Hayyyy, sakit talaga ng ulo ko. Talagang puyat to the max ako kasi nga...tinapos kong gawin ang ibang accessories ni Akazukin Cha Cha para sa pag-cosplaying ni Daryl Tapang sa gaganaping HERO CONVENTION. Sa wakas naman, natapos din namin. Iyong sapatos na pinagawa namin kay Tatay ay natapos din naman...so far complete naman ang lahat.
Maaga kaming umalis sa bahay..ako, si Ate Corazon, Daryl at Jhudelyn. Buti na lang, maaga kaming nakarating sa Mall Of Asia. Iyong ibang kakilala ko, nakita ko doon, tulad ni Keia. Pati ang ibang ABS-CBN Forumers na grupo nina Tetsu. Nakita ko din si Moonlight Bomber. Nakilala ko din si ANIME KABAYAN. At ang iba pang familiar faces pero hindi ko alam ang name..^-*
Aww, kainis...kailangan pa pala ng real image mula sa CD or sa digicam...para i-transfer sa kanilang computer. Eh, wala akong image na ganoon...hindi naman high tech ang cellfone namin para magkaroon ng images na jpg or whatever images. Ang nangyari, nagpunta pa ako ng MOA para maghanap ng internet cafe para lang kumuha ng image ni Akazukin Cha Cha...nakakuha naman ako. Pero ang masaklap kailangan pala ng image na galing sa cd or digicam para nga ma-transfer sa computer. Iyon ang kailangan kasi. Nasa cosplay guidelines daw iyon....wahhh..hindi ko naman kasi alam. Buti na lang may mabait na guy na nag-picture ng image na dala ko. So solve na ang problem. eeee, kaya lang...napunta sa Leaugue of Heroes Division si Daryl....imbes na sa Ohayoo Division...so problema na naman. Pero agad ding naisaayos. Hay salamat!
So, Daryl walk on stage without problem. Mahigit 14 kids yata ang nasa kid division cosplayer. Nice nga...ku-cute ng mga cosplayer. At me mga cute din na adult cosplayer Pero siempre mas cute pa din si Crushness... hay, musta kaya siya ng sandaling iyon? Malay ko ba?
Ay oo nga pala, again, naging guest si Makisig Morales na kumanta ng "Super Hero" Theme Song ng Super Inggo. At si Sam Concepcion na kumanta naman ng "Happy" at "Even If". Guest din ang Spongecola at ang Imago(yata?)
Bumili ako ng Proposal Daisasuken ni Kurosagi's Yamashita Tomohisha...(tama ba ang spelling? Crush ko kasi yun saka ang CUTE niya no. Bumili din ako ng Lovely Complex Anime at ng Cosplay Magazine Issue 2. Sayang, wala ang isyu number 1, gusto ko pa naman yung cosplay tutorial doon about Cloud's Brooch. Sayang...pero mura na yung magazine na iyon keysa sa original price na Php85.
Wahhhh..dami ng cosplayer...mahigit 240 yata ang um-attend.
Ticket number ko sa Hero con ay 10454 H1201.
Cute pa din ni Crushnesss. At least nakita ko siya this day...naka-blue... shirt siya na merong words na naka-indicate sa likod...tapos.. naka-black short yata or maong na blue. Tapos,..yung tsinelas niya na ang cute cute talaga.. kanina nang dumating ako..ibinigay niya sa akin yung upuan na inuupuan niya...hay grabeeh..bait niya. In love na naman ako...^-*
Saturday, December 01, 2007
Ang Hataw Hanep Hero 2007 at si Crushness PART ONE
Until here, Rei Kyo at 11:00 PM
Labels: HERO CONVENTION, Keroppi
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
@mamaru: Congrats sa panalo ni Daryl bilang Princess Holy-up! Ganda ng costume. :)
Thanks!! ^-*
Congrats sa panalo ni Daryl!
And also nice meeting you, kahit maikling panahon lang...
Paki-plug naman ang Otaku's Verdict 2007. Botohan na hanggang December 20!
http://www.otakusverdict.cjb.net/
Post a Comment