I loved Card Captor Sakura, very much. Isa ito sa mga "TOP TEN" anime ko.
Aaminin ko, na-hook ako nang ipalabas ito.
Ang alam ko, Sailor Moon Sailor Stars aired in 2000 nang ipalabas ito ng
ABS-CBN 2.,tuwing Sunday naman ng mga hapon.
(Tama ba ko na Sunday ng hapon or Saturday?)
Ah basta, nanonood ako nito, then naging regularly na siya tuwing
Monday To Friday sa ANIME TIME sa hapon ng ABS-CBN 2.
Ilang beses din siyang nag-re run after that.
Sa title pa lang, alam na natin na si Sakura ang bida ng anime.
CARD CAPTOR SAKURA.
Nang mapanood ko uli ang first episode nito sa VCD noong nakaraang Sabado.
Kasi, gustong manood ng niece ko, named Daryl, ng Card Captor Sakura.
So, isinalang niya ang UNANG CD.
Iyong unang episode.
Natuwa ako nang mapanood ko uli iyon.
Kaya lang, naisip ko, ang "ANO BA NAMAN SI SAKURA?Ang likot-likot!!!"
Di ba si Sakura ang me kasalanan kung bakit may huhulihing mga baraha.
Kasalanan ni Sakura at Keroberos.
Bakit si Keroberos.
Unang-una, tinulugan niya ang pagbabantay ng
CLOW BOOK,kung saan naroon ang mga CLOW CARDS.
Ibig sabihin, pabaya siya.
Dahil sa ingay niya, natakot tuloy si Sakura.
Di ba, doon sa basement,nagpunta si Sakura dahil inakala niya na me multo.
So nang makita niya ang nagliliwanag na aklat, iyon na nga ang CLOW BOOK.
Aba, binuksan ito. Binasa niya ang nakalagay sa unahan me pangalan,
"WINDY," ('Yon nga ang Windy Card)
after that. Inilipad ang mga baraha hindi ba.
Pero, naiwan sa kanya ang WINDY card.
OO nga, aksidente ang nangyari kung bakit may Card Captor tuloy.
Ayun, nang nabalitaan ni Syaoran Li, lumipad patungo sa Japan.
Para manghuli din ng mga baraha.
Eh, ang siste, si Keroberos, pinili niya si Sakura bilang CARD CAPTOR.
Kasehodang, kamag-anak pa ni Clow Reed si Li.
O di ba? Simpleng story, pero nabigyan ng CLAMP ng magandang series ang
CARD CAPTOR SAKURA.
Friday, November 11, 2005
Ang "kalikutan" ni Sakura ng
Card Captor Sakura?
Until here, Rei Kyo at 2:12 AM
Labels: CARD CAPTOR SAKURA
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment