Wednesday, November 30, 2005

Magical Lyrical Nanoha...
Card Captor Sakura copycat


Napanood na ba ninyo ang Magical Lyrical Nanoha?
Kung hindi pa, panoorin ninyo, ma-e-enjoy ninyo
kung isa kayong Magical Girls Series Fanatic.
Kasi ako, nagustuhan ko din kahit parang naiisip
ko si Card Captor Sakura. Is it copycat of
CCS. Nope. Me pagkakahawig po, pero ma-e enjoy mo
din ang series na ito. 13 Episodes lang siya,
pero maaaliw ka sa series na ito. Sa tingin ko,
sapat na ang 13 episodes nito para maibigan mo ito.

Ano ba ang pagkakahawig nito sa CCS?
Una, pareho silang Magical Girl.
Second, may special costumes si Nanoha.
(Iisa lang ang damit po ni Nanoha, kasi kasama na
iyon sa pagpapalit anyo niya bilang si Magical Lyrical Nanoha.
Third, pareho silang me magic wand.
Fourth, pareho silang me huhulihin, kung si Sakura, mga cards
ang huhulihin, si Nanoha, mga Jewel Seed.
Kung si Sakura ay magaling sa sport, not Nanoha.
But pareho silang CUTE.

From Animenfo.

Takamachi Nanoha is a 3rd grader elementary school girl.
She lives with her parents who run a coffee shop, and
her older sister and brother who are students.
She was a normal girl until she met a boy
that came from another world.
She happens to obtain a magical power from him.
After their encounter,
Nanoha has to recollect “Jewel Seeds”.
They are from the other world, and are scattered around Earth.

The boy from the other world can turn into a small animal,
and she has a magical wand that is materialized by Nanoha’s will.
With these two, she has to recollect Jewel Seed.
It will grant one’s dream, but it also
causes various accidents as well.

She begins to have a friendship with the boy from the other world.
She spends her secret life as a magical girl late at night,
early in the morning, after school, and on vaction.
She is a normal girl when she is with her friends and family.

During her adventures, there appears magical girls that
has the same power of Nanoha, because of this,
her peaceful life is almost destroyed.

“I do my best…so that I won’t regret”

Takamachi Nanoha, a third grader,
though she isn’t good at sports,
but she does her best with courage, magic,
and her will, that she won’t lose.

This show is a spinoff of Triangle Hearts.

Friday, November 25, 2005

Wala Lang! Gusto ko lang...

Wala lang!
Wala akong entry ngayon sa blog ko eh.
Busy kasi ako masyado nitong mga nakaraang araw.

Now, ginawa ko ng background music iyong music na binigay sa akin
ng fren ko sa chat dati....pamagat ay "Chat Room," Composed by ISSA.
Tee he he...^-^ di ko alam kung babae ba iyong si ISSA. He he he.
Anyway, it's a nice song kaya nilagay ko here. So the credit of this
song ay sa kanya, kung sino man siya.

Bahala na. Basta, na-cute-tan lang ako sa song na ito. Kaya ginawa kong
background music. Hoping hindi ma-pirate ang song na ito...

Next time, me ipo-post ako dito, hinggil sa mga anime na
currently na pinanapanood ko. Anyway highway,
check out na lang sa next time.

Right now, gusto ko iyong Magirangers, isang super sentai series
na palabas ngayon sa japan. Hoping matapos ko ang series na ito.
Super cute kasi ng series na ito eh. Cute pa ng mga bida.
Nasa Episode 34 na ako. At natuklasan na nilang si
Wolzard ang kanilang ama na si Bragel. Ganda nito!

Te he he he!!!^-^. Paano, next entry na lang uli.
Wahhhh, sana magkaroon na ako ng
Sailor Moon Live Action Act Zero.
Iyon na lang ang kulang ko eh. Waaaaaaaaaa!!!!

Tuesday, November 22, 2005

Sobrang Anime Fanatic Na Ako.
I Want More ANIMES!!!

Wahhh!!!!
Sobrang anime fanatic na ako.
Yun ang masasabi ko.
Gusto ko pa kasing madagdagan ang koleksyon ko.
Lumabas na iyong Mai Otome, actually related siya sa Mai Hime.
Gusto ko iyon.
Gusto ko din na maisama sa koleksyon ko iyong Shakugan No Shana.
Basta, super natural fantasy ang theme ng anime,
di ko pinalalagpas. I WANT THAT! No matter what.
Well, ang kuwento niyon ay, well ayon sa Anime News Network,
"Sakai Yuji was a normal student, but one day his normal life was gone.
He was assaulted by a monster, “Kuze no Togara”.
It was a monster which came from another world,
and was able to turn a human turn into a light to eat.
It was a girl with red hair and red eyes that saved him,
who was too surprised to move.
Then, that girl said to him “You don’t exist anymore”.
What she meant was..."

Mukhang promising iyong story, and nakita ko iyong preview nito sa
VCD ng Tsubasa Chronicles, Ep.25-26. Maganda ang animation.
At isa pa, lumabas na iyong Masked Rider Hibiki. Sabi pa, nasa Ep.15
na ang available sa store na iyon. Gusto ko iyon.Nandoon iyong
gumaganap na "Tuxedo Mask," sa Pretty Guardian Sailor Moon.
Pero hindi siya ang bida. ^-^. Pero gusto ko talaga magkaroon ng kopya
niyon. Pero baka matagalan pa, di ko pa tapos i-collect iyong
"Masked Rider Blade," wahhh, sa dami ng gusto kong ikolek. MONEY!!
Tee-he he he! money ang kailangan ko. Ha ha ha!

Basta, magkakaroon ako nun. Well, actually nagpunta kasi ako kanina
ng Manila, para bumili ng mga update Anime VCD ko. So right now,
meron na akong Naruto (Ep.159-160), Tsubasa Chronicles (Ep.25-26),
Yakitate Japan (Ep.40-41), Hana Yori Dango Live Ep.3,
Magirangers (2 disc, Ep.31-34).Bumili din ako ng 4 Double Disc ng
The Gransazers. English Version. Iyon bang ipinapalabas sa Cartoon
Network. At Tagalog Version naman ang palabas sa HERO TV.

Ganda pala ng ending ng Season One ng "Tsubasa Chronicles," Nakakatuwa!!!
Actually, ganda ng wish ni Sakura. Sakura has a good heart
talaga sa series na iyon. Binalewala niya ang dapat niyang
hilingin na makuha lahat ang mga feathers.
See, naunawaan siya ni Syaoran. Pamagat pala ng
Ep.26 ng Tsubasa Chronicles ay "The Final Wish."
Cute nilang dalawa.
Makita ko kaya sila in persons.Tee-he he he!!!


Ganda! Nakakabitin pero sulit naman. Sabi sabi, next year pa ang karugtong
ng Tsubasa Chronicles. So next year ang season 2,
at ang maganda, me XXXholic TV Series na!!!
Hoping, magkaroon ako nito.
Wee, sobrang addik na ako sa anime!

Wednesday, November 16, 2005

Happy Days

Yipe!!!
Saya-saya ko now.
Okey. Una, masaya ako, kasi nakabili na uli ako ng VCD Anime ulit.
Tagal ko na kayang walang latest anime' ngayon. Nitong mga nakaraan
ay puro nood ako ng mga anime na hindi ko pa natatapos mapanood.
So, bumili ako ng karugtong ng Bleach Ep. 54-57 (2 disc), Naruto,
Ep.155-158 (2 disc), Hungy Heart Wildstriker BOX 3 (5 disc)
at Hana Yori Dango Live Ep.1-2 (2 disc.)

Pangalawa, why me masaya! Napanood ko na ang Hana Yori Dango Live.
Ibang-iba ang mga eksena nito keysa sa anime at manga, at sa counterpart
nitong Taiwanase Live Action entitled "Meteor Garden."
Iniba na nila, para hindi maging kahawig ng "Meteor Garden."
Mahirap kasing ikumpara ang dalawang series, na iisa ang pinanggalingan.
Masasabi kong nagustuhan ko ang Hana Yori Dango. Bilis ng mga pangyayari.
Basta, maganda siya! If you loved very much Meteor Garden, at fans ka ni
Vic Zhou at Jerry Yan, hindi ko ma-i-recommend sa iyo na panoorin mo ang
Hana Yori Dango ng japanese idol na si Jun Matsumoto. :D
Mas masasabi kong mas guwapo ang "F4" ng Taiwan sa "F4" ni Jun. Tee he he.

Pangatlo. Dyaran!!!
Nanood kami ng sister ko ng Harry Potter and the Goblet Of Fire,
sa Mega Mall.First showing yon ah. Binigyan kami ng tatlong
pocket calendar.
OMG!!! Ang ganda-ganda. One of the best "Harry Potter Movie."
Hindi dapat palagpasin ng mga maka-Daniel Radcliffe.
Super sa ganda ng production.
Naaliw ako sa mga eksena kung saan, nakita ni Harry Potter si Cho Cheng.
Lalo na iyong kumakain sila, iyong uminom si Harry ng tubig.
Mukha siyang kaaliw-aliw.
Saka doon sa eksena kung saang binatukan sila ni Snape,
dahil nga gustong yayain ni Ron si Hermione sa Yule Ball.
Tapos iyong eksena sa Prespect Bath.
Nakakatuwa si Moaning Myrtle doon sa scene with Harry Potter.
Matutuwa ang mga fans ni Harry Potter dito, tee he he.
Ganda ng mga eksena sa Tri-wizard Tournament,
doon sa pakikipaghabulan niya sa dragon,
sa underwater scenes, saka sa maze. WOW!
Ganda talaga! Five Star para sa movie na ito.

At ang last, why me masaya! YES! Naalis na sa bahay si Franzen.
Sa tutuo lang dapat siyang maalis. Kung napanood mo
last night ang sinabi niya sa confession room, maiinis ka.
Me sayad ba sa utak itong si Franzen? Paano nakalusot ito sa
Psychiatrist ng PBB?
Kesyo, magpa-plastic surgery daw siya para pumangit.
Basta, kakainis mga sinabi niya. Sa talent daw niya, na mag-drama.
He says, ilang beses na siyang nag-drama sa loob ng PBB House.
So, that means, drama-dramahan ang mga ginawa niyang paiyak-iyak
sa loob ng house. Buti nga. So far dami pa din ang bumoto para ke Cass.
I LOVED CASS na!!! You know, muntik na ko maiyak kahapon sa mga sinabi
ni Cass. Hindi karapat-dapat mag-sacrife si Cass
para manatili si Franzen
sa house. Medyo naiinis ako, bakit sa Sabado pa aalis si Franzen?
Ayaw ko sanang mainis, pero naiinis ako sa mga napanood ko.
Sino namang televiewers kasi ang hindi maiinis sa
mga pinagsasabi ni Franzen noong gabing iyon. Hello?
Kahit pusa ko hindi matutuwa ng ganoon.
Sana ngayon na!
Sana, next time, masama na sa vote-out si Say!
Pag nangyari yon, doble saya sa next nomination night.

Ang saya-saya!
So I'll keep watching Panday, kampanerang Kuba
and PBB sa primetime ng ABS-CBN 2.
Nood na kayo ng Harry Potter and the Goblet Of Fire!
Di kayo magsisisi kapag napanood ninyo.
Hindi sayang ang mahigit 100 pesos sa isang upuan sa CINEMA ONE ng
Mega Mall.

Monday, November 14, 2005

Bilang Anime Fanatic sa HERO CONVENTION!

Masaya na mahirap pala ang pumunta sa isang Anime Convention.
Mahirap kasi ang daming nagsisiksikang mga tao.

Saturday ako nagpunta.
Dapat ako lang mag-isa ang pupunta,
kaya lang hindi na ako nakaabot sa unang biyahe ng
shuttle bus sa Mega Mall.
Kaya ang nangyari, iyong second na pag-pick up ang sinakyan ko.
Buti nakarating ang sister ko with my niece.
Kala ko nga hindi siya aabot.
Kasi nandoon na at maraming tao sa bus.
Buti na lang mga 10 minutes bago umalis ang bus ay nakaabot ang kapatid ko.
Nakasuot ako ng T-shirt naKurama/Yohko ng Yu Yu Hakusho.

Mga 11:00 na yata nakarating ang shuttle bus sa pagdadausan ng event.
Ang nakakainis, iyong mga bantay na security doon.
Hindi maayos kasi ang pila.
Hindi man lang nila, pinakiusapan ang mga dadalo ng events
na pumila ng maayos. Siksikan na! kanya-kanya nang pasok.
Me mga nagbenta pa ng registration form sa labas na 5 pesos daw.
Saka iyong mga lalagyan na may image ni Zenki,
pinagbibili ng mga "negosyanteng-kuno,." Me mga bumili naman!
Sa dami ng tao, nakakahilo.
Nakapasok kami, mga 12:30 na yata!
Pawisan kaya ayun, nagpalit na lang ako ng plo shirt na blue gray.
Hindi na muna ako nagpa-picture for member ship card.
Nakakagutom! Kaya ayun,kahit mahal ang pagkain, bumili pa din kami.
Sana, me mga booth ng pagkain. Halos wala kasi.

Hindi ako nakakuha ng sinasabi nilang t-shirt.
Mukha kasing "ENGOT" ang napagtanungan kong lalaki doon sa
REDEMPTION BOOTH eh.
Sabi daw, wala daw silang pino-post doon sa HERO TV FORUMS,
na ang member ng HERO TV FORUMS,
ay magkakaroon ng freebies na tulad niyon.
Hindi na ako nakipagtalo.
Para kasing ako pa ang nahiya doon.
Pero, maliwanag sa sikat ng araw na me
nabasa ako about sa post na iyon.
Saka maraming STAFF doon na hindi alam ang "ganito- ganyan"
kapag tinanungan na.

Nakakatuwa nga ang events.
Halos kaunti lamang ang mga nag-cosplay. Pero nakakatuwa!
Merong mga anime characters ang hindi ko kilala.
Okay para sa akin ang nag-cosplay ng Inu-Yasha at
mga Naruto Characters.
Kasi, meron siyang espada, at ganda ng hair niya.
Ke Inu-Yasha kami nagpapicture ng niece ko.
Then, nagpa-picture din ang niece ko with Sakura,
iyong me hawak ng Keroberos stuffed toys.
Ganda ng pink niyang dress.
Madami doon ang Naruto Characters.
Me Gaara pa nga eh.
Merong Naruto na hindi blonde.
Basta nakakatuwa!

Doon sa booth ng Mirmo De Pon, wala iyong big size image ni Dylan.
Kaya iyon, si Kyle at Katie lang na magkatabi ang
naroon with my niece para magpa-picture.
Di na ako kumuha ng tatoo ng mirmo de pon.
Hindi bagay kasi eh.
Pero sa niece ko, si Yachs (tama ba ang spell?) ang inilagay.
Naroon iyong dubber ni Dylan, di ko lang kilala,
sinabi kasi ng isang girl doon na naroon sa booth eh.
Maliit na guy lang siya.

Sayang, hindi na natapos iyong figure ni Voltes V.
Wala pang ULO! Eh, sobrang hapon na.
Tapos na yata ang events.
Baka, sa linggo na nila iyon natapos.

Iyon, me drawing contest, madaming magagaling na sumali.
Nakakatuwa ang mga sumayaw sa VOLTES V dance contest,
kasi me ala-PINOY BIG BROTHER DANCE steps pang ginawa.
Hindi ako naaliw ke Crazy Frog kaya nilayasan namin.
Naglibot libot kami.
Hindi na ako bumili ng mga items, kasi iyong iba, mahal pa din.
Si Kikiam pala ng Wazzup Wazzup iyong nag-ala Hikaru ng Angelic Layer.
Ngayon ko lang nalaman sa ABS CBN Forums, sabi ni Colleen.
Inakala nga ng ibang naroon na lalaki iyong nag-ala-Hikaru
of Angelic Layer. Kakatuwa.

Hindi na ako nakapunta ng 2 day.
Baka kasi katulad na naman noong saturday na saksakan.
Eh halos, magkaipit-ipit ang mga tao.
Saka, me mga masungit na security staff doon.
Na manghihingi ka ng registration form, 3 na hinihingi mo.
Isa lang ang bibigay.
Kaya nga 3 na ang hiningi ko,
kasi nga nakiusap lang ako sa mga tao doon
na makalapit sa unahan para makahingi ng form,
ang sinabi pa eh, pumunta daw sa unahan.
Hello! Sa dami kaya ng tao.
Nagrereklamo na nga ang iba dahil siksikan na.
Tapos, papupuntahin ko pa sa unahan.
Okey lang siya.

Saka ko na lang kukunin ang member ship card ko,
maybe next time pag may event uli.
Sayang, wala akong nakitang mga ABS CBN FORUM USERS.
Paano, sa dami ng mga tao doon, hindi mo na makikilala.
Pero sa mga nagpunta, hello po!
Hoping makita ko na kayo next time.

Kina Tohru at Nagi,
sorry hindi ako nakapunta ng sunday.
Maybe next time. Sana next event, maayos ayos na.

Saturday, November 12, 2005

Better Than Meteor Garden....
Hana Yori Dango!!!



Okey!
Okey!
I am so happy when I found out, Hana Yori Dango LIVE ACTION is out.
They said, the drama was aired in Japan on October 21, 2005.
Sinasabi pang ang drama ay mayroong 9 Episodes.
What?
9 Episodes?
Paano kaya nila mapagkakasya iyon.
Paano tatakbo ang istorya.
Eh, alam naman natin na ang Anime nito ay may 51 Episodes plus
Special.
Tapos, ang Manga nito, madaming volume.
Eh, ang counterpart nilang Taiwanese Drama, "Meteor Garden," ay may
19 Episodes. Tama ba ko?
Tapos 9 lang?
Paano kaya tatakbo ang istorya?
Anyway, wala naman kaso sa akin iyon eh.
Basta meron ng Hana Yori Dango.
Hoping magkaroon ako ng copy niyon.
At kinuha pa nila ang isa sa mga paborito kong japanese drama actor,
si Matsumoto Jun (Mula sa group idol na ARASHI,
at gumaganap na SHIN sa GOKUSEN 1.)
bilang ang mayabang na si Domyouji Tsukasa.
Plus si Oguri Shun, na gaganap bilang si Rui (siya si Uchi sa Gokusen)



Kung nagustuhan ko ang Meteor Garden at ang Hana Yori Dango Anime,
mas magugustuhan ko ito. Iba kasi ang JAPANESE VERSION eh.



Friday, November 11, 2005

Ang "kalikutan" ni Sakura ng
Card Captor Sakura?

I loved Card Captor Sakura, very much. Isa ito sa mga "TOP TEN" anime ko.
Aaminin ko, na-hook ako nang ipalabas ito.
Ang alam ko, Sailor Moon Sailor Stars aired in 2000 nang ipalabas ito ng
ABS-CBN 2.,tuwing Sunday naman ng mga hapon.
(Tama ba ko na Sunday ng hapon or Saturday?)
Ah basta, nanonood ako nito, then naging regularly na siya tuwing
Monday To Friday sa ANIME TIME sa hapon ng ABS-CBN 2.
Ilang beses din siyang nag-re run after that.

Sa title pa lang, alam na natin na si Sakura ang bida ng anime.
CARD CAPTOR SAKURA.
Nang mapanood ko uli ang first episode nito sa VCD noong nakaraang Sabado.
Kasi, gustong manood ng niece ko, named Daryl, ng Card Captor Sakura.
So, isinalang niya ang UNANG CD.
Iyong unang episode.
Natuwa ako nang mapanood ko uli iyon.
Kaya lang, naisip ko, ang "ANO BA NAMAN SI SAKURA?Ang likot-likot!!!"
Di ba si Sakura ang me kasalanan kung bakit may huhulihing mga baraha.
Kasalanan ni Sakura at Keroberos.
Bakit si Keroberos.
Unang-una, tinulugan niya ang pagbabantay ng
CLOW BOOK,kung saan naroon ang mga CLOW CARDS.
Ibig sabihin, pabaya siya.
Dahil sa ingay niya, natakot tuloy si Sakura.
Di ba, doon sa basement,nagpunta si Sakura dahil inakala niya na me multo.
So nang makita niya ang nagliliwanag na aklat, iyon na nga ang CLOW BOOK.
Aba, binuksan ito. Binasa niya ang nakalagay sa unahan me pangalan,
"WINDY," ('Yon nga ang Windy Card)
after that. Inilipad ang mga baraha hindi ba.
Pero, naiwan sa kanya ang WINDY card.
OO nga, aksidente ang nangyari kung bakit may Card Captor tuloy.
Ayun, nang nabalitaan ni Syaoran Li, lumipad patungo sa Japan.
Para manghuli din ng mga baraha.
Eh, ang siste, si Keroberos, pinili niya si Sakura bilang CARD CAPTOR.
Kasehodang, kamag-anak pa ni Clow Reed si Li.

O di ba? Simpleng story, pero nabigyan ng CLAMP ng magandang series ang
CARD CAPTOR SAKURA.