Dati-rati, hirap na hirap akong makakuha ng mga ipinagbibili
na mga Anime VCD and DVD. Meron dati, ang 2Rats, eh, mahal naman
masyado ang isang VCD Anime nila, mantakin mo, 100 Pesos. Eh,
kung ang gusto mong Anime Series ay may 52 Episodes. Magkano kaya iyon?
Kung sa isang VCD ay may 2 episodes, meaning 26 Disc iyon? Aabutin
kaya iyon ng Two Thousand and Six Hundred Pesos. Ang laki ng nagagastos
mo di ba? Eh, ang Original DVD na galing Hongkong, ang kilala lang na
nagbebenta ay ang Comic Alley. Pero salamat sa competition,
madaming Anime Shops na ang nagsulputan, nandiyan ang Anime Explorer
o ang New World Animation na nasa Manila.
Ang BIONIC HQ na nasa Greenhills at Market
Market, nasa tabi din sila ng UST. Thanks talaga at ang
mga classic na animesay naging available na,
tulad ng walang kamatayang
SAILOR MOON ANIME Season 1 hanggang Season Super S.
SO far, ilan lamang sa mga anime stores na ito ang binibisita ko.
Comic Alley
Ang Comic Alley ay isa sa nangungunang nagbebenta ng mga
ANIME DVD na nagmula sa Taiwan, Hong Kong at iba pang bansa.
Karamihang nagbebenta sila ng mga Popular Anime,
tulad ng Naruto, Ranma 1/2, Fushigi Yuugi,Yugi-Oh, at marami pang iba.
Usually, ang DVD nila ay nagkakahalaga ng Php 800 per disc.
Pero kadalasan, ang isang ANIME ay per box nila ipinagbibili.
Ang karaniwang box ay naglalaman ng two o minsan naman ay three disc,
so ang sumatotal kung tatlong disc, ang babayaran mo ay Php 2,400.
Maaari ka ding umorder sa kanila ng mga ANIMEs mna gusto mo.
Nagbebenta din sila ng mga VCD na original,
gawa ng DIGITAL OTAKU CLUB, ang mga animes na
available ay ang Fushigi Yuugi, Card Captor Sakura at iba pa.
Karaniwang ang benta nila sa isang VCD ay nagkakahalaga ng Php 300.
Nagbebenta din sila ng Manga or Japanese Comics,
chinese text version, karaniwang nagkakahalaga naman ng mga
Php 300 or pataas.
Sila ay nagbebenta din ng mga Original Soundtrack ng Anime,
na nagkakahalaga naman ng Php 450.
Nagbebenta din sila ng mga collection items,
tulad ng mga photo cards, ang isang photo cards naman ay nagkakahalaga
ng Php 20. Hindi lang iyon, nagbebenta din sila ng
ANIME T-SHIRT, Posters, Anime Calendar, Anime Figures,
key chain, stickers and other stuff.
COMIC ALLEY are located in shopping malls
around here in Manila.
The list are the following:
1. SM Mega Mall
2. SM Center Point
3. SM North Edsa
4. Robinson Galleria
5. At iba pa.
BIONIC HQ COLLECTIONS
Ang Bionic HQ Collections ay isang anime specialty stores na
matatagpuan sa Theater Mall, Greenhills San Juan Metro Manila.
Karaniwang ang kanilang mga ibenebenta ay mga Original Manga na
gawa ng VIZ SHONEN JUMP, TOKYO POP and other English
Publishing Company specialized in Manga.
Karaniwan na ang isang TOKYO POP Manga ay
nagkakahalaga naman ng Php 600 pataas.
Maari din kayong umorder sa kanila,
pero magbabayad ka ng downpayment na Php 300.
Karaniwang inaabot ng two weeks ang pag-order
or depende sa available ng manga.
Nagbebenta din sila ng mga magazine,toys and
other stuff like DVD and VCDs.
Usually, ang DVD nila ay nagkakahalaga ng Php 600 per disc.
Pero kadalasan, ang isang ANIME ay per box nila ipinagbibili.
Ang karaniwang box ay naglalaman ng two o minsan naman ay three disc,
so ang sumatotal kung tatlong disc, ang babayaran mo ay Php 1,800.
Nagbebenta din sila ng mga DVD COPY na ANIME,
makukuha mo naman ito ng Php 300 per disc.
Maari ka ding umorder sa kanila, kadalasan ay inaabot ng
two weeks bago mo makuha.
They were selling DVD Copy from USA.
O yung mga gawang DVD mula sa US na ang distributors ay
ang ADV Company or FUNimation,
may konting kamahalan ito kumpara sa mga DVD COPY na
Hong Kong o Taiwan.
Ang isang disc ay nagkakahalaga naman ng Php 400.
Isa pa, nagbebenta din sila ng mga VCD na
nagkakahalaga ng Php 100 per disc.
Ito ay karaniwang fansubbed o kaya ay DVD Ripped Off.
Mabenta sa kanila ang mga titles ng Naruto, Bleach, Tsubasa,
Full Metal Alchemist at iba pang anime na sikat ngayon.
Nagbibigay sila ng promo na buy 5 get 2 disc.
Karaniwang naglalaman ng dalawang episodes per disc.
Nagbebenta din sila ng mga ANIME Soundtrack na CD COPY na
nagkakahalaga naman ng Php 100.
Meron din silang tindahan sa may P. NOVAL STREET, ESPANA, Manila,
sa may likod ng UST NEW Building.
Dito naman, mas mura ang halaga ng VCD Anime nila,
ito ay makukuha sa halagang Php 70 pesos.
Nagbibigay din sila ng promo na buy 5 get 1.
So ang halaga,Php 350 ay may 6 disc ka na ng Anime VCD.
2 Rats For The Brats
Ang 2rats for the Brat Anime naman ay matatagpuan sa
iba't ibang panig ng Metro Manila.Specialty sila sa
mga stuff like Action Figure Anime, mga stuff na ginagamit sa COSPLAY.
Nagbebenta din sila ng mga DVD Copy na ANIME and
other Japanese Live Action tulad ng Shaider and Bio Man.
Ang isang DVD Copy nila ay nagkakahalaga ng Php 250 pataas.
Ang ANIME VCD naman nila ay mabibili ng Php 50 per disc.
Per set sila kung magbili ng mga ANIME TV Series.
Depende sa mga branch kung magkano ang per disc ng mga DVD
and VCD nila.
2rats for the Brats are located in shopping malls around here in Manila.
The list are the following:
1. Virra Mall, Greenhils
2. SM Mega Mall
3. Star Mall, Mandaluyong
4. Ever Gotesco, Recto
5. At iba pa.
New World Animation
Ang New World Animation, former Anime Explorer Video ay
isa sa madaming mapagkukuhaan ng mga Anime.
Nagbebenta sila ng mga VCD ng mga sikat na anime titles.
Matatagpuan naman sila sa Nasser Bldg. Elizondo Street, Quiapo, Manila.
Mabibili naman ang mga Anime nila by set.
Makukuha naman ito ng Php 25 per disc.
Depende naman sa haba ng series ang isang set.
For example, ang isang set ng karaniwang anime ay mayroong 26 Episodes,
so ito ay nasa 13 Disc. Nagkakahalaga naman siya ng Php 325.
Maari ka ding umorder ng isa-isang disc.
Nagkakahalaga naman ito ng Php 30.
Depende kung kailan ang availability nito.
Dalawang araw bago makuha ang disc, pero minsan,
umaabot ng isang linggo, depende kung kailan magagawa.
Yam-Anime
Isa sa mga nagbebenta ng Anime
by order in e-mail, or internet on line.
Depende sa usapan ninyo ng may-ari. His website is here .Yam Anime.
Hoping nakatulong ng kaunti ang mga information na ito.
Thursday, December 01, 2005
Where I Can Buy Anime?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment