Monday, December 19, 2005

Ozine Fest 2005 at Chibi Sailor Mars

Aaaaah! Ang daming pumunta!
Si Sythn pala iyong kumanta ng OP ng Gundam Seed.
Masaya at naging matagumpay ang Ozine Fest.

Si Jamibu lang ang na-meet ko sa Ozine.
Bait ni Jamibu ah, kasi siya iyong lumapit at
nagtanong kung ako si Mamaru ng ABS CBN
Forums dahil nga sa Gravitation T-Shirt ko.
At iyon nga, nagpakilala siyang si Jamibu.
Di ko alam ang real name niya, tee he he!
Basta siya si Jamibu! Then konting kuwentuhan.
Wala pa iyong mga hinihintay niya, sina Tetsu yata iyon.
Di daw sigurado siya kung aatend sina Colleen.
Napag-usapan lang naman namin iyong mga nakaraang event
ng HERO Con at iba pang tungkol sa anime.
Sa kanya ko lang nalaman na ipapalabas ang Prince of Tennis sa QTV.
Di kami masyado nakapag-usap dahil nakaramdam na ng
gutom ang kasama ko.
Pero natutuwa ako na me na-meet ako na mula sa ABS CBN Forums.
Sayang hindi ko nakita si Keia.
Nakakahiya naman kasing i-text ang batang iyon eh.
Tee he he. Basta nakasuot ako ng "Gravitation T-shirt."
At me nag-cosplay ng Gravitation ah.

Cute nga ang batang gumanap na Gaara.
Nanalo ito ng Kawaii Special Award.
Sayang hindi namin napa-register iyong pamangkin ko sa
Cosplayer Competition. Mahiyain kasi.
Baka hindi makayang umakyat ng stage.
Mahal ang ngiti ng batang iyon eh.
Kaya kahit me magpapa-picture sa kanya eh
ayaw man lang ngumiti at mag-pose.
Pero noong nakatulog siya, at nang magising,
ayun, umokey na din, Ok na sa pag-ngiti at pag-pose.
Siya iyong si Chibi Sailor Mars.
(Hindi ko nga akalain na me dalawa ding
nag-cosplayer bilang Sailor Mars.)

Yung nabili kong DVD Copies ng Sailor Moon Live Action Vol. 4
at Kaikan Phraise mula sa CSCENTRL, ayaw basahin ng aming DVD Player.
Kainis!!!!

Tinapos namin hanggang sa huli.
Kakaaliw kasi eh. And talagang nag-enjoy kami ng husto.

Sa Next Ozine Fest, pupunta kami ulit talaga! Sulit naman kasi!
See you again, Forumers!

No comments: