Monday, November 14, 2005

Bilang Anime Fanatic sa HERO CONVENTION!

Masaya na mahirap pala ang pumunta sa isang Anime Convention.
Mahirap kasi ang daming nagsisiksikang mga tao.

Saturday ako nagpunta.
Dapat ako lang mag-isa ang pupunta,
kaya lang hindi na ako nakaabot sa unang biyahe ng
shuttle bus sa Mega Mall.
Kaya ang nangyari, iyong second na pag-pick up ang sinakyan ko.
Buti nakarating ang sister ko with my niece.
Kala ko nga hindi siya aabot.
Kasi nandoon na at maraming tao sa bus.
Buti na lang mga 10 minutes bago umalis ang bus ay nakaabot ang kapatid ko.
Nakasuot ako ng T-shirt naKurama/Yohko ng Yu Yu Hakusho.

Mga 11:00 na yata nakarating ang shuttle bus sa pagdadausan ng event.
Ang nakakainis, iyong mga bantay na security doon.
Hindi maayos kasi ang pila.
Hindi man lang nila, pinakiusapan ang mga dadalo ng events
na pumila ng maayos. Siksikan na! kanya-kanya nang pasok.
Me mga nagbenta pa ng registration form sa labas na 5 pesos daw.
Saka iyong mga lalagyan na may image ni Zenki,
pinagbibili ng mga "negosyanteng-kuno,." Me mga bumili naman!
Sa dami ng tao, nakakahilo.
Nakapasok kami, mga 12:30 na yata!
Pawisan kaya ayun, nagpalit na lang ako ng plo shirt na blue gray.
Hindi na muna ako nagpa-picture for member ship card.
Nakakagutom! Kaya ayun,kahit mahal ang pagkain, bumili pa din kami.
Sana, me mga booth ng pagkain. Halos wala kasi.

Hindi ako nakakuha ng sinasabi nilang t-shirt.
Mukha kasing "ENGOT" ang napagtanungan kong lalaki doon sa
REDEMPTION BOOTH eh.
Sabi daw, wala daw silang pino-post doon sa HERO TV FORUMS,
na ang member ng HERO TV FORUMS,
ay magkakaroon ng freebies na tulad niyon.
Hindi na ako nakipagtalo.
Para kasing ako pa ang nahiya doon.
Pero, maliwanag sa sikat ng araw na me
nabasa ako about sa post na iyon.
Saka maraming STAFF doon na hindi alam ang "ganito- ganyan"
kapag tinanungan na.

Nakakatuwa nga ang events.
Halos kaunti lamang ang mga nag-cosplay. Pero nakakatuwa!
Merong mga anime characters ang hindi ko kilala.
Okay para sa akin ang nag-cosplay ng Inu-Yasha at
mga Naruto Characters.
Kasi, meron siyang espada, at ganda ng hair niya.
Ke Inu-Yasha kami nagpapicture ng niece ko.
Then, nagpa-picture din ang niece ko with Sakura,
iyong me hawak ng Keroberos stuffed toys.
Ganda ng pink niyang dress.
Madami doon ang Naruto Characters.
Me Gaara pa nga eh.
Merong Naruto na hindi blonde.
Basta nakakatuwa!

Doon sa booth ng Mirmo De Pon, wala iyong big size image ni Dylan.
Kaya iyon, si Kyle at Katie lang na magkatabi ang
naroon with my niece para magpa-picture.
Di na ako kumuha ng tatoo ng mirmo de pon.
Hindi bagay kasi eh.
Pero sa niece ko, si Yachs (tama ba ang spell?) ang inilagay.
Naroon iyong dubber ni Dylan, di ko lang kilala,
sinabi kasi ng isang girl doon na naroon sa booth eh.
Maliit na guy lang siya.

Sayang, hindi na natapos iyong figure ni Voltes V.
Wala pang ULO! Eh, sobrang hapon na.
Tapos na yata ang events.
Baka, sa linggo na nila iyon natapos.

Iyon, me drawing contest, madaming magagaling na sumali.
Nakakatuwa ang mga sumayaw sa VOLTES V dance contest,
kasi me ala-PINOY BIG BROTHER DANCE steps pang ginawa.
Hindi ako naaliw ke Crazy Frog kaya nilayasan namin.
Naglibot libot kami.
Hindi na ako bumili ng mga items, kasi iyong iba, mahal pa din.
Si Kikiam pala ng Wazzup Wazzup iyong nag-ala Hikaru ng Angelic Layer.
Ngayon ko lang nalaman sa ABS CBN Forums, sabi ni Colleen.
Inakala nga ng ibang naroon na lalaki iyong nag-ala-Hikaru
of Angelic Layer. Kakatuwa.

Hindi na ako nakapunta ng 2 day.
Baka kasi katulad na naman noong saturday na saksakan.
Eh halos, magkaipit-ipit ang mga tao.
Saka, me mga masungit na security staff doon.
Na manghihingi ka ng registration form, 3 na hinihingi mo.
Isa lang ang bibigay.
Kaya nga 3 na ang hiningi ko,
kasi nga nakiusap lang ako sa mga tao doon
na makalapit sa unahan para makahingi ng form,
ang sinabi pa eh, pumunta daw sa unahan.
Hello! Sa dami kaya ng tao.
Nagrereklamo na nga ang iba dahil siksikan na.
Tapos, papupuntahin ko pa sa unahan.
Okey lang siya.

Saka ko na lang kukunin ang member ship card ko,
maybe next time pag may event uli.
Sayang, wala akong nakitang mga ABS CBN FORUM USERS.
Paano, sa dami ng mga tao doon, hindi mo na makikilala.
Pero sa mga nagpunta, hello po!
Hoping makita ko na kayo next time.

Kina Tohru at Nagi,
sorry hindi ako nakapunta ng sunday.
Maybe next time. Sana next event, maayos ayos na.

No comments: