Friday, August 03, 2007

Angel Locsin sa ABS-CBN

Usap-usapan sa apat na sulok ng industriya ng Philippines Showbiz ay ang pagkawala ni Angel Locsin. Ayon naman sa kanyang manager na si Becky Aguila ay nasa London ito para sa isang crashing course, ang fashion designing. Ilang araw nang nawawala sa mundo ng showbiz ang magaling na aktres na naging isang malaking aktres sa bakuran ng GMA 7. Mula sa pagiging Alwina sa Mulawin, pagiging Darna sa Mars Ravelo's DARNA, pagiging Sabina sa Majika at Gabriela sa Asian Treasures, ang kahuli-hulihang project na nagawa ni Angel Locsin sa GMA 7. Kamakailan lamang ay nakita sa TV PATROL na nagpa-interbyu ang manager ni Angel Locsin na si Becky Aguila na sinasabing wala nang kontrata si Angel sa GMA 7. Sinasabi na isa ng freelancer actress si Angel Locsin. Lalo pang umugong ang balita na lilipat sa ABS-CBN si Angel Locsin, lalo na nang nagpa-interview ang ama ni Angel na si Mr. Anghel Colminares at Becky Aguila sa The Buzz.

Hanggang ngayon, wala pang malinaw na katotohanan kung nagkaroon na ng pirmahan ang kampo ni Angel Locsin at ang ABS-CBN 2. Pero hindi itinatago na inaalok talagang magtrabaho sa ABS-CBN 2 si Angel Locsin.


Hummm, opinyon ko. I really like Angel Locsin nang gawin niya ang DARNA. Pero I don't like her costumes sa DARNA. Parang masyado kasing nawala yung originality ng damit ni Darna. Also the story, hindi naging ganun kaganda. Pero kung lilipat siya sa ABS-CBN 2. Natutuwa ako dahil magiging kapamilya na siya. Lols...susuportahan ko siya. MOVE ON!

Hello Again!

Hello Again!!!
Tagal kong nawala!
Tagal kong nagliwaliw sa mundo ng kawalan....lols...

Ngayun, bagong pakikipagsapalaran sa mundo ng realidad!
Lols..ngayon, maiiba na uli ang takbo ng mga usapin dito sa blog ko.
Mga kung ano-ano lang na tinipong mga usapin sa apat na sulok ng mundo.

So, para sa unang entry ko......dyarrannnn! Well, sa next post ko na lang!