Monday, December 03, 2007

Hataw Hanep Hero 2007 at si Crushness PART TWO

Noong Sabado, nang makauwi na kami ng house...napag-usapan namin ni Ate Corazon na pupunta kami ng HATAW HANEP HERO 2007 SMX CONVENTION CENTER, kahit hindi kasama ang mga bata...(siempre, uuwi kasi sila sa Bulacan eh..^-*) Pero ang final, si Daryl na lang ang isasama para makatipid na din. ^-* Masyadong magastos kasi kapag madami.... he he he. (Konti lang ang budget kasi...naubos na noong Sabado.)

Yun, we decided na kaming tatlo na nga lang ang pumunta..(si ate Corazon, Ako, at si Daryl.) So, kami na lang ang maghahatid ng dalawang bata sa Bulacan. Maaga din kaming nakarating...mas maayos na ngayon...nakapasok na kaagad sa SMX kahit hindi pa mismong sa loob ng Convention Center. Sa loob na lang namin nalaman na isa sa mga nanalo sa Ohayoo Division si Daryl. Pero, we had no idea kung ano ang napanalunan. Nakausap lang namin si Luan..isa sa mga organizer. Siya yung nag-inform sa amin na isa si Daryl sa nanalo.Halos 12 na nakarating ang text messages sa amin na nanalo si Daryl. Sayang talaga...kasi....kung nalaman namin...libre na ang entrance ng bata at ng guardian niyon...(or parent) Tipid sana kami ng 200 Php, pero OKEY lang. Napanalunan nga pala ni Daryl ang BEST FEMALE in Ohayoo Division Third Hataw Hanep Hero 2007. Ang prizes niya ay isang Plushie Doll ni Rima ng Mirmo De Pon...isang Naruto Box na naglalaman ng Naruto Clock at isang golden coin na mabigat na may images ni Naruto. A Gift from TIMEZONE na merong Pen at ilang booklet ng Enchated Stationary.

Noong araw na iyon naman, ang Cosplay Group. Naroon ang Shige Shige Sputnik...ang SHAIDER COSPLAYING GROUP. Aliw ako sa Crossover ng Yakitate Japan at ilang member ng Akatsuki(tama ba ang word?)

Nanalo nga pala ang RTU CHEERING SQUAD sa Cheerleading Competition.
Aliw din si Hard Gay. Ganda ng costume ni Shaider ah! Meron ding crossdresser na Magical Princess Holy Up!

I saw some familiar face....si Mikan...si Tohru... si Nagi, na muntik ko nang di makilala dahil walang eyeglasses. Naroon din si Armie na kasali sa Dubbing Competition. Yung EYESHIELD 21 ang pinili niya para i-dubbed. It so nice na makita uli yung mga naging fren ko kahit sa INTERNET lang nakilala. Kahit hindi talaga magkakaibigan...I treasured them as a friend talaga!

Waahh! Sayang! Di ako nakabili ng DVD ng Hana Kimi...naubusan kasi ako!

Nahilo nga ako! Pero enjoy ang buong maghapon. Ginabi na kami....hinatid pa namin si Jhudelyn at Daryl sa Bulacan...at alam mo bang 1:30 A.M. na kami nakaalis ng Bulacan. Hayyy, kakapagod...

Sayang! Gusto ko pa naman sanang makita si Crusshness...pero hindi aabot! AWWW! Pero I'm so happy naman kasi kahapon...siempre di ba..nakita ko siya..at nakausap kahit papaano...lols...magpasalamat ba sa nangyari kaninang madaling araw.Kasi nung madaling araw sa TAMBAYAN..merong nag-away na dalawang grupo. Dahil lang sa sumbrero yun ah..nawalan daw ng sumbrero yung isang taga-Sto. Tomas..at pinagbibintangan yung isang taga-barracks. So, nagkagulo na sa Tambayan. Buwisit na buwisit ako..umalis ako... and I don't know na nandoon pa pala sa labasan si Crushness na nakikiusyoso pa din sa naganap na away. Awww! Cute pa din niya kahit sa dilim...^-* Then, bumili nga ako sa Tapsihan ng Sparkle..tapos, nagtanong ako sa kanya (ke Crushness) sabi ko, kung tagasaan yung kaaway ng taga-barracks. GOSH! ganda talaga ng mga mata niya...pero tiningnan niya ako...^-* (mangarap ba?) Ha ha ha ha! Sabi niya, "Taga-Sto. Tomas daw!" Wahhhh...I am dreamy that time...hayyyy! EWAN! Kainis! Cute niya talaga! Bait pa!!!

So, Sunday, di ko siya nakita....tapos...this Monday...di ko pa din siya nakita....medyo lungkot ang pakiramdam.. - ^ - Kainis!!! Miss ko na siya pag Monday!!!

About Hero 3 Winners:

LEAGUE OF HEROES CATEGORY

OVER-ALL WINNER:
Arjay Navarro (Hitsugaya Toushiro/Bleach)
BEST FEMALE:
Maine Esperanza (Belldandy/Ah! My Goddess)
BEST MALE:
Jacob Gil (Yojimbo/Final Fantasy X)
CRAFTSMANSHIP AWARD:
Robert Ong (BMAU/RF Online)
PERFORMANCE MACHINE:
Gilbert Sagun (GekiRed/Juuken Sentai Gekiranger)
AUDIENCE CHOICE:
Patrick Joseph Perlas (Hard Gay)

OHAYO CATEGORY

OVER-ALL WINNER:
Alexa Mei Alegria (Sakura Kinomoto/Card Captor Sakura)
BEST FEMALE:
Daryl Tapang (Magical Princess Holy Up/Akazukin Chacha)
BEST MALE:
Don Josh Vincent Almanza (Chibi Naruto/Naruto)
CRAFTSMANSHIP AWARD:
Shawn Marion Dave (Inuyasha/Inuyasha)
PERFORMANCE MACHINE:
Zire Sotto (Conan Edogawa/Detective Conan)
AUDIENCE CHOICE:
Joshua Aleik Sison (Konohamaru/Naruto)

GROUP COSPLAY

OVER-ALL WINNER:
Shigi-Shigi Sputnik Group (Shaider)

No comments: