Tuesday, June 20, 2006

Itadakimasu!!!

Hummm..me kinalaman ba ang title sa nangyari nitong mga nakaraang araw...ewan!

Okey, nitong Saturday, mag-co-cosplay uli ang pamangkin ko bilang si Sailor Chibi Moon from the anime series...Sailor Moon S. Halos, mga tanghali na kami nakarating doon dahil nalilito ako sa dami ng mga dadalhin. So far, naroon na si Ate Corazon..nakabili na din siya ng ticket. And would you believe...naubusan ng ticket....kung kaya, nagpakuha pa uli ng mga bago. Nasa 1000 plus na ang number ng nakuha naming ticket. Pumasok muna kami sa loob ng Mega Trade Hall bago binihisan si Daryl.

Uy, mukhang mas maganda ang ID ng HERO TV Membership Card ah. Parang gusto kong magpakuha uli..tee he he..again, si Daryl, ipina-member ko uli. Woahhh. Daming tao sa convention. It's so nice to see again some friends on line. Astig ni Windracer...nag-cosplay ng Gundam Seed Character...also, nakita ko ang mga taga-ABS CBN forums user...naroon sila sa booth ng kaibigan ni Windracer...yung tungkol sa "TAROT READINGS," ang nakita ko lang sa first day convention ay si Mikan, Tetsu, Moonlight Bomber, Kira Yamato, and Windracer. And also, na meet ko uli yung ibang kilala ko sa FILCOSPLAY... sa wakas naroon sina Usagi, Dukesa, Jillian (Dukesa's Cousin...si Senshi na mag se-Sailor Venus PGSM, at si Ligayaharuka. Ganda ng mga costumes nila ah...im so happy na isang Sailor Senshi ang nanalo sa CHIBI AWARD..yun nga si Jillian...tee he he... sa catwalk ni Daryl, ako ang sumama sa kanya sa stage para alalayan siya....(mang-agaw ba ng eksena....) tee he he...madami kaming CDs na nabili...sayang...20 CDS iyong Ranma 1/2, at wala akong ganoong halaga ng pera para bumili... maybe me next time naman eh...pag-ipunan na lang....ginabi na kami ng uwi. Sobrang napagod kaming magkapatid...nananakit nga ang braso ko eh. Bigat ba naman ni Daryl eh. Nakatulog kasi habang buhat ko.

In the next convention, (bale second day na!) So nakabili ako ng anime na "The Little Mermaid..." iyong mas malapit sa story ni Hans Christian Anderson...nakakaiyak ito ng napanood ko. Kainis...bakit ganoon. Talagang napaluha ako ah. Naging bula si Marina....wahhhh kaiyak.

Regarding about sa cosplaying ng filipino character like "Tristan," ng Panday or "Flavio," ng Panday...sa pagkakaalam ko dapat me special category ang mga Filipino Characters...kaya lang mukhang hindi natuloy..kung kaya siguro isinama na sila sa Live Action Cosplay Competition...(kasi dapat sana...kung hindi naging atrasado...isasali din namin si Daryl sa Filipino Characters Cosplay as CHIBI DARNA...*-*)

Sa pagkakapanalo ng group cosplay...mas nagustuhan ko ang MKR Groups...dahil almost all of the characters out there...astig si Mokona....maganda ang mga costumes nila...napapansin ko lang lagi sa ngayon sa pag-attend ng mga convention...ang laging nananalo ay yung medyo ang design ay may mga pakpak na malalaki at black attire...just like nga ng nanalo nung saturday na best male ay yung character ni Dracula from Castevania...then nanalo naman ng best female ay iyong ccharacter ng Guilty Gear..kung di ako nagkakamali, si Mai....at ang Chibi Award naman ay napunta ke Jillian, gumanap na Sailor Luna....

Saturday, June 17, 2006

Yayyy!


Yayyy!!!~

Sa wakas, natapos na namin ng Mother ko ang costume ni Daryl para sa Card Captor Sakura. After a long long debate kung ano nga bang costume ang gagawin. So far, (lagi na lang me so far...) ang isa sa madaling costume ni Sakura ang ginawa ko. Gumamit din ako ng Venus Dye (dyobus?-teka, ano ba ang tamang tawag doon?---) para doon sa kanyang gloves. Basta, maganda naman ang kinalabasan ng costume. Iyong kanyang Magical Sealing Wand, until now...hindi pa din magawa pero hoping sa Sunday, ayos na siya.

Ay! Oo nga pala, Toy Con na mamaya sa Mega Mall. Kami muna ni Daryl ang mauunang pupunta. Si Ate Corazon naman ay susunod na lang dahil mayroong work. Hoping, hindi magkaroon ng tantrums si Daryl. Sa naturang event, makikita ko din ang ibang ABS CBN Anime Forums User..specially Windracer na merong booth sila...at ang kanyang GSD Cosplay Group, tapos me fanfilm contest pieces pa siya. Sino sino kaya ang mga darating?

Speaking of anime, palabas na mamaya din alas siyete ng umaga sa GMA 7 ang anime na Peach Girl. Kainis.....ang aga..hoping, maganda ang dubbing nito....

And nagpunta ako sa blog ni Nagi . I got her "THANK YOU," messages...and I guess, can I say, "Walang anuman..." tee he he he..

Thursday, June 15, 2006

Pagbabalik!!!




As of now, maraming bumabalik ngayon! Pagbabalik ni ganito! pagbabalik ni ganyan. So far, kagabi, bumili kami ng black leather shoes ni Daryl. Eh halos walang available na size sa kanya na mga sapatos. Meron kaming nagustuhan na Garfield ang signature pero wala ng size na para sa kanya. Meron ngang "Hello Kitty," wala naman na maganda ang design. Even, the Disney Princess...wala din magandang design. Meron, Minnie Mouse, walang kasya.So napunta kami sa fisher-price. Mula sa pusa...naging isda!

Speaking of Cat...nagbabalik na ang paboritong pusa sa buong mundo...si Garfield. As usual nnaroon si Jeniffer Love Hewitt (bida ng Ghost Whisperer na napapanood sa Studio 23) bilang Liz. Nalimutan ko kung sino ang nagbigay buhay sa character ni John, ang may-ari kay Garfield. Pero di ko naman kinalimutan kung sino ang voice actor niya, si Bill Murray. Tee he he. So far, aliw ako sa movies. Di pa din nawawala ang kakulitan ni Garfield. Nakakatuwa siya. I wish na magkaroon ako ng pusang katulad niya.

Regarding about "returning," muling nagbalik ang X-Men sa X-Men 3: THE LAST STAND, THE OMEN (Remake) na pinangungunahan ni Julia Stiles. Ganda pa din niya. Siempre, ang Super Man Returns na pinagbibidahan ni Kevin Spacey bilang Lex Luthor and Brandon Routh as Super Man.

At nakita ko ang poster ng The Fast And The Furious 3: Tokyo Drift. OH MY GOD! Naroon ang picture ni Keiko Kitagawa (gumanap na Sailor Mars sa PGSM) Ganda niya talaga! Nagustuhan ko si Keiko sa kanyang pagganap bilang Sailor Senshi. She is so beautiful kung alam mo lang. Bagay na bagay sa kanya ang papel na Rei Hino. At sa movie pala niya, her name is Reiko. Teka lang, dagdag lang kaya ang picture niya na nakita kong poster doon sa SM MEGAMALL? Para kaya sa promo for asian countries. Kasi doon sa original poster na nakikita ko sa official site ng movie eh, wala siyang picture.

Wednesday, June 14, 2006

What's Wrong With GMA 7?

Ang No.1 Station daw!
Ang pinakamagaling na channel daw...ang nabibigay ng mga palabas na de kuwalidad. Ang mga Kapuso na may puso daw...pero ano itong ginagawa ng GMA 7? Pati ang Eat Bulaga na hawak ng TAPE INC. nagiging "Kapuso," ang ugali...dahil kaya iyon ke Joey De Leon?

So far, dati-dati, nanonood ako talaga ng mga shows ng GMA 7 pero nang malaman ko ang malaki nilang paninira sa katapat na station, maging ang mga nagwo-work doon na artist...nadismaya ako....number one daw sila....number one sa kayabangan....

