Waahhhhhhhhhhhhhh!
Kainis na talaga.
Nagpunta ako kanina sa CSCentral sa branch nila sa Greenhills
para ipapalit iyong isang DVD ng Keikan Phrase Vol.1 at PGSM
Vol. 4 para mapalitan ng bago.
Napalitan naman yung sa PGSM pero iyong Keikan hindi.
Nag-ask ako kung me VCD nito pero wala silang stock.
Sa PGSM, ang meron lang ay PGSM Musical Live Special. Binili
ko na kahit wala iyong ACT. Zero.
Pagdating ko sa bahay, una kong isinalang ang DVD na
PGSM. At ganoon pa din ang problema. Nag-ple-play siya,
pero black images at humihinto ang pag-play. Ayaw umandar, ng time.
So ayaw talagang basahin ng Hanabishi Player namin.
Iyong mga original at ibang DVD ay binabasa naman,
yung disc lang talaga nila ay ayaw basahin ng player namin.
So very soon, sa Glorietta Branch ako pupunta, papalitan ko ng
VCD talaga. Kailangang mapalitan iyon!
Nag-enjoy akong mapanood ang Sailor Moon Live Musical Event.
And nakakatuwa...enjoy na enjoy ako sa mga song.
I really loved the Kirari Song, Romance and Cest la Vie.
Also Friend na kinanta ng limang Sailor Senshi.
OH my God!!! dami ng mga bata doon na nanonood na merong sailor fuku.
Gusto ko magkaroon niyon para sa pamangkin ko. Tee he he.
Sayang, wala si Daryl, hindi niya napanood ang musical event sa VCD na iyon. Maiibigan niya iyon dahil naroon si Rei Chan niya.
Saka gusto kong magkaroon ng
Luna Flushy Doll...:D
Monday, December 26, 2005
DVD ng CSCentral, ayaw basahin ng aming DVD player!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment