pag di ko siya nakita!
Until here,
Rei Kyo
at
11:10 PM
0
comments
Labels: Keroppi
Monday, December 03, 2007
Hataw Hanep Hero 2007 at si Crushness PART TWO
Noong Sabado, nang makauwi na kami ng house...napag-usapan namin ni Ate Corazon na pupunta kami ng HATAW HANEP HERO 2007 SMX CONVENTION CENTER, kahit hindi kasama ang mga bata...(siempre, uuwi kasi sila sa Bulacan eh..^-*) Pero ang final, si Daryl na lang ang isasama para makatipid na din. ^-* Masyadong magastos kasi kapag madami.... he he he. (Konti lang ang budget kasi...naubos na noong Sabado.)
Yun, we decided na kaming tatlo na nga lang ang pumunta..(si ate Corazon, Ako, at si Daryl.) So, kami na lang ang maghahatid ng dalawang bata sa Bulacan. Maaga din kaming nakarating...mas maayos na ngayon...nakapasok na kaagad sa SMX kahit hindi pa mismong sa loob ng Convention Center. Sa loob na lang namin nalaman na isa sa mga nanalo sa Ohayoo Division si Daryl. Pero, we had no idea kung ano ang napanalunan. Nakausap lang namin si Luan..isa sa mga organizer. Siya yung nag-inform sa amin na isa si Daryl sa nanalo.Halos 12 na nakarating ang text messages sa amin na nanalo si Daryl. Sayang talaga...kasi....kung nalaman namin...libre na ang entrance ng bata at ng guardian niyon...(or parent) Tipid sana kami ng 200 Php, pero OKEY lang. Napanalunan nga pala ni Daryl ang BEST FEMALE in Ohayoo Division Third Hataw Hanep Hero 2007. Ang prizes niya ay isang Plushie Doll ni Rima ng Mirmo De Pon...isang Naruto Box na naglalaman ng Naruto Clock at isang golden coin na mabigat na may images ni Naruto. A Gift from TIMEZONE na merong Pen at ilang booklet ng Enchated Stationary.
Noong araw na iyon naman, ang Cosplay Group. Naroon ang Shige Shige Sputnik...ang SHAIDER COSPLAYING GROUP. Aliw ako sa Crossover ng Yakitate Japan at ilang member ng Akatsuki(tama ba ang word?)
Nanalo nga pala ang RTU CHEERING SQUAD sa Cheerleading Competition.
Aliw din si Hard Gay. Ganda ng costume ni Shaider ah! Meron ding crossdresser na Magical Princess Holy Up!
I saw some familiar face....si Mikan...si Tohru... si Nagi, na muntik ko nang di makilala dahil walang eyeglasses. Naroon din si Armie na kasali sa Dubbing Competition. Yung EYESHIELD 21 ang pinili niya para i-dubbed. It so nice na makita uli yung mga naging fren ko kahit sa INTERNET lang nakilala. Kahit hindi talaga magkakaibigan...I treasured them as a friend talaga!
Waahh! Sayang! Di ako nakabili ng DVD ng Hana Kimi...naubusan kasi ako!
Nahilo nga ako! Pero enjoy ang buong maghapon. Ginabi na kami....hinatid pa namin si Jhudelyn at Daryl sa Bulacan...at alam mo bang 1:30 A.M. na kami nakaalis ng Bulacan. Hayyy, kakapagod...
Sayang! Gusto ko pa naman sanang makita si Crusshness...pero hindi aabot! AWWW! Pero I'm so happy naman kasi kahapon...siempre di ba..nakita ko siya..at nakausap kahit papaano...lols...magpasalamat ba sa nangyari kaninang madaling araw.Kasi nung madaling araw sa TAMBAYAN..merong nag-away na dalawang grupo. Dahil lang sa sumbrero yun ah..nawalan daw ng sumbrero yung isang taga-Sto. Tomas..at pinagbibintangan yung isang taga-barracks. So, nagkagulo na sa Tambayan. Buwisit na buwisit ako..umalis ako... and I don't know na nandoon pa pala sa labasan si Crushness na nakikiusyoso pa din sa naganap na away. Awww! Cute pa din niya kahit sa dilim...^-* Then, bumili nga ako sa Tapsihan ng Sparkle..tapos, nagtanong ako sa kanya (ke Crushness) sabi ko, kung tagasaan yung kaaway ng taga-barracks. GOSH! ganda talaga ng mga mata niya...pero tiningnan niya ako...^-* (mangarap ba?) Ha ha ha ha! Sabi niya, "Taga-Sto. Tomas daw!" Wahhhh...I am dreamy that time...hayyyy! EWAN! Kainis! Cute niya talaga! Bait pa!!!
So, Sunday, di ko siya nakita....tapos...this Monday...di ko pa din siya nakita....medyo lungkot ang pakiramdam.. - ^ - Kainis!!! Miss ko na siya pag Monday!!!
About Hero 3 Winners:
LEAGUE OF HEROES CATEGORY
OVER-ALL WINNER:
Arjay Navarro (Hitsugaya Toushiro/Bleach)
BEST FEMALE:
Maine Esperanza (Belldandy/Ah! My Goddess)
BEST MALE:
Jacob Gil (Yojimbo/Final Fantasy X)
CRAFTSMANSHIP AWARD:
Robert Ong (BMAU/RF Online)
PERFORMANCE MACHINE:
Gilbert Sagun (GekiRed/Juuken Sentai Gekiranger)
AUDIENCE CHOICE:
Patrick Joseph Perlas (Hard Gay)
OHAYO CATEGORY
OVER-ALL WINNER:
Alexa Mei Alegria (Sakura Kinomoto/Card Captor Sakura)
BEST FEMALE:
Daryl Tapang (Magical Princess Holy Up/Akazukin Chacha)
BEST MALE:
Don Josh Vincent Almanza (Chibi Naruto/Naruto)
CRAFTSMANSHIP AWARD:
Shawn Marion Dave (Inuyasha/Inuyasha)
PERFORMANCE MACHINE:
Zire Sotto (Conan Edogawa/Detective Conan)
AUDIENCE CHOICE:
Joshua Aleik Sison (Konohamaru/Naruto)
GROUP COSPLAY
OVER-ALL WINNER:
Shigi-Shigi Sputnik Group (Shaider)
Until here,
Rei Kyo
at
9:59 PM
0
comments
Labels: Daryl, HERO CONVENTION, Keroppi
Saturday, December 01, 2007
Ang Hataw Hanep Hero 2007 at si Crushness PART ONE
Hayyyy, sakit talaga ng ulo ko. Talagang puyat to the max ako kasi nga...tinapos kong gawin ang ibang accessories ni Akazukin Cha Cha para sa pag-cosplaying ni Daryl Tapang sa gaganaping HERO CONVENTION. Sa wakas naman, natapos din namin. Iyong sapatos na pinagawa namin kay Tatay ay natapos din naman...so far complete naman ang lahat.
Maaga kaming umalis sa bahay..ako, si Ate Corazon, Daryl at Jhudelyn. Buti na lang, maaga kaming nakarating sa Mall Of Asia. Iyong ibang kakilala ko, nakita ko doon, tulad ni Keia. Pati ang ibang ABS-CBN Forumers na grupo nina Tetsu. Nakita ko din si Moonlight Bomber. Nakilala ko din si ANIME KABAYAN. At ang iba pang familiar faces pero hindi ko alam ang name..^-*
Aww, kainis...kailangan pa pala ng real image mula sa CD or sa digicam...para i-transfer sa kanilang computer. Eh, wala akong image na ganoon...hindi naman high tech ang cellfone namin para magkaroon ng images na jpg or whatever images. Ang nangyari, nagpunta pa ako ng MOA para maghanap ng internet cafe para lang kumuha ng image ni Akazukin Cha Cha...nakakuha naman ako. Pero ang masaklap kailangan pala ng image na galing sa cd or digicam para nga ma-transfer sa computer. Iyon ang kailangan kasi. Nasa cosplay guidelines daw iyon....wahhh..hindi ko naman kasi alam. Buti na lang may mabait na guy na nag-picture ng image na dala ko. So solve na ang problem. eeee, kaya lang...napunta sa Leaugue of Heroes Division si Daryl....imbes na sa Ohayoo Division...so problema na naman. Pero agad ding naisaayos. Hay salamat!
So, Daryl walk on stage without problem. Mahigit 14 kids yata ang nasa kid division cosplayer. Nice nga...ku-cute ng mga cosplayer. At me mga cute din na adult cosplayer Pero siempre mas cute pa din si Crushness... hay, musta kaya siya ng sandaling iyon? Malay ko ba?
Ay oo nga pala, again, naging guest si Makisig Morales na kumanta ng "Super Hero" Theme Song ng Super Inggo. At si Sam Concepcion na kumanta naman ng "Happy" at "Even If". Guest din ang Spongecola at ang Imago(yata?)
Bumili ako ng Proposal Daisasuken ni Kurosagi's Yamashita Tomohisha...(tama ba ang spelling? Crush ko kasi yun saka ang CUTE niya no. Bumili din ako ng Lovely Complex Anime at ng Cosplay Magazine Issue 2. Sayang, wala ang isyu number 1, gusto ko pa naman yung cosplay tutorial doon about Cloud's Brooch. Sayang...pero mura na yung magazine na iyon keysa sa original price na Php85.
Wahhhh..dami ng cosplayer...mahigit 240 yata ang um-attend.
Ticket number ko sa Hero con ay 10454 H1201.
Cute pa din ni Crushnesss. At least nakita ko siya this day...naka-blue... shirt siya na merong words na naka-indicate sa likod...tapos.. naka-black short yata or maong na blue. Tapos,..yung tsinelas niya na ang cute cute talaga.. kanina nang dumating ako..ibinigay niya sa akin yung upuan na inuupuan niya...hay grabeeh..bait niya. In love na naman ako...^-*
Until here,
Rei Kyo
at
11:00 PM
3
comments
Labels: HERO CONVENTION, Keroppi
Tuesday, November 27, 2007
Hataw Hanep Hero 2007
he biggest, grandest and most anticipated anime fair is here! HATAW HANEP HERO 3!
WHEN: December 1 and 2, 2007
WHERE: SM X CONVENTION CENTER, Mall of Asia
MAJOR EVENTS
THE ULTIMATE COSPLAYERS
No H3 will be complete without cosplay competitions!
CATEGORIES:
League of Heroes division (13 yrs. old and up)
Ohayoo Hero division (12 yrs old and below)
Group Cosplay (Minimum of 6 members and maximum of 15)
CRITERIA: (this applies to League of Heroes and Ohayoo Hero divisions)
Costume - 30%
Characterization (how in-character you act) - 30%
Over-all Impact - 40%
GROUP COSPLAY CRITERIA:
Costume - 25%
Theme - 25%
Choreography - 20%
Over-all Impact - 30%
NOTES:
Please visit this link for the official guidelines of this event:
H3 2007 Cosplay Guidelines
Note: Everyone is free to post the guidelines to their respective forums, blogs, journals, MLs, etc. but pls. make use of the URL link provided. The guidelines are subject to change without prior notice
Isasali namin si Daryl sa OHAYO HERO DIVISION (12 years old below) Nag-pre-register ako kanina sa Cosplay.ph
Di ko nakita si Crush! I mean si Keroppi.
Ay oo nga pala..lumindol kanina mga tanghali.
____________________________
Until here,
Rei Kyo
at
10:09 PM
0
comments
Labels: HERO CONVENTION, Keroppi
Friday, November 23, 2007
Nakakapanghinayang...
as in..talagang nakakapanghinayang. Tutuo pala ang nabasa ko sa ilang showbiz balita na lumipat na naman ng ibang istasyon si Angelika Dela Cruz. So far, KAPUSO na naman uli siya. Hindi ko maintindihan talaga si Sunshine...I think magaganda naman ang mga roles na ibinibigay sa kanya ng ABS CBN 2. Noong maging LAVINIA ARGUILLES siya sa ABS-CBN 2's Bituing Walang Ningning with Sarah Geronimo bilang si Dorina Pineda, tapos, bilang si Mayumi or Daphne sa Prinsesa Ng Banyera. Tapos, ngayon...wala na siya.
Hindi ko alam kung ano na mangyayari sa kanya..after na lumipat siya sa dati niyang istasyon. Siguro di ko na siya mapapanood pa..dahil mas nanonood ako ng mga show sa ABS CBN 2. Pero, idol ko pa din si Angelika Dela Cruz.
Naiinis na naman ako kasi ..hindi ko na naman nakita si Keroppi.
Ano na kaya nangyari sa kanya? Pinagalitan kaya siya kaya di na siya nagpupunta ng TAMBAYAN niya. O, di kaya ay sa iba na siya tumatambay?
Miss ko na si Keroppi!
Until here,
Rei Kyo
at
10:23 PM
0
comments
Labels: Angelika Dela Cruz, Keroppi
Cute talaga ni Kenta Kamakari...sana siya na lang si Kevin
Until here,
Rei Kyo
at
12:24 AM
0
comments
Labels: Kenta Kamakari, Keroppi
Wednesday, November 21, 2007
Hey! Say! JUMP

Hey! Say! JUMP is a J-pop group under Johnny & Associates, made up of ten members. Hey! Say! JUMP is considered an expansion of the original Hey! Say! 7. The name Hey! Say! refers to the fact that all the members were born in the Heisei era and JUMP is an acronym for Johnny's Ultra Music Power.
Hey! Say! BEST
Yuya Takaki
Daiki Arioka
Kei Inoo
Hikaru Yaotome
Kota Yabu
Hey! Say! 7
Yuto Nakajima
Ryosuke Yamada
Yuuri Chinen
Ryutaro Morimoto
Keito Okamoto
At nainis na naman ako..kasi wala si Keroppi. Di ko siya nakita!
Until here,
Rei Kyo
at
10:32 PM
0
comments
Saturday, November 17, 2007
Yup! Sinisipag ako ngayong mag-post ng mga entry ko...ewan ko ba...super hyper ako ngayon eh. Maybe I'm inspired. ^-* Inspired ka dyan!
Di nga, basta, masipag lang akong mag-post ng mga entry.
Ay, oo nga pala, bukod doon sa project ko na SAINT ANGELUS MICHAEL ay magkakaroon din ako ng comic strip, dito sa blogspot. Hintayin ninyo na lang...mahirap kasi ang magpa-scan lalo na't wala kang scanner (^-* baliw na yata ako, MOMO!) Ang pamagat ng comic strip ko ay "SI KEROPPI AT AKO" Naks, sa title...basta...ang pangunahing tauhan sa comic strip na iyon ay siempre ako..si DELL...^-* saka si Keroppo..tapos me mga guest character na manggugulo sa buhay naming dalawa.
Saka, isa pang project ko na ginagawa ay ang "BOY CINDERELLA," ang Boy's LOVE STORY. Don't worry maikli lang itong kuwento nito, hindi gaya ng Saint Angelus Michael na mayroong TWO ARC STORY! (Until now, nasa draft pa din ang ibang page ng Saint Angelus Michael...kainis!!! Hirap ng hindi gumagana ang computer sa bahay! Kapag naayos na...^-*) Pwamiss..matutuloy agad-agad iyong iba.
Ay, meron nga pala akong caricature ni Keroppi...next time ko na lang na ipo-post kapag napa-scan ko na...ginawa ko kanina habang nagko-computer siya! ^-*
Bye BYE!!
Until here,
Rei Kyo
at
11:33 PM
0
comments
Labels: DELL, Keroppi, Saint Michael
Komikon Sa U.P.Bahay Alumni
Maaga akong nagising ngayong araw na ito. Well,excited din ako sa araw na ito..kasi, ngayon ang Ika-3 Komikon na gaganapin sa UP.
Maaga akong nakarating doon...akala ko nga..tatanghaliin ako kasi pangit kung tanghali ka na makakarating sa event na iyon. Mas maganda kasi pag maaga dahil..me mga contest doon, mga inspirational messages mula sa mga panauhin sa naturang convention.
Nakita ko ang ilang batikan na mga great illustrator ng ating bansa, iyong mga professional artist noong Dekada 70-80-90. Naroon si Mr. Jun Lofamia, Nar Castro, Rudy Villanueva, Joe Mari Mongcal at iba pa. (Sowwiiie, di ko na kasi kilala ang iba..pero iyong mga nabanggit ay tumatak sa isipan ko. Di ko lang alam kung naroon si Mr. Larry Santiago.)
Doon, nakita ko ang dating mga writer illustrator ng CULTURE CRUSH. Sowwiiie, ni isa mang gawa nila, wala ako..pero nagagalingan ako sa kanila. Meron din doong bagong laro ng CARDS, ito iyong TALECRAFT. Di ko lang alam kung paano laruin iyon. So far, meron ding nagtitinda ng various manga...OH MY GOD! Me mga nakita akong manga ng Fushigi Yuugi Genbu Kaiden ni Yuu Watase, sa FULLYBOOK. Meron silang branches sa ROCKWELL, Gateway Mall, Market-Market. At alam mo ba ang price ng manga book nba iyon, nasa 295 PHP. Meaning, 300 siya. Bwa ha ha ha! Tapos, alam mo ba kung magkano ang TOKYOPOP na TOKYO BABYLON, nasa 600 siya ah...eh noong ibinenta namin yung secondhand mint condition ng manga namin na ganoon eh, 350 lang siya..,, kaya iyong CLAMP DETECTIVE SCHOOL na manga na tatlong manga, iyon eh, di na namin ibebenta. Iyon na lang kasi ang ala-ala sa amin ng CLAMP.
Then, naroon na naman ang booth ng CSCENTRL. Sa tutuo lang, madaming DVD akong gustong bilhin..kaya lang..wala sa budget...^-* maybe, sa mga susunod na convention na lang ako bibili. Gusto ko kasing magkaroon ng copy ng Proposal Daisasuken, Dance Drill(J-dorama siya) Tapos, meron ng CODE GEAS, another work ng CLAMP. Meron ding Hana KIMI, sa isang Disc. Basta madami akong gustong bilhin. Sana lang, sa susunod..makabili ako.
Ey,nakita ko na din iyong Graphic Novel ng Super Inggo. Ang cute ng drawing! Sana, magkaroon ako ng copy.
Ay oo nga pala, bumili ako ng comic book ni Mr. GilberT Monsanto, iyong TROPA. E so far, trip na trip ko kasi iyon. Gusto ko ang mga ni Mr. Monsanto. Gusto ko iyong ginawa niyang poster na tribute para sa mga creators ng mga COMIC CHARACTERS, such like Darna, Kamandag, Panday, Alpha Omega Girl, Combatron at iba pa. Basta, maganda iyong pagkakagawa niya.
Kahit medyo nakakaliyo at nakakahilo doon...sa dami kasi ng mga taong nagsisidating. Naging maganda ang resulta ng komikon. I enjoyed. Maybe sa mga darating na next convention...makakabili din ako ng mga ibang gusto ko.
I met Julian....isa sa mga ka-online ko sa net. Mabait naman siya!
Tapos,nang makauwi ako..nakita ko si....Keroppi! Keroppi na lang ang name niya OKEY!
Until here,
Rei Kyo
at
7:40 PM
0
comments
Tuesday, October 23, 2007
Mahirap pala ang magkaroon ng crush uli

Nakakakainis pala 'no?
Kasi, almost a years na akong walang crush...tapos..bigla-bigla na lang me darating na isang taong papahalagahan ko pala.
Noong una ko kasi siyang makita, na-cute-tan lang ako sa kanya. Then after next day, nang makita ko siya...natutuwa ako...parang ang saya-saya kapag nakikita mo siyang nakangiti kahit hindi ikaw ang nginingitian....
Makatabi mo lang siya ay para bang ang saya-saya mo...tila nagkaroon ka ng LOVE POWER sa buong araw at magdamag.
Tapos, kapag nalaman mo naman na in love ka na sa kanya...saka mo sasabihing,,,bakit siya pa ang nagustuhan mo? Eh, ang hirap naman ng feeling di ba?
Kainis...bakit kasi naimbento pa iyang LOVE-LOVE na iyan eh....
Crush ko nga, di ko naman alam ang pangalan....kainis!!!!!
Until here,
Rei Kyo
at
1:18 AM
0
comments
Labels: Keroppi

Name:
Rodel Timbreza 




