Tuesday, December 20, 2005

Prince Of Tennis:Philippines Premiere


Ngayong December 19, 2005 ang unang labas ng POT sa Pilipinas.
Ganda ng Prince of Tennis ah. Grabeh!
Sobrang ganda ng translations nito sa tagalog.
Nakuha nila ang packaging nito.
Hindi ko lang trip ang boses ni Ryoma Echizen,
mas trip ko pa na sana ang nag-dubbed nito ay ang
tagalog dubber ni Edward Elric ng FMA sa GMA 7.
Iisa ba ang dubber ni Grandma Coach at Ryoma Echizen sa tagalog?

Medyo nainis ako ng hindi yata isinama sa pag-edit
ng pagpapalabas, ng tanungin ni Sakuno
ng kanyang lola kung sino ang batang naglalaro ng
tennis sa court. Kasi hindi ko man lang narinig na
sinabi na "Prince of Tennis."
Sa Japanese version kasi ay sinabi na "Tennis no Ouji-sama,"
di ba? Kaya nga "Prince of Tennis ang title,
dahil si Ryoma Echizen ang tinatawag na Prince of Tennis.

Okey na din ang pagtranslate nila ng "mada mada dane"
sa tagalog na "madami ka pang kailangang matutunan."
Kasi ng napanood ko ang fansubbed nito ng Solar fansubs
at Mugen Anime, ang translation nito ay "You have a lot to learn."

Masaya na ako dahil ang isa sa TOP TEN Favorite.
Thanks at maagang pamasko na ito sa akin ng Philippines TV.

No comments: