Wednesday, September 24, 2008

Another Manga Goes Action Live...Here Is Green Woods

Kung naibigan ng mga fanatic jdorama ang mga Television Hit Series na nagustuhan ko tulad ng "Hana Yori Dango 1 and 2," "H2", "Hana Kimi," "Princess Princess D" "Gokusen 1 and 2 and 3" "Detective Q Academy" na galing sa manga and anime...ngayon narito ang isa pang nagustuhan ko, ito ay ang Here Is Greenwood.





Una ko itong napanood bilang Original Animation Video na binubuo ng 6 episodes. Nagustuhan ko ito kasi napakaganda ng animation. Malinis ang pagkakagawa. Hindi ko nga alam na meron itong manga eh. Basta, noong isang araw, nakakita ako sa may Quiapo ng LIVE ACTION na ito. Hindi pa daw tapos...kaya hindi muna ako bumili. Instead, binili ko iyong mga PV ng NEWS , and DVD ng 1 Liters Of Tears.

Then, naghanap ako sa internet ng information about nga sa "Here Is Greenwood"" live action. And that's it....napanood ko na ang first episode nito sa YOUTUBE. And ang masasabi ko, ang kyut ng story at kyut din ang mga actors and actresses na nagsiganap doon.





CAST OF Here Is Greenwood





So far, konti pa lang ang napapanood ko na may english subbed nito. So sa mga mahihilig sa mga live action, you must see it

Friday, September 19, 2008

Talagang Bumuhos Ng Luha Sa "1 litre of Tears"


Okey, okey! Last entry ko dito, ibibigay ko sa inyo ang aking opinyon sa "For The First Time" nina KC Concepcion and Richard Guttierez. Pero dahil sa interest ko sa isang Japanese Pop Idol, si Ryo Nishikido, na una kong makita as a member of Kanjani8 sa isang youtube video, iyong "Wa ha ha" ay nagustuhan ko na. Then, nalaman kong member din siya ng NEWS na kinabibilangan ng magaling na actor na Yamashita Tomohisa,(Isa din sa Japanese Idol ko) Naghanap talaga ako ng mga drama na kinalabasan ni Ryo. Una ko siyang napanood sa ATTENTION PLEASE na pinangungunahan ni Ueto Aya. Supporting lang si Ryo dito. Pero I like his character doon na isang Flight Engineer. Then, nang malaman ko na isa siya sa bida sa "1 Litre of Tears", talagang naghanap ako ng copy nito.

Kagabi ko lang napanood ang "1 Litre of Tears" pero pinaiyak na niya talaga ako. Sobrang nadala ako sa kuwento. Nakaka-apat na episode pa lang ako...panay tulo na ang luha ko. Hanggang matapos ko..puro iyak ako.

Ano nga ba ang kuwento ng 1 Litre of Tears?
Ito ay isang television drama series na ibinase sa isang aklat na may ganoon ding pamagat, ang 1 Litre No Namida, isang aklat na mula sa diary ni Aya Kito. Isang napakagandang aklat. Ang 1 Litre of Tears ay tungkol sa isang labinglimang taong gulang na batang babae na lumaban upang mabuhay kahit mayroon siyang karamdaman na walang lunas. Sakit niya ay Spinocerebellar Degeneration - a terrible disease where the cerebellum of the brain gradually deteriorates to the point where the victim cannot walk, speak, write, or eat.

Kung napapanood mo si Ryo Nishikido sa kanyang mga music video as a member of Kanjani8 and NEWS, hindi mo aakalaing isa siyang napakagaling na actor. Sobrang nagalingan ako sa kanya sa Drama Television Series na ito. He moved me... ha ha ha! UU, inaaamin ko, napaiyak ako ni Ryo dito at ni Erika Sawajiri. Napakagaling ni Erika Sawajiri bilang si Aya at Ryo bilang Asou. Napakagaling din ng mga supporting actors and actors dito. Napakaganda ng role dito ni Hiroko Yakushimaru bilang ina ni Aya.


Mga ilang eksena mula sa 1 Litre Of Tears Episode 1. Unang pagtatagpo ni Aya at Haruto.


Si Ryo Nishikido as Asou Haruto at Erika Sawajiri as Aya Ikeuchi.

Aklat ng 1 Litre No Namida ni Aya Kito.




Ito nga pala si Yamashita Tomohisa, ang guwapong bida ng
KUROSAGI.
Basta napakaganda ng kuwento. IIyak kayo kapag napanood ninyo.

Thursday, January 17, 2008

Confession Letter

Wahhh..tagal ko na ding hindi nag-post dito 'no? Pero, aaminin ko, nitong mga nakaraang araw...masaya ako kasi nakikita ko si Keroppi. Keroppi light up my light....I swear.

Last, Monday A.M. Siya lang yung nakita ko sa TAMBAYAN. Feeling ko, Keroppi's avoiding me....ha ha ha ha! Feeling ko lang naman...dahil wala nga yung mga friend niya...di na muna kami nagkibuan...sabay ganoon eh. E, di after kong mag-internet, nag-off na ko. Balik bahay ako...nagtitimpla ako ng kape ng nag-ingay ang mga aso...lumabas ako...and I saw a familiar figure...siya pala yun. Nasaraduhan na naman daw siya ng GATE. Nagpunta siya kina Pochacco, pero wala daw sumasagot. So, sinamahan ko siya sa labasan. Hanggang 4:00 A.M. yata yun. Wala kaming ginawa kundi magkuwentuhan ng kung ano-ano.

Tuesday ng madaling araw.... nakita ko siya...yun nga...masaya naman....
Wednesday ng madaling araw...wala siya...napagalitan daw siya ng Lola niya. Pinapalayas na nga daw siya,ayon na din sa kuwento ng barkada niya.
Thursday ng madaling araw.... parang ayaw ko siyang kibuin...natatakot ako sa kanya....feeling ko kasi...he hate me. Ahh, kainis....so, after nga ng internet....punta kami sa labasan....kasama si Pochacco. Then, binigay ko nga yung letter ko. Nabaliw na naman ako kaya gumawa me ng sulat. Siguro this is the last letter na magagawa ko..ha ha ha... Sorry talaga, hindi ko na maikukuwento dito ang ibang nangyayari sa buhay ko. Yung letter ko sa kanya....naka-post din sa net...kaya lang sa iba nga lang. Me mga tanong kasi ako sa kanya doon tulad ng "Galit ka ba sa akin?"
"Crush nga ba talaga kita?" saka iyong huling tanong na "Itinuturing mo ba akong friend?"

Siguro, yung mga sagot..hindi ko na siguro malalaman....wala kasi siyang sinasabi....kainis siya!