Monday, July 03, 2006

TOP 5 PINOY DUBBERS: Girls and Boys

Wala akong maisip na isulat ngayon sa blog ko. Ngayong hunyo. So, ito ang naisip ko. Ang pahalagahan ang mga pinoy dubbers na nagustuhan ko. So far, ayoko muna ng top 10. Bibigay muna ko ng tiglilimang pinoy dubbers, babae at lalaki.

My TOP FIVE Pinoy Dubbers:

Girls:

5. Weng Raganit -astig siya sa pagbibigay boses lalaki..lalo na ke Edward Elric ng Full Metal Alchemist

4. Marick Dacanay - da best niyang nagampanan si Sakura Kinomoto...bagay na bagay!

3. Minna Bernales - ang isa sa mga masarap pakinggang ang boses. Di ko akalain na iisa lang ang boses niya. Siya si Haruka Tenoh ng Sailor Moon S at Luna ng Sailor Moon S up to Sailor Star. Kuhang-kuha niya ang pagiging masculine voice ni Sailor Uranus. Maikukumpara ko siya sa original dubber nitong si Ogata Megumi. Actually, ang nagboses ng unang Luna (Season One and R) ay si Ma'am Eloisa Cruz Canlas.

2. Vilma Borromeo - isa sa mga may sexy voice. Remember her as the Rei Hino of Sailor Moon and Sailor Moon R. Saka ang batang boses ni Princess Sarah ng ABS CBN 2.

1. Ollie De Guzman - siyempre, napapakinggan ko na siya sa radio drama ng DZRH. Pero lalo ko siyang naging paborito nang gawin niya ang Sailor Moon. Sa tingin ko, sa ngayon, in my opinion, wala nang gaganda pa sa pagkakabigkas niya ng "Ako ang magandang tagapagtanggol ng pag-ibig at katarungan. Ako si Sailor Moon! Parurusahan kita sa ngalan ng buwan. Kung naaalala ninyo ang Sailor Moon S (Tagalized version), ang tatlong naunang episodes ay hindi boses niya ginamit. Pero nagbalik siya nang ikaapat na episodes..doon sa may pamagat na "Ang Idol!" Nang mapanood ko kasi ang unang episodes ng Sailor Moon S sa ABC 5. Medyo nadismaya ako nang maiba ang mga boses ng mga characters...wala na iyong mga paborito ko. Pero, nang mga sumunod...na-remain na si Ollie De Guzman. I guess siya lang ang naremain doon dahil wala si Ms. Vilma Borromeo. Very Happy

TOP FIVE PINOY DUBBERS: BOYS:

5. Jeff Utanes - isa sa mga boses na naibigan ko. Gusto ko ang pag-portray niya kay Li Syaoran at siyempre sa younger brother ko na si Shigeru Kanmuri.

4. Blair Arellano - naging instant fan niya ako nang ganapan niya si Naruto. Of course, isa din akong fanatic ng Naruto.

3. Mike Punzalan- mas nagustuhan ko siya bilang si Seto Kaiba ng Yugi Oh kaysa sa papel na Kira Yamato ng Gundam Seed.

2. Robert Brillantes - Ganda ng boses nito. lalo na nung kapanahunan ng Amazing Twins at Meteor Garden. Mas fan niya ako sa mga koreanovela at Chinovela eh. Nagustuhan ko siya sa anime ng Yugi OH at Detective Conan.

1.- Louie Paraboles - kakatuwa ang boses niya. Kakatuwa ng siya ang nagbigay boses kay Charlie ng Amazing Twins. Lalo na ng ganapan niya si Azuma Kazuma ng Yakitate Japan. At Liya ng Akazukin Cha Cha.

2 comments:

Ian | GoingRoamingWandering said...

alam mo tagal ko na ring hinuhunting mgas nag dubbe ng Sailor Moon (SM) para mabigyan nman ng credit ang pnoy dubbers ntn. Sa japan at US lhat sila na-crecredit at mga high profile dubbers pa esp in japan.

hmm.. wonder lang ako kung kung sino yung tunay na boses ni S.Neptune sa SM S... kilalia mb kc sa Stars iba na eh. mas mganda yung sa S. Kung hindi ako ngkakamali yun din ang dubber ni Rosalinda sa "Rosalinda" series ng ABS. Ang ganda ng boses nun, fit na fit sa character ng fave for Sailor na si Neptune

ian

keyti said...

hey linkie! just wanted to drop by and keep in touch! tcare always! hope you can drop by my blog as well! :)