Wahhhh! Kakainggit naman ang mga cosplayers... merong CUTE..merong HATAW...merong kakatuwa...
Me? Me balak akong mag-cosplay hanggang hindi ako umaabot sa edad na....." "
Tee he he he!
Balak ko ay mag-Seiya ng Sailor Moon Sailor Stars or Artemis, human form.
Ganito ang balak kong gayahin. Tulad ng imahe na nasa itaas...si Artemis...
Picture courtesy of Cosplay.com
Tuesday, March 28, 2006
Kung mag-co-cosplay Ako....
Until here, Rei Kyo at 4:05 AM 0 comments
Labels: Cosplay, Sailor Moon
Sunday, March 19, 2006
Anime ConventionAgain
Yay! Gomenasaiiii~! Kung ngayon lang uli ako naka-pag-post....sa tutuo lang, napagod ako ngayon eh...:D
Well, kahapon, naging matagumpay naman ang nakaraang Pinoy A*ko sa PUP (anime convention), maraming nagpunta, plus 115 Cosplayers...maraming bagong mukha...tulad ng Rozen Maiden (isa din sa nagustuhan kong anime...) Cool na merong mga nag-cosplay ng King OF Fighters...sayang wala ang paborito kong si Sie Kensou, pero naroon si Athena (i guess yung costume niya iyon yung KING OF FIGHTERS 2004 ^-*) Hindi ako nagkamali na nanalo ang mga inaasahan kong CHI From Chobits at Sanosuke ng Rurounin Kenshin....naroon din ang mga paborito kong cosplayers, yung grupo ni Naruto (I guess Marlon ang name niya..), mula sa pagiging Sakura ng Tsubasa Chronicles, isa ng doll siya ngayon...si Shinku ng Rozen Maiden. Grabe, umulan ng mga cosplayer ang naturang events. Nagbunyi ang mga Yuri at yaoi fanatic...
Hayyy, wish ko lang, ipalabas sana sa HERO TV ang Gravitation...;)
Again, nag-chibi Sailor Jupiter naman ang pamangkin kong si Daryl...at muli, nahiya na naman siyang rumampa sa stage...that's okey...unti-unti, hindi na iyon mahihiya sa crowd. You know, nung last-last saturday, maluwag ang costume niya na iyon, pero nang suutin niya nitong saturday, medyo sumikip...hindi ko alam kung tumaba ba siya o lumaki (tumaas, i mean...)
Again, nag-iisip muli kami para sa susunod na anime convention...baka, hindi muna namin ituloy iyong three inner senshi na balak namin na i-cosplay niya, (Sailor Mercury, Sailor Moon, and Sailor Chibi Moon) baka si Princess Medallion naman siya ng Akazukin Cha Cha.
Kanina pala, nagpunta me ng Quiapo. Just to make sure na bukas na nga ang NWA.At true nga na bukas siya.Wahhh,dami ng bago. Kainis!!! Pero binili ko na din ang ALICE GAKUEN. Kainisss! 12 Episodes lang..bitin!!! Pero, hoping magkakaroon din uli ang NWA~~~
Thanks to FART of Filcosplay para sa image ni Daryl.
Until here, Rei Kyo at 11:21 PM 0 comments
Labels: Anime Convention, Cosplay
Wednesday, March 15, 2006
happy birthday Ms. Naoko Takeuchi-sama and Shibby!!!
Happy happy birthday sa dalawang Idol ko mula sa Japan....:D
Shibby (Tuxedo Mask in Pretty Guardian Sailor Moon) and Princess Naoko-sama (in the pic, wedding of ms.naoko with her husbad, Toshiro, creator of Yu Yu Hakusho respectively!), happy birthday!!!
Until here, Rei Kyo at 6:45 PM 0 comments
Labels: Naoko Takeuchi, Sailor Moon, Shibby, Yuyu Hakusho
Saturday, March 11, 2006
bakit kaya ganon?
Naitanong ko na ito dati eh.
Tatanungin ko uli ang sarili ko.
Bakit kaya ganon?
Kapag ang isa sa inyong KAPAMILYA ay nawala. Ang iyong mga kamag-anak, malapit man o malayo, second or third degree ay dumarating. Nakikilala mo sila sa araw ng lamay ng namatay na kaanak. Sa kabila ng pagkawala ng isang mahal sa buhay, nagawa pa din na pagbuklurin ang isang PAMILYA.
Ngayon, muling nagkita-kita ang magkakapamilya. Iisang pamilya na ipagmamalaki mo kahit minsan ay may mahirap na pinagdaanan, pero sa kabila ng lahat..iisa pa din kayo. Nagmamahalan sa isa't isa. Merong nangawala, merong nadagdagan....(mga apo na isinilang...)
Isang pamilya! Isang lahi...sa gitna man ng mapangit na pinagdaanan, nariyan sila...ang tunay na kapamilya...sa tunay na kahulugan ng pamilya...
