Tuesday, November 27, 2007

Hataw Hanep Hero 2007

he biggest, grandest and most anticipated anime fair is here! HATAW HANEP HERO 3!

WHEN: December 1 and 2, 2007
WHERE: SM X CONVENTION CENTER, Mall of Asia

MAJOR EVENTS

THE ULTIMATE COSPLAYERS

No H3 will be complete without cosplay competitions!

CATEGORIES:

League of Heroes division (13 yrs. old and up)
Ohayoo Hero division (12 yrs old and below)
Group Cosplay (Minimum of 6 members and maximum of 15)

CRITERIA: (this applies to League of Heroes and Ohayoo Hero divisions)

Costume - 30%
Characterization (how in-character you act) - 30%
Over-all Impact - 40%

GROUP COSPLAY CRITERIA:

Costume - 25%
Theme - 25%
Choreography - 20%
Over-all Impact - 30%

NOTES:

Please visit this link for the official guidelines of this event:

H3 2007 Cosplay Guidelines

Note: Everyone is free to post the guidelines to their respective forums, blogs, journals, MLs, etc. but pls. make use of the URL link provided. The guidelines are subject to change without prior notice


Isasali namin si Daryl sa OHAYO HERO DIVISION (12 years old below) Nag-pre-register ako kanina sa Cosplay.ph

Di ko nakita si Crush! I mean si Keroppi.
Ay oo nga pala..lumindol kanina mga tanghali.
____________________________

Friday, November 23, 2007

Pasig Apocalypse

Isa sa dream ko na makagawa ng story about Super Naturals and Horror. Kaya, nabuo ko itong kuwentong ito dahil kay Kevin. ^-* Isa pa, dahil I love super naturals story. Kakakaiba naman ang kuwentong ito dahil me mga secret sa story. Na sa umpisa ng kuwento...maaari mo nang malaman kung ano agad ang mangyayari sa buong story. Binabalak ko siyang umabot ng hanggang Chapter 10 lang or less...hanggang ma-reveal yung sinasabing APOKALIPSIS. :D

The main character named KEVIN ORACION na naninirahan sa Caniogan, Pasig. So, umiikot ang buong istorya sa buong PASIG.

Sabi sa prophecy, sa PASIG daw ipapanganak ang anak ng diablo. Ang may marka ng 666. Ang Pasig ang siyang magiging center ng kasamaan sa mundo. Naatasan si Kevin Oracion na pigilin ang kasamaang bumabalot sa buong Pasig.

Nakakapanghinayang...

as in..talagang nakakapanghinayang. Tutuo pala ang nabasa ko sa ilang showbiz balita na lumipat na naman ng ibang istasyon si Angelika Dela Cruz. So far, KAPUSO na naman uli siya. Hindi ko maintindihan talaga si Sunshine...I think magaganda naman ang mga roles na ibinibigay sa kanya ng ABS CBN 2. Noong maging LAVINIA ARGUILLES siya sa ABS-CBN 2's Bituing Walang Ningning with Sarah Geronimo bilang si Dorina Pineda, tapos, bilang si Mayumi or Daphne sa Prinsesa Ng Banyera. Tapos, ngayon...wala na siya.

Hindi ko alam kung ano na mangyayari sa kanya..after na lumipat siya sa dati niyang istasyon. Siguro di ko na siya mapapanood pa..dahil mas nanonood ako ng mga show sa ABS CBN 2. Pero, idol ko pa din si Angelika Dela Cruz.

Naiinis na naman ako kasi ..hindi ko na naman nakita si Keroppi.

Ano na kaya nangyari sa kanya? Pinagalitan kaya siya kaya di na siya nagpupunta ng TAMBAYAN niya. O, di kaya ay sa iba na siya tumatambay?

Miss ko na si Keroppi!

Cute talaga ni Kenta Kamakari...sana siya na lang si Kevin


Miss ko na talaga si Keroppi..di ko siya nakita..kainis!

Wednesday, November 21, 2007

Hey! Say! JUMP



Hey! Say! JUMP is a J-pop group under Johnny & Associates, made up of ten members. Hey! Say! JUMP is considered an expansion of the original Hey! Say! 7. The name Hey! Say! refers to the fact that all the members were born in the Heisei era and JUMP is an acronym for Johnny's Ultra Music Power.

Hey! Say! BEST
Yuya Takaki
Daiki Arioka
Kei Inoo
Hikaru Yaotome
Kota Yabu
Hey! Say! 7
Yuto Nakajima
Ryosuke Yamada
Yuuri Chinen
Ryutaro Morimoto
Keito Okamoto

At nainis na naman ako..kasi wala si Keroppi. Di ko siya nakita!

LOBO

Gandang-ganda ako sa full trailer teaser ng LOBO na pinagbibidahan ni Angel Locsin at Piolo Pascual. So far, madaming negatives na naman ang mag-uungusan..sasabihin na ang taba ni Angel...talagang lumobo daw... tapos,,kesyo wala daw lobo sa pilipinas..dapat ang title ay asong kalye...susme...this is drama fantasy....so far...in this story..Angel was a WOLF. And I was fascinated with the WOLF. Kaya, talagang hangang-hanga ako sa project na ito ng ABS-CBN 2. Gandang-ganda ako sa cinematic na mga scenes dito. I like the transformation ni Angel sa pagiging LOBO. Tapos iyong scenes na tinamaan yung lobo ng bala ng baril mula kay Piolo. Tapos yung parang pose ng U.P. Oblation ni Piolo with the helicopter na lumilipad sa himpapawid. Tapos, yung mga scenes nilang dalawa..me kilig factor. So far, thumbs up ang ibibigay ko sa "LOBO"

Sana, maging maganda ang story nito...isa ito kasi sa kakaibang teleserye na ibinigay ng ABS CBN 2 sa kanyang kapamilya.

Tuesday, November 20, 2007

Kapuso Na Pala Si Sam Concepcion.....

Now ko lang nalaman na kapuso na pala si Sam Concepcion....kainis!
Gusto ko naman siya....i mean gusto ko na kapamilya pa din siya. Well, nabasa ko lang naman sa isang article sa ABANTE-TONITE.

Sabi sa article ni Alfie Lorenzo:



Mas mabilis sumikat ang English-speaking Sam Milby ng ABS-CBN kesa Sam Concepcion ng GMA-7.

Paspas ang dapat gawin ni Sam Concepcion para maabutan niya ang naabot na ni Sam Milby.

Ayaw ni Uncle Sam ng ganyan!

Clamp In Wonderland By




Isa sa magagandang music video featuring the characters made by CLAMP.

Sunday, November 18, 2007

Super Inggo Art By Mon Kun


Isa sa mga nagustuhan kong gawa ng isang artist. Itong ABS-CBN's SUPER INGGO .

Saturday, November 17, 2007

Yup! Sinisipag ako ngayong mag-post ng mga entry ko...ewan ko ba...super hyper ako ngayon eh. Maybe I'm inspired. ^-* Inspired ka dyan!

Di nga, basta, masipag lang akong mag-post ng mga entry.

Ay, oo nga pala, bukod doon sa project ko na SAINT ANGELUS MICHAEL ay magkakaroon din ako ng comic strip, dito sa blogspot. Hintayin ninyo na lang...mahirap kasi ang magpa-scan lalo na't wala kang scanner (^-* baliw na yata ako, MOMO!) Ang pamagat ng comic strip ko ay "SI KEROPPI AT AKO" Naks, sa title...basta...ang pangunahing tauhan sa comic strip na iyon ay siempre ako..si DELL...^-* saka si Keroppo..tapos me mga guest character na manggugulo sa buhay naming dalawa.

Saka, isa pang project ko na ginagawa ay ang "BOY CINDERELLA," ang Boy's LOVE STORY. Don't worry maikli lang itong kuwento nito, hindi gaya ng Saint Angelus Michael na mayroong TWO ARC STORY! (Until now, nasa draft pa din ang ibang page ng Saint Angelus Michael...kainis!!! Hirap ng hindi gumagana ang computer sa bahay! Kapag naayos na...^-*) Pwamiss..matutuloy agad-agad iyong iba.

Ay, meron nga pala akong caricature ni Keroppi...next time ko na lang na ipo-post kapag napa-scan ko na...ginawa ko kanina habang nagko-computer siya! ^-*

Bye BYE!!

Komikon Sa U.P.Bahay Alumni

Maaga akong nagising ngayong araw na ito. Well,excited din ako sa araw na ito..kasi, ngayon ang Ika-3 Komikon na gaganapin sa UP.

Maaga akong nakarating doon...akala ko nga..tatanghaliin ako kasi pangit kung tanghali ka na makakarating sa event na iyon. Mas maganda kasi pag maaga dahil..me mga contest doon, mga inspirational messages mula sa mga panauhin sa naturang convention.

Nakita ko ang ilang batikan na mga great illustrator ng ating bansa, iyong mga professional artist noong Dekada 70-80-90. Naroon si Mr. Jun Lofamia, Nar Castro, Rudy Villanueva, Joe Mari Mongcal at iba pa. (Sowwiiie, di ko na kasi kilala ang iba..pero iyong mga nabanggit ay tumatak sa isipan ko. Di ko lang alam kung naroon si Mr. Larry Santiago.)

Doon, nakita ko ang dating mga writer illustrator ng CULTURE CRUSH. Sowwiiie, ni isa mang gawa nila, wala ako..pero nagagalingan ako sa kanila. Meron din doong bagong laro ng CARDS, ito iyong TALECRAFT. Di ko lang alam kung paano laruin iyon. So far, meron ding nagtitinda ng various manga...OH MY GOD! Me mga nakita akong manga ng Fushigi Yuugi Genbu Kaiden ni Yuu Watase, sa FULLYBOOK. Meron silang branches sa ROCKWELL, Gateway Mall, Market-Market. At alam mo ba ang price ng manga book nba iyon, nasa 295 PHP. Meaning, 300 siya. Bwa ha ha ha! Tapos, alam mo ba kung magkano ang TOKYOPOP na TOKYO BABYLON, nasa 600 siya ah...eh noong ibinenta namin yung secondhand mint condition ng manga namin na ganoon eh, 350 lang siya..,, kaya iyong CLAMP DETECTIVE SCHOOL na manga na tatlong manga, iyon eh, di na namin ibebenta. Iyon na lang kasi ang ala-ala sa amin ng CLAMP.

Then, naroon na naman ang booth ng CSCENTRL. Sa tutuo lang, madaming DVD akong gustong bilhin..kaya lang..wala sa budget...^-* maybe, sa mga susunod na convention na lang ako bibili. Gusto ko kasing magkaroon ng copy ng Proposal Daisasuken, Dance Drill(J-dorama siya) Tapos, meron ng CODE GEAS, another work ng CLAMP. Meron ding Hana KIMI, sa isang Disc. Basta madami akong gustong bilhin. Sana lang, sa susunod..makabili ako.

Ey,nakita ko na din iyong Graphic Novel ng Super Inggo. Ang cute ng drawing! Sana, magkaroon ako ng copy.

Ay oo nga pala, bumili ako ng comic book ni Mr. GilberT Monsanto, iyong TROPA. E so far, trip na trip ko kasi iyon. Gusto ko ang mga ni Mr. Monsanto. Gusto ko iyong ginawa niyang poster na tribute para sa mga creators ng mga COMIC CHARACTERS, such like Darna, Kamandag, Panday, Alpha Omega Girl, Combatron at iba pa. Basta, maganda iyong pagkakagawa niya.

Kahit medyo nakakaliyo at nakakahilo doon...sa dami kasi ng mga taong nagsisidating. Naging maganda ang resulta ng komikon. I enjoyed. Maybe sa mga darating na next convention...makakabili din ako ng mga ibang gusto ko.

I met Julian....isa sa mga ka-online ko sa net. Mabait naman siya!

Tapos,nang makauwi ako..nakita ko si....Keroppi! Keroppi na lang ang name niya OKEY!