Ang No.1 Station daw!
Ang pinakamagaling na channel daw...ang nabibigay ng mga palabas na de kuwalidad. Ang mga Kapuso na may puso daw...pero ano itong ginagawa ng GMA 7? Pati ang Eat Bulaga na hawak ng TAPE INC. nagiging "Kapuso," ang ugali...dahil kaya iyon ke Joey De Leon?
So far, dati-dati, nanonood ako talaga ng mga shows ng GMA 7 pero nang malaman ko ang malaki nilang paninira sa katapat na station, maging ang mga nagwo-work doon na artist...nadismaya ako....number one daw sila....number one sa kayabangan....
Ito ah...malayang nakakapag-promote sina Bong Revilla at Inah Revilla ng pelikula nilang "Kapag Tumibok Ang Puso," sa ABS CBN 2. Todo-suporta ang ginagawa ng channel 2...sa trailer pa lang...talagang ipinapakita ang mga artista both ABS CBN and GMA na involved sa movie...pero ano itong nakikita ko kapag nadadaanan ko ang channel 7? Ni wala man lang mga artista ng channel 2 sa kanilang trailer nito...at isa pa...me portion pala ang "Eat Bulaga," ng "Kapag Tumibok Ang Puso," acting ng mga contestant....abah...ang ini-ere na version ng song ay ang original song ni Donna Cruz at hindi ang version ni Toni Gonzaga na siyang ginagamit sa pelikula. What wrong witg GMA Seven? Malaki ang sayad sa ulo ng kung sino man ang may responsibilidad dito....
Wednesday, June 14, 2006
What's Wrong With GMA 7?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
Pero di ba, pinalabas naman nila yung "Kapag Tumibok ang Puso" the Making nung linggo sa GMA at kahapon sa QTV. Na-pre-empt pa nga ang Fullmetal Alchemist at Kaleido Star sa QTV. Ewan ko lang kung pinakita nila ang mga ABS-CBN stars sa making. Hindi ko naman kasi pinanood.
Hindi ko napanood ang The Making ng Kapag Tumibok Ang Puso. Pero sana naman, maging maganda ang trato nila sa isa't isa...nakakadismaya kasi eh.:D
Okay, first off, Why would you think ipapatugtog nila yung version ni TONI gonzaga eh STAR RECORDS ang nagproduce noon...
Post a Comment