Saturday, November 17, 2007

Komikon Sa U.P.Bahay Alumni

Maaga akong nagising ngayong araw na ito. Well,excited din ako sa araw na ito..kasi, ngayon ang Ika-3 Komikon na gaganapin sa UP.

Maaga akong nakarating doon...akala ko nga..tatanghaliin ako kasi pangit kung tanghali ka na makakarating sa event na iyon. Mas maganda kasi pag maaga dahil..me mga contest doon, mga inspirational messages mula sa mga panauhin sa naturang convention.

Nakita ko ang ilang batikan na mga great illustrator ng ating bansa, iyong mga professional artist noong Dekada 70-80-90. Naroon si Mr. Jun Lofamia, Nar Castro, Rudy Villanueva, Joe Mari Mongcal at iba pa. (Sowwiiie, di ko na kasi kilala ang iba..pero iyong mga nabanggit ay tumatak sa isipan ko. Di ko lang alam kung naroon si Mr. Larry Santiago.)

Doon, nakita ko ang dating mga writer illustrator ng CULTURE CRUSH. Sowwiiie, ni isa mang gawa nila, wala ako..pero nagagalingan ako sa kanila. Meron din doong bagong laro ng CARDS, ito iyong TALECRAFT. Di ko lang alam kung paano laruin iyon. So far, meron ding nagtitinda ng various manga...OH MY GOD! Me mga nakita akong manga ng Fushigi Yuugi Genbu Kaiden ni Yuu Watase, sa FULLYBOOK. Meron silang branches sa ROCKWELL, Gateway Mall, Market-Market. At alam mo ba ang price ng manga book nba iyon, nasa 295 PHP. Meaning, 300 siya. Bwa ha ha ha! Tapos, alam mo ba kung magkano ang TOKYOPOP na TOKYO BABYLON, nasa 600 siya ah...eh noong ibinenta namin yung secondhand mint condition ng manga namin na ganoon eh, 350 lang siya..,, kaya iyong CLAMP DETECTIVE SCHOOL na manga na tatlong manga, iyon eh, di na namin ibebenta. Iyon na lang kasi ang ala-ala sa amin ng CLAMP.

Then, naroon na naman ang booth ng CSCENTRL. Sa tutuo lang, madaming DVD akong gustong bilhin..kaya lang..wala sa budget...^-* maybe, sa mga susunod na convention na lang ako bibili. Gusto ko kasing magkaroon ng copy ng Proposal Daisasuken, Dance Drill(J-dorama siya) Tapos, meron ng CODE GEAS, another work ng CLAMP. Meron ding Hana KIMI, sa isang Disc. Basta madami akong gustong bilhin. Sana lang, sa susunod..makabili ako.

Ey,nakita ko na din iyong Graphic Novel ng Super Inggo. Ang cute ng drawing! Sana, magkaroon ako ng copy.

Ay oo nga pala, bumili ako ng comic book ni Mr. GilberT Monsanto, iyong TROPA. E so far, trip na trip ko kasi iyon. Gusto ko ang mga ni Mr. Monsanto. Gusto ko iyong ginawa niyang poster na tribute para sa mga creators ng mga COMIC CHARACTERS, such like Darna, Kamandag, Panday, Alpha Omega Girl, Combatron at iba pa. Basta, maganda iyong pagkakagawa niya.

Kahit medyo nakakaliyo at nakakahilo doon...sa dami kasi ng mga taong nagsisidating. Naging maganda ang resulta ng komikon. I enjoyed. Maybe sa mga darating na next convention...makakabili din ako ng mga ibang gusto ko.

I met Julian....isa sa mga ka-online ko sa net. Mabait naman siya!

Tapos,nang makauwi ako..nakita ko si....Keroppi! Keroppi na lang ang name niya OKEY!

No comments: