Yipe!!!
Saya-saya ko now.
Okey. Una, masaya ako, kasi nakabili na uli ako ng VCD Anime ulit.
Tagal ko na kayang walang latest anime' ngayon. Nitong mga nakaraan
ay puro nood ako ng mga anime na hindi ko pa natatapos mapanood.
So, bumili ako ng karugtong ng Bleach Ep. 54-57 (2 disc), Naruto,
Ep.155-158 (2 disc), Hungy Heart Wildstriker BOX 3 (5 disc)
at Hana Yori Dango Live Ep.1-2 (2 disc.)
Pangalawa, why me masaya! Napanood ko na ang Hana Yori Dango Live.
Ibang-iba ang mga eksena nito keysa sa anime at manga, at sa counterpart
nitong Taiwanase Live Action entitled "Meteor Garden."
Iniba na nila, para hindi maging kahawig ng "Meteor Garden."
Mahirap kasing ikumpara ang dalawang series, na iisa ang pinanggalingan.
Masasabi kong nagustuhan ko ang Hana Yori Dango. Bilis ng mga pangyayari.
Basta, maganda siya! If you loved very much Meteor Garden, at fans ka ni
Vic Zhou at Jerry Yan, hindi ko ma-i-recommend sa iyo na panoorin mo ang
Hana Yori Dango ng japanese idol na si Jun Matsumoto. :D
Mas masasabi kong mas guwapo ang "F4" ng Taiwan sa "F4" ni Jun. Tee he he.
Pangatlo. Dyaran!!!
Nanood kami ng sister ko ng Harry Potter and the Goblet Of Fire,
sa Mega Mall.First showing yon ah. Binigyan kami ng tatlong
pocket calendar.
OMG!!! Ang ganda-ganda. One of the best "Harry Potter Movie."
Hindi dapat palagpasin ng mga maka-Daniel Radcliffe.
Super sa ganda ng production.
Naaliw ako sa mga eksena kung saan, nakita ni Harry Potter si Cho Cheng.
Lalo na iyong kumakain sila, iyong uminom si Harry ng tubig.
Mukha siyang kaaliw-aliw.
Saka doon sa eksena kung saang binatukan sila ni Snape,
dahil nga gustong yayain ni Ron si Hermione sa Yule Ball.
Tapos iyong eksena sa Prespect Bath.
Nakakatuwa si Moaning Myrtle doon sa scene with Harry Potter.
Matutuwa ang mga fans ni Harry Potter dito, tee he he.
Ganda ng mga eksena sa Tri-wizard Tournament,
doon sa pakikipaghabulan niya sa dragon,
sa underwater scenes, saka sa maze. WOW!
Ganda talaga! Five Star para sa movie na ito.
At ang last, why me masaya! YES! Naalis na sa bahay si Franzen.
Sa tutuo lang dapat siyang maalis. Kung napanood mo
last night ang sinabi niya sa confession room, maiinis ka.
Me sayad ba sa utak itong si Franzen? Paano nakalusot ito sa
Psychiatrist ng PBB?
Kesyo, magpa-plastic surgery daw siya para pumangit.
Basta, kakainis mga sinabi niya. Sa talent daw niya, na mag-drama.
He says, ilang beses na siyang nag-drama sa loob ng PBB House.
So, that means, drama-dramahan ang mga ginawa niyang paiyak-iyak
sa loob ng house. Buti nga. So far dami pa din ang bumoto para ke Cass.
I LOVED CASS na!!! You know, muntik na ko maiyak kahapon sa mga sinabi
ni Cass. Hindi karapat-dapat mag-sacrife si Cass
para manatili si Franzen
sa house. Medyo naiinis ako, bakit sa Sabado pa aalis si Franzen?
Ayaw ko sanang mainis, pero naiinis ako sa mga napanood ko.
Sino namang televiewers kasi ang hindi maiinis sa
mga pinagsasabi ni Franzen noong gabing iyon. Hello?
Kahit pusa ko hindi matutuwa ng ganoon.
Sana ngayon na!
Sana, next time, masama na sa vote-out si Say!
Pag nangyari yon, doble saya sa next nomination night.
Ang saya-saya!
So I'll keep watching Panday, kampanerang Kuba
and PBB sa primetime ng ABS-CBN 2.
Nood na kayo ng Harry Potter and the Goblet Of Fire!
Di kayo magsisisi kapag napanood ninyo.
Hindi sayang ang mahigit 100 pesos sa isang upuan sa CINEMA ONE ng
Mega Mall.
Wednesday, November 16, 2005
Happy Days
Until here, Rei Kyo at 11:55 PM
Labels: Hana Yori Dango, Harry Potter, Pinoy Big Brother
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment