Hi Hello How Are You?
Happy New Year!!!
Nakaka-one year na pala ang BLOG KO! Bilis lumipas ng panahon. Maraming nangyari ngayong taon na ito. Maraming masaya at malungkot na pangyayari na dumating sa buhay ko. Alam ko, ang iba ay pagsubok lamang. Mga pagsubok na ibinibigay ni Lord. Hindi naman niya kasi ibibigay iyon kung hindi natin kaya eh. Maraming problemang dumadating. Basta kasama mo si Lord sa lahat ng ginagawa mo, ay kayang-kaya mong gawin ang lahat. Natutuwa pa din ako na binigyan pa din ako ng bagong taon sa buhay kong ito. In my 29 years in earth, Im so very happy. Ano pa ba ang hahanapin mo? Masayang pamilya? Partner sa buhay. yay! Wala ako niyon! tee he he...joke. Basta, there is someone waiting for me. LoLS!
Sa mga bumibisita sa blog ko, isang malaking pagbati sa inyo ng "HAPPY NEW YEAR!" Sa mga hindi ko nadadalaw na blog, bumisita kayo para malaman ninyo. :D Again, goodluck sa darating na new year!
Goodbye 2006! Hello 2007..the year of Kagura Sohma!
Sunday, December 31, 2006
Zero To Countdown
Until here, Rei Kyo at 6:21 PM 0 comments
Labels: Fruits Basket, Kapamilya, Lord
Wednesday, December 27, 2006
Teka Lang, Ano Ba Iyon?
Until here, Rei Kyo at 1:04 AM 1 comments
Labels: Death Note, Lupin, Maging Sino Ka Man, Prince Of Tennis, Rounin, Sailor Moon, Super Twins
Sunday, December 24, 2006
Regalo Ko Sa Inyo Ngayong Pasko...
Hi!
Hello!
Musta na kayong lahat, guys and gals. I know, kakaunti lang ang nagbabasa ng mga blog entry ko. Iyong iba naman kasi, hindi na kailangan pang basahin. Mababaw man ang nakasulat sa aking blog, galing naman ito sa aking puso...naks! Paki-explain mo nga po..te eh eh he he! Ganito iyon, okey, alam ko, di naman ako eksaherado (maybe para sa ibang nakabasa..sobrang exsaherado ako or O.A. or D.O.A. (meaning Duper Over Acting ba daw?)...kasi, kung ano iyong naiisip ko, iyon ang naisusulat. Don't care kung ano man ang sabihin ko... as if me pakialam ang iba. Basta iyong ayaw ko ay ayaw ko! LOLS! Ano ba iyon? Actually, hindi naman para sa mga taong intelihente ang mga blog entry ko na kailangan pang bigyan ng mga malalalim na comments....hindi naman kasi pinag-aawayan dine kung sino ang mas maganda...kung si Anne Curtis ba o si Bea Alonzo. Hello, 'yong mga entry na nababasa dito, alam ko mas naiintindihan pa ng mga jologs or ng mga conio...or maybe iyong iba...super sossy, super duper high class (kung me naligaw man) Basta ang importante kasi sa blog, napapabasa mo sa iba ang gusto mong sabihin sa kanila.
So, gusto kong magpasalamat sa mga taong dumadaan sa aking mga blog. Kahit apakan pa....tee he he....ito ang listahan nila....
*Chester
*Nagi
*Jamibu
*Deng
*Julyan aka Litus
*Buena
*Paeng
*Jonell Estilliore aka Paurong
*Yuki
*Arianne
*Fiel
*Sassy Girl
*Potpot
*Glena
*ian aka sapphirewater
*Ain
*Wakaujisb
*MRJORIE
*Johto
*Mikmik
*Wylz
*Ton
*Aya
*Ethan
*Christoper
*Blogtimizer
*Chris Eriz
*Kaizen
*Potato Maniac aka Cezar
*Aljohn
*AnimeMP3Hunter
*Joy aka Ligayaharuka
*Jenny
*CATHE
*Team Banzai
*Ryoma Days of ABS CBN ANIME FORUMS
*Richard
*Muunraito
*Talksmart
*Rannie
*Angelo Crisolo (one of the dubber from my favorite anime in tagalized, Hikaru No Go)
*Tomoe
*Shobe
*Ulan
At sa iba pa na bagamat hindi nagpakilala ay taos puso naman na bumisita, nakibahagi sa aking blolg. THANK YOU SA INYONG LAHAT. Hangad ko ang walang hanggang kaligayahan na namamayani sa inyong puso. At ngayong kapaskuhan, Maligayang Pasko sa Inyong Lahat!!!!
At bago man ako mag-out dito. ...oo nga pala...meron na akong DVD Japanese Audio with English Subtitle na "CLAMP DETECTIVE SCHOOL." Three disc iyon. At iyong sirang disc na "Death Note" Live Action Movie, pinalitan ko na lang na "SAIKANO LIVE" dahil walang available that time. OH MY GOD!!!! Dami-daming ANIME ngayon na nagsusulputan at lahat gusto ko. Wahhhh, gusto ko iyong TOKYO MEW MEW...kaya lang 8 Disc eh...wahh..kainis!
Talking about "Princess Hours," aww..di ko gusto iyong voice dubber nung bidang babae..si Janelle (ba iyon?) At oo nga pala, promising iyong "SANA MAULIT MULI," maganda ang story. Kaya lang bakit si Gerald Anderson at Kim Chui? Tee he he he....this coming year, papanoorin ko iyong Rounin, Lastikman at Flor De Luna. (Sabihin bang maka-Kapamilya...)
And speaking about my father, medyo maayos-ayos na siya. Konting-konti na lang, natutuwid na iyong pagsasalita...naiintindihan na nga kapag mabagal siyang mag-deliver ng salita. Thanks talaga ng marami sa Panginoon. Happy Birthday Lord Jesus.
Uu nga pala, unti-unti naming bibilhin iyong limang robot ng Magiranger...ang meron pa lang kami iyong si Magiphoenix at Magifairy. Ganda kasi ng "MAGIRANGER" isa sa mga favorite Super Sentai ko bukod sa ABARANGER, GAORANGER, at Dekaranger.
Until now, wala pa ding "Prince Of Tennis LIVE ACTION MOVIE"
Siempre bago ako umalis, Merry Christmas To ALL OF YOU!
Nood kayo ng mga pelikulang Zsa Zsa Zaturnah, Shake Rattle and Roll 8 at Enteng Kabisote. (Mag-plug ba daw!)
Sayonara!!! Paalam!!! Balik ako next time!
Until here, Rei Kyo at 7:50 PM 1 comments
Labels: Zha Zsa Zaturnah
Sunday, December 17, 2006
Remember December
Remember December.....ano ba ang mahihiling ngayong pagsapit ng kapaskuhan. Three wishes lang naman ang hiling ko eh. At ang three wishes na iyon.....SECRET! Basta, nandoon na ang lahat ng iyon. Sana kahit isa man lang ay matupad, tee he he eh! Ay oo nga pala, tagal ko na din na hindi nakakabili ng mga ANIME DISC. So far, nakabili pala ako ng Zenki (last Month pa~) tapos iyong "Pokemon: Quest Master," ang cute talaga ni Pikachu koh! Tee he he...so far, nakakuha din ako ng DEATH NOTE THE SERIES. Kahawig ni Light si Hikaru Shindou....Bumili din ako ng Flame Of Recca..(sira kasi ang ilang episodes ng VCD ko nito...so far, bumili ako ng DVD. Kainis iyong LIVE ACTION MOVIE ng DEATH NOTE...sira kasi eh. Iyong Bleach, nasa Episode 102 pa din ako...wala pang latest na lumalabas kasi sa binibilhan ko. Yung sa NARUTO, na-stock na ako sa episode 190.....di pa din ako makabili ng new episodes dahil laging OUT OF STOCK! KAinis! Three Disc iyong SECOND SEASON ng Tsubasa Chronicles..maybe sa susunod na lang. Ang kainis nga pala....yung SAILOR MOON S na nakita ko...english version kasi...eh ayaw ko pa naman ng translation at mga voice dubber noon...mas trip ko ang TAGALOG at ang original japanese version ng SAILOR MOON. Try ko talagang makakuha ng PERPECT COLLECTION ng series na iyon.
Daming palabas sa QTV 11 na mga anime...iyong TACTICS, Hikaru No Go at ang tagalized Vision of Escaflowne na unang naipalabas sa GMA 7. Ganda din ng dubbing nila..nagustuhan ko. Naiinis lang talaga ako sa CARD CAPTOR SAKURA na ipinapalabas sa GMA 7, laging daming cut na scenes...buti pa ang ONE PIECE, mas mahaba-haba ang exposure sa tube!
Medyo magaling galing na si Tatay, kasi halos naigagalaw na niya ang kanang kamay niya..tapos medyo dumidiretso na ang salita niya. Sana sa pagdating ng kapaskuhan, maging ayos na si Itay.
Tungkol sa PINOY DREAM ACADEMY...walang duda na nanalo si YENG CONSTANTINO. Pero hindi ko inaasahan na maookupa ni JAY-are ang First Runner Up! I'm not against JAY-Are, PERO HINDI KO SIYA GUSTONG MAG-PERFORM DAHIL PARANG LAGING KINAKAIN ANG MGA LYRICS NG KANTA. Isa pa, ginagaya niya ang style ng performance ni Bamboo . Pareho sila ni Emman, walang originality. Bamboo na Bamboo kasi sila mag-perform eh. Sorry sa mga maka-Jay Are na makakabasa nito. Pero di ko talaga gusto ang style niya. Please baguhin naman niya para naman lumabas ang pagiging rocker niya no!
Wish ko lang, maipalabas na ang PRETTY GUARDIAN SAILOR MOON!
CIAO!
Until here, Rei Kyo at 1:26 AM 1 comments
Labels: Death Note, DVD, Naruto, PGSM, Pinoy Dream Academy, Sailor Moon
Sunday, December 10, 2006
Sari-saring Emosyon
Sari-saring emosyon. Nalulungkot ako ngayon! Ayaw ko kasi ang nangyayari sa pamilya ko ngayon. Noong nakaraang linggo, nakipag-ayos na ang kapatid ko sa pinsan ng nanay ko sa Baranggay hinggil nga sa panunutok ng patalim. Sabi kasi ng tatay at nanay ko, huwag na naming idaan pa sa korte dahil baka lalo lang daw magkagulo ang dalawang partido. Baka raw mauwi sa malubhang alitan. Siguro, dahil magpapa-Pasko, ayaw nila ng may kaaway. Sa akin, medyo mabigat sa loob ko kasi "buhay," ang nakataya doon! At ano na lang ang iisipin ng kabilang partido, na madali kaming sumuko sa laban. Gayong sa unang kaso nila na inireklamo kami na buong pamilya, (ako, si ate, si nanay at si tatay) ay hindi nakipagsundo ang luka-lukang asawa ng pinsan ng nanay ko sa reklamo na "AWAY NG BATA NA NAUWI SA AWAY NG MATANDA," Eh, hello, sa reklamo pa lang nila, mali na eh. Sinong bata ba ang nakipag-away? Hello, sa apat na inireklamo niya eh, ako ang pinakabata sa lahat. Susme, I'm 29 years old! Wait, 28 ba? Lols, tumatanda na talaga ako. Anyway, young at heart pa din naman ako eh. So far, wala akong pakialam sa pamilyang iyon. They don't exist sa mundo namin.
Second, ang nakakainis na nangyari! Umagang-umaga, nagkakagulo ang lahat sa bahay. Bakit? Ang itay ko, hindi daw makapagsalita ng tuwid at medyo hindi maigalaw ang kanang kamay. OH MY GOD! NAG-AALALA talaga ako. Kahit hindi ko man maipakita sa kanila.(Hindi kasi ako umiyak!) Ayaw kong makitang panghinaan ako. Naiyak ang kapatid kong lalaki. Dahil alam kong mahal na mahal niya ang itay at ang inay. Naiyak si tatay. Para ngang nais ma-depress eh. Pero ang payo nga ni nanay at ng mga kapatid ko. Huwag siyang umiyak at ma-depress. Dahil baka lamunin siya ng depression na baka ikapahamak niya. OH MY!!! Magbi-birthday pa naman siya this coming week. Dasal ko lang sa Panginoong Diyos, pagalingin niya ang tatay ko. Nalaman nila sa doktor na nagkaroon ng "mild stroke," ang tatay ko. Pero, naniniwala ako sa Panginoon, na gagabayan niya ang tatay ko at ang pamilya ko.
Talking about Pinoy Dream Academy. Di ko gusto ang naging resulta. Ayaw ko na makasama si Panky at Jay-r sa Headmaster List of Six. Medyo naiinis ako. Talagang umiyak si Rosita nang gabing iyon. Oh, ayaw ko talaga kina Jay-r and Panky. Mainis na sa akin ang lahat ng fans nila basta ayaw ko sa dalawang iyon. Don't care cause I care!
Lord, patnubayan mo kaming pamilya. Thank you! .
Until here, Rei Kyo at 12:36 AM 0 comments
Labels: Lord, Pinoy Dream Academy