Masaya pala ang "FAMILY TREE," namin....ngayon ko lang naisip...:D
Until here, Rei Kyo at 4:10 AM 0 comments
Labels: Kapamilya
Friday, March 10, 2006
Is she an angel? THE ONE WHO GAVE "SHIBUE JYOJIE LAY-OUT" to me!
Is she an angel?
Last week, i saw this beautiful lay-out in internet. A Shibue Jyoji lay-out with a red rose in a background. (I'M A BIG FAN of Shibby (tawag nila sa kanya, kaya makikitawag na din ako ^-*), since the first time I saw him in my Pretty Guardian Sailor Moon VCD last year. So, nag-e-mail ako kaagad doon sa may-ari ng lay-out na iyon upang ipagpaalam na gamitin ko ang lay-out na iyon. Gustong-gusto ko kasing gawing lay-out iyon sa blog na ito. So far, kapag nagamit ko iyon dito....never na akong magpapalit ng lay-out. OO! Tutuong-tutuo, mamatay man ako. :D
After two days, nakatanggap ako ng e-mail sa may-ari at sinabi niyang, i can use her lay-out. So she gave me the files. Tuwang-tuwa ako nang matanggap ko iyon. At least, binigyan niya me ng permission na magamit ko iyon. Unfortunately, sa ilang beses na trial and error na ginawa ko. WALANG TUMAMA!!!.GOD! I can't help it, but I LOVED THE LAY-OUT VERY MUCH! Ilang gabi na akong pinupuyat ng pag-sasaayos ng lay-out na iyon sa aking blog pero walang nangyayari. So I asked her again kung maaari akong magpaturo sa kanya. AND GUESS WHAT? Pumayag siya na tulungan ako. And right now, i am just hoping na matulungan niya ako. Talagang papasalamatan ko ang PITONG SANTO na kilala ko once na mangyari iyon. ^-^
Until here, Rei Kyo at 4:37 AM 0 comments
Labels: Shibue Jyoji, Tuxedo Mask
Wednesday, March 08, 2006
Just Like A Butterfly flew away!!!
"just like a butterfly..you flew away...left our heart with a sadness and happiness...."
*Sobbb*...sniff.....I don't know if i can manage my self now.
Last midnight, after kong mag-internat. I was schocked when I saw some of my family and relatives are beside on the street. Nanglamig ako nang mabalitaan ko. Patay na ang "Lola". Ang mahal naming si Lola Intang, wala na siya. Namatay daw siya ng mga 2:00 A.M. Hudyat na pala iyon nang pagpapaalam niya kung kaya't lahat pala ng mga anak niya ay hinahanap niya. Wala sa hinagap o sa aking isip na ngayong taon ay mamamaalam na siya. Alam kong nahhihirapan na siya bunga ng katandaan at sakit niyang diabetes. Pero, hindi ko inisip na ngayong taon na siya ay mawawala. Iniisip ko pa nga na baka sa susunod na taon kung siya'y pananatilihin pa dito.
Kahit na ba, hindi kami naging malapit sa aming lola. Siya ang pinakakamahal naming lola. Siya ang nagisnan naming lola.( Hindi ko na kasi nakita pa ang lola at lolo ko sa aking father side.) She is alway my loving lola, kahit sa kabila ng mayroon siyang munting pagkukulang sa iba niyang anak. (Ohhh, ma-drama ang buhay namin! ^-*) So far, hindi na kailangang ungkatin pa dito.
"WE LOVE YOU, LOLA INTANG!
Alam naming kapiling ka ng Maykapal. Mabuhay ka sa kanyang piling!!!
Mananatili ka sa aming mga puso!
We miss you all!!!
Until here, Rei Kyo at 9:00 PM 5 comments
Labels: Kapamilya, Lola Intang
Tuesday, March 07, 2006
Mondays always get me happy!
Yay! Whooah! It's monday again. Siempre, maraming bago kapag "MONDAY," di ba? Lalo na sa mundo ng television.
Anyway, high way, pinalitan na pala iyong "Pinoy Big Brother: Celebrity Edition Challenge" ng "Mga Tagumpay at Pangarap: Mga Kuwento Sa Likod Ng Wowowee."
Siempre, ang kinaaabangan kong "SNOW WHITE: Sweet Love." Grabeh, ang cute ni Kim jung hwa as Ma Young Hee (tagalog name niya ay "Nikki." Mas cute si Lee Wan as Han Sun Woo (he is Steven) and Yun Jung Hoon as Han Jin Woo (si Kuya Robin) Nagkita na sila Nikki at Steven. Kinikilig na ko habang pinapanood ko...tee he he!
Siyempre ang pagbabalik ni Zenki. The Redubbed Version...na-miss ko tuloy ang "Kuko ni Diva." Tee he he...at ang Philippine's TV Premiere ng SAIYUKI. Well, maganda naman ang translations at dubbing...pero hindi ko trip ang mga voice dubbers. Parang hindi bagay kasi iyong nagboses kay Son Goku. Nakukulangan ako. Pero, ayos naman dahil isa yata ito sa TOP TEN ANIME in my list.
So far, i enjoyed a lot naman eh..,.then muli kong binalikan ang paggawa ng sailor senshi costume. Hayyy, malapit nang matapos!!!
Thanks GOD! I love you!!!!
Until here, Rei Kyo at 2:11 AM 0 comments
Labels: Pinoy Big Brother, Zenki
Monday, March 06, 2006
Original Darna Actress: FOR NEVER FOREVER!
OH MY GOD! Kung hindi ko pa bibisitahin ang official site ng DARNA, hindi ko pa malalaman na nawala na pala ang original na gumanap ng DARNA sa pelikula. Medyo naninibago ako. Kahit hindi ko pa napapanood ang original na DARNA Movie. Para sa akin, isa itong magandang pelikula. Nakakalungkot na ang isang artista na gumanap sa isang super heroine na iniidolo mo ay wala na. Hindi ko man lang siya napanood kung paano niya binigyan ng buhay si Darna. Sana isang araw, mayroon pang naitatabing kopya ng kanyang pelikula at muling ilabas sa mga DVD or VCDs. Rosa Del Rosario, the original DARNA, passed away February 04, 2006 in the United States Of America.
Taken from:OFFICIAL WEBSITE OF DARNA
Until here, Rei Kyo at 1:17 AM 0 comments
Labels: Darna, Narda, Rosa Del Rosario
Sunday, March 05, 2006
Cute ni Daryl sa HERO TV!!! ^-*
Last night, nag-on line ako sa Internet. Meron kasi akong tinatapos na gawain sa NET. Then, nagbasa ako ng mga naka-post sa ABS CBN Forums: ANIME SECTION. Me nabasa ako na iyong event sa UST AI NI HO ay ipinalabas na. At ipinakita daw doon ang mahal kong pamangkin. Siyempre, excited ako na makita iyon. Kaya lang sobrang late na. Wala ng HERO TV sa mga oras na iyon. Inisip ko na makikita ko naman iyon balang araw.
Iyon nga kanina, umaga pa lang nanonood na ng HERO TV ang sister ko. OH MY GOD! Siguro nakita na namin iyon ng tanghalian na. Between Musumet and Super Yoyo ko siya napanood. She looked good in TV. Tee he he...sana sa paglaki niya mag-cosplay pa din siya...magaling yata kaming mag-impluwensiya ng anime sa bata! JOKE! Tee he he...
In the next anime convention, this March sa PUP Sta Mesa. Balak naming um-attend kung kaya tinatapos na namin ang costume ni Daryl. Again, isang SAILOR SENSHI Costume ang tinatrabaho namin. Hayyy, ang hirap ah. Lalo na iyong boots! Grabeh, di kakayanin ng powers ko, buti na lang nandyan si Tatay na nakatoka sa boots...tee he he. Kami na ang bahala kasi sa damit at ibang accessories. Wohhh! kakapagod.
Siyempre, ibinalita din namin sa kapatid namin na si Sister Wena (mother ni Daryl) ang tungkol sa commercial na iyon sa HERO TV. Napanood naman niya noong hapon na. Sayang hindi na namin uli nakita.
Until here, Rei Kyo at 9:00 PM 0 comments
Thursday, March 02, 2006
SON GOKU AS A HUNK!
After an hour of surfing the net...I've found this picture. A picture of Son Goku of Dragon Ball Z. What do you think of him?
Until here, Rei Kyo at 12:03 AM 0 comments
Labels: Dragon Ball, Son Goku
Wednesday, March 01, 2006
TUXEDO KAMEN: Anime Guy Turn Into Flesh!!!
Nang makita ko siya sa ACT One ng PGSM. Nasabi ko sa sarili ko. Hindi sila nagkamali sa pagkakapili kay Shibue Jyoji, kasi tamang tama sa kanya ang description as Mamo-chan. Ganda pa ng boses niya. At ang mga mata niya, maganda. Nabuhay ang character ni Mamo-chan sa katauhan niya.
Shibue Jyoji's Profile:
Also Known As Shibby
Birthday:03:15:1983
Zodiac Sign: Pisces
Birthplace: Nagano Prefecture
Height: 183 CM
Blood Type: O
Modelling Agency: Office Palette
Height: 183 cm (6'0")
Hobbies: Music, gathering random trinkets
Special Abilities: Racket sports, darts
Major Works: Model for “Hotdog Press,” “JUNON,” etc., starred in Rina Aiuchi’s “FULL JUMP” promotion video, commercials for “NTT Docomo Chugoku” and and “AU"
Official Site: OFFICE PALETTE
Until here, Rei Kyo at 11:08 PM 1 comments
Labels: PGSM, Shibue Jyoji, Tuxedo Mask