Friday, September 19, 2008

Talagang Bumuhos Ng Luha Sa "1 litre of Tears"


Okey, okey! Last entry ko dito, ibibigay ko sa inyo ang aking opinyon sa "For The First Time" nina KC Concepcion and Richard Guttierez. Pero dahil sa interest ko sa isang Japanese Pop Idol, si Ryo Nishikido, na una kong makita as a member of Kanjani8 sa isang youtube video, iyong "Wa ha ha" ay nagustuhan ko na. Then, nalaman kong member din siya ng NEWS na kinabibilangan ng magaling na actor na Yamashita Tomohisa,(Isa din sa Japanese Idol ko) Naghanap talaga ako ng mga drama na kinalabasan ni Ryo. Una ko siyang napanood sa ATTENTION PLEASE na pinangungunahan ni Ueto Aya. Supporting lang si Ryo dito. Pero I like his character doon na isang Flight Engineer. Then, nang malaman ko na isa siya sa bida sa "1 Litre of Tears", talagang naghanap ako ng copy nito.

Kagabi ko lang napanood ang "1 Litre of Tears" pero pinaiyak na niya talaga ako. Sobrang nadala ako sa kuwento. Nakaka-apat na episode pa lang ako...panay tulo na ang luha ko. Hanggang matapos ko..puro iyak ako.

Ano nga ba ang kuwento ng 1 Litre of Tears?
Ito ay isang television drama series na ibinase sa isang aklat na may ganoon ding pamagat, ang 1 Litre No Namida, isang aklat na mula sa diary ni Aya Kito. Isang napakagandang aklat. Ang 1 Litre of Tears ay tungkol sa isang labinglimang taong gulang na batang babae na lumaban upang mabuhay kahit mayroon siyang karamdaman na walang lunas. Sakit niya ay Spinocerebellar Degeneration - a terrible disease where the cerebellum of the brain gradually deteriorates to the point where the victim cannot walk, speak, write, or eat.

Kung napapanood mo si Ryo Nishikido sa kanyang mga music video as a member of Kanjani8 and NEWS, hindi mo aakalaing isa siyang napakagaling na actor. Sobrang nagalingan ako sa kanya sa Drama Television Series na ito. He moved me... ha ha ha! UU, inaaamin ko, napaiyak ako ni Ryo dito at ni Erika Sawajiri. Napakagaling ni Erika Sawajiri bilang si Aya at Ryo bilang Asou. Napakagaling din ng mga supporting actors and actors dito. Napakaganda ng role dito ni Hiroko Yakushimaru bilang ina ni Aya.


Mga ilang eksena mula sa 1 Litre Of Tears Episode 1. Unang pagtatagpo ni Aya at Haruto.


Si Ryo Nishikido as Asou Haruto at Erika Sawajiri as Aya Ikeuchi.

Aklat ng 1 Litre No Namida ni Aya Kito.




Ito nga pala si Yamashita Tomohisa, ang guwapong bida ng
KUROSAGI.
Basta napakaganda ng kuwento. IIyak kayo kapag napanood ninyo.

1 comment:

Anonymous said...

Mamaru-kun, I tell you, wala yatang episode ng ! l Litre of Tears na hindi ako napaiyak! Kapag nagdrama ang mga hapon talagang mapapaiyak ka, at kapag nagcomedy sila, hagalpak ka naman sa katatawa. :D