Ito ah...malayang nakakapag-promote sina Bong Revilla at Inah Revilla ng pelikula nilang "Kapag Tumibok Ang Puso," sa ABS CBN 2. Todo-suporta ang ginagawa ng channel 2...sa trailer pa lang...talagang ipinapakita ang mga artista both ABS CBN and GMA na involved sa movie...pero ano itong nakikita ko kapag nadadaanan ko ang channel 7? Ni wala man lang mga artista ng channel 2 sa kanilang trailer nito...at isa pa...me portion pala ang "Eat Bulaga," ng "Kapag Tumibok Ang Puso," acting ng mga contestant....abah...ang ini-ere na version ng song ay ang original song ni Donna Cruz at hindi ang version ni Toni Gonzaga na siyang ginagamit sa pelikula. What wrong witg GMA Seven? Malaki ang sayad sa ulo ng kung sino man ang may responsibilidad dito....

Monday, June 12, 2006

Bad Hair!

Bad Hair!!!

Why naman bad hair? It's all about Daryl's Hair. Tee he he he! Ganito kasi iyon. Last two week kasi, kinuha si Daryl at Jhudelyn ng kanilang Mama Wheng. Para magbakasyon ng ilang araw dahil nga ilang days na lang ay pasukan na nila dito sa Pasig Bliss Development Child Center. Magki-kinder One si Daryl while Jhudelyn (her younger sister na me kambal, si Jheremy)ay sa nursery naman!

After a few days pala, nalaman na lamang namin na wala na sila sa Polo Valenzuela. Lalo silang lumayo! Nasa Meycauwayan Bulacan na sila nakatira. OMG!!!

Kahapon nga ng Saturday nga, sinundo sila ng Father ko mula sa bahay nila sa Bulacan. Taga-Bayugbo daw sila..(OH, i am not sure kung iyon nga ang tawag sa nayon nila ...liblib na nayon ang tawag namin ni Mother dahil nga, nirarasyon ang tubig, at bagong installation lang ang kuryente. Sana naman maging maayos ang mga bata doon.

Nang makita ko si Daryl. Nawindang ako sa nakita. Bad hair. Ginupitan ang kanyang buhok. Akala ko nga ang Mama niya ang naggupit sa kanya. Pati pala si Jhudelyn, ay naku. Pag nakita mo..nawala ang mga bangs nila. Mas malala ang nangyari kay Daryl. Halos talagang walang bangs. Kainis...paano siya mag-sa-Sakura Kinomoto niyan sa Toy Con kung ganoon ang buhok. Ay naku! Kailangang ayusin iyon. Buti na nga lang, me sumbrero ang kanyang gagamitin na costume. Hoping na matakpan iyon!

Saturday, June 10, 2006

My Girl, Peach Girl, Let's Go, PBB: Teen Edition, Captain Barbell ATBP.....

Tagal na din akong hindi nagpo-post sa blog ko. Wala lang! wala lang akong maisip nitong mga nakaraang araw. Saka busy ako sa mga ilang gawain. Ano nga ba ang isusulat ko? Well, wala lang. Kung ano-anong mga bagay na lumilitaw sa aking isip. Iyon lang naman ang isinusulat ko eh. Mga kuwentong tila walang kuwenta para sa iba pero malaking bahagi sa buhay ko. Doon ako masaya eh!!!

My Girl - ang bagong "koreanovela," na nagustuhan ko after ng "Snow White: Taste Sweet Love. OO! Hindi ang "Lovers In Paris," ang unang korenovelang nagustuhan ko kundi ang Snow White...aliw kasi ako doon eh. I like the story na magkapatid na mayroong damdamin sa isang babae. At kung sino ang pipiliin niya. Well, manood ka na lang nito sa DVD or VCD kung mayroon kang makukuhaan. Pero tunay na naaliw ako. Ay teka lang, nawala na tayo sa pinag-uusapan. OO nga pala, tungkol sa "My Girl," nang una itong ipinatalastas sa ABS CBN 2...medyo naaliw na ako. Magaganda at guwapo ang mga bida. Bida dito si Lee Dai He at Lee Dong Wook. Sila si Joo You Rin at Gon Chang Seol. Sa Pilipinas, sila si Jasmine at Julian. Sa kuwento, kinailangang magpanggap nila Julian at Jasmine na magpinsan. Dahil hinahanap ni Chairman (lolo ni Julian) ang kanyang nawawalang apo...iyon na nga si Jasmine daw. And so on...na-fall in love si Jasmine kay Julian. Nakakakilig ang bawat eksena nito kung kaya wala pang tatlong araw ko itong napapanood ay nagustuhan na ito ng sister ko. Kung kaya naghanap ako ng DVD nito na me magandang subtitles. And would you believe, nag-marathon kami sa panonood nito. Nabili ko ito ng "friday," at "saturday" na ng madaling araw namin natapos. Mga 3:00 A.M na namin ito natapos. Sayang nga lang at walang english subtrtles ang "Special Features," nito. At ang nakakatuwa pa sa last episodes nito, mayroong koreanovela na nag-guest dito. Sino? Aba, panoorin ninyo na lang..tee he he he!

Peach Girl - Anime. Kuwento ng "love triangle," na kinasasangkutan ni Momo, (siya ang Peach Girl) Touji at Kairi. Dagdagan pa ng mga interesting character na tulad ni Sae, ang dakilang kontrabida sa buhay ni Momo. Si Misao-chan, ang may mahalagang papel sa buhay ni Kairi. Si Ryo, opposite ni Sae na kapatid ni Kairi. Ay naku, maaaliw at mai-in love ka sa kuwento nila. Kung sino ang tunay na mahal ni Momo. Tuiklasin mo!!! Basta, I love this anime series. Thanks, dahil after a long wait..nagkaroon na ng anime itong Peach Girl, na unang nasilayan bilang manga.

Let's GO! - Isang bagong teen comedy sitcom. After na magpalabas ang ABS CBN 2 ng mga sitcom na umiikot sa barkada (alala mo pa ba ang "Tabing Ilog," "Gimik," at "G-Mik.") Kumpara sa mga naunang teen sitcom ng ABS CBN 2, ito ang isa sa mga comedy nila. Kaaliw din ito. Bukod sa nakakatuwa ang bawat episodes nito...aliw din sila dahil mga bagong mukha ang naroon plus mga datihan ng artista...tulad nga ni Janelle Quintana at Mikel Campos. Kung gusto mong tumawa, o maaliw, manood ka nito bago ang "Little Big Stars."

PBB: Teen Edition - Nagustuhan ko ang PBB: Teen Edition kahit minsan lang ako makapanood nito. Naaliw ako sa ibang kabataan. Bagamat wala akong "inis, " o hinanakit sa nanalo nito na si Kim Chuie (whatever her surname....di ko alam ang spell nito...) ayoko lang na ikinukumpara siya ng ibang tao at press media people kay Sandara Park. Dahil magkaiba sila ng level. I loved Sandara Park. Wish ko lang, huwag sanang matulad siya kay "Hero Angeles," na inalis ng ABS CBN 2. Alam kong mainit ang pangalan ni Kim C. dahil "siya" ang "IN," sa telebisyon..dagdagan mo pa ang isang chinese song na hinaluan ng tagalog lyric na naging paboritong kantahin din ng ilang tao...so please...don't Sandara down!

Captain Barbell - maikli lang ang sasabihin ko. Na-curios ako kung ano ba itong bagong fantaseryeng inihahandog daw ng Kapuso. Pero nang mapanood ko ang unang storya...nasabi kong.."copycat ng "SMALLVILLE," Para tuloy naririnig ko ang sinabi ni Lavinia kay Dorina, na..."U can't make it.You're nothing but a second rate trying hard copycat!" mula sa pelikulang "Bituing Walang Ningning" ni Sharon Cuneta at Cherie Gil. At ngayon ay isa nang matagumpay na sineserye sa telebisyon...na pinangungunahan ni Sarah Geronimo, Angelika Dela Cruz at Zsa Zsa Padilla.

Aliw din ako sa "KOMIKS!" dahil laki akong komiks....so far...mahal ko ang mundong ito. Pinahahalagahan ko ang bawat nilalang! I love you!!! Ganyan ako...maging isang kapamilya!!!

Friday, June 02, 2006

Billy Gilman, My Idol

He is Billy Gilman, country singer from United States Of America. Nang una kong makita ang video niyang "Oklahoma," sa MTV Asia, kinagiliwan ko na siya. Naging instant fan ako ng batang ito.Uso pa ang cassette tape noon sa akin, so far binili ko iyong "ONE VOICE," album niya. Then, naghanap ako ng second album niya, then, bumili ako ng second album niya, yung CD na! Tee he he..buti na lang me nakita ako sa Quiapo noon. Kaya lang, naiinis ako sa Sony Philippines dahil hindi na nilabas iyong next album niya. And right now, sa YOU TUBE ko na lang siya nakikita...but I am his fan pa din.Di ko alam kung anong age na niya yata!






Laki na niya no?