Enjoy ako sa song ni Nikki Gil na "Kasi Naman," original ng HOTDOGS.
Until now...inis pa din ako sa kapitbahay kong mukhang daga ang ugali. Kainis.
Inis din ako sa mga ilang scholars sa Pinoy Dream Academy....daming papam-pam. Kainis, na-out na ang pride ng PASIG na si RJ JImenez...kainis nga eh. Sayang...wala na yung ka-loveteam ni Yeng. Gusto ko pa naman silang dalawa. Enjoy ako sa song nilang dalawa. Susme, naiinis ako ke Iya..papansin talaga at sipsip sa mga teachers...mas malaki pa ang braso niya ke Jay-ar!
Sa ngayon, tinatapos na namin ang damit ni Sailor V para maisuot ni Daryl sa HERO CON. Ad speaking of HERO CON. Mukhang sa first day lang kami aatend....dahil ang mahal ng ticket....one hundred ang isa. Buti pa noong TOYCON...50 pesos lang....hay kainis...i dont know kung matutuloy pa...bahala na.
Dami kong gustong mapanood na anime...ahhhh!!! kainis!!!
Tuesday, October 24, 2006
Kasi naman...
Until here, Rei Kyo at 12:57 PM 1 comments
Labels: HERO CONVENTION, Pinoy Dream Academy, Sailor V, Yeng
Wednesday, October 04, 2006
Yataa!! I have a manga on line...lols!!!
Tagal ko ding pinag-isipan ang project kong ito...(pansariling project) kung itutuloy ko ba ang pag-gawa ng sarili kong komiks dito sa internet. So, yun nga...gusto ko kasi ma-improve lalo yung mga artwork ko. Kasi talagang napapangitan ako sa mga gawa ko.
Well, yung manga-on-line ko nga pala, ay tungkol sa mga angel warriors ko. Inspired by Naoko Takeuchi's Sailor Moon.I guess maiibigan ninyo yung story.
Here is the link:
SAINT ANGELUS MICHAEL
Sa mga babasa, sana maibigan nila yung drawing pati ang story. :D
Sample page:
Until here, Rei Kyo at 2:23 AM 0 comments
Labels: Michael, Sailor Moon
Monday, October 02, 2006
Yay! Check it OUT! Check it out!
Yay!!! WOW! I'm very happy na isa ako sa mga lucky letter sender na makakatanggap ng original artwork ni Mr. Gilber Monsanto. At ang hinahangaan kong isa sa mga gawa niya ang character...si THUNDER STONE. Mr. Monsanto is really amazing! Napakaganda niyang gumawa ng mga super heroes characters. At ang abilidad niya sa pag-do-drawing ay isa sa mga walang kaparis. Ito nga pala ang link ng blog niya para makita ninyo.....
Monsanto's Name
Talagang na-appreciate ko yung artwork niya!!!
Until here, Rei Kyo at 12:56 AM 0 comments
Labels: Monsanto, Super Heroes, Thunder Stone
Sunday, October 01, 2006
Moon Revenge
Walang kinalaman iyong title sa post ko here. Naisip ko lang na magandang title ng entry sa isang blog iyong kanta ng mga Senshi...iyong "Moon Revenge," Kanta nila ito sa kanilang "Sailor Moon R The Movie," and nitong mga nakaraang araw, nakita ko ang isang video nito sa YOUTUBE kung saan kumanta iyong limang seiyuu ng SAILOR MOON. Aliw
na aliw ako nang mapanood ko iyon. Nakakatuwa kasi ang mga performances nila. Ganda talaga!
Kainis nitong nakaraang araw. Noong binagyo tayo ng Bagyong Milenyo. Talagang sinalanta nito ang buong Luzon. Kainis!!! Black- Out!!! Ang init-init talaga! Tapos, dagdagan mo pa na me nakaaway ka pang "kainis na kapitbahay," At ang kakapal ng mga mukha, sila pa ang unang nagreklamo sa barangay. As in kapal talaga, dahil nang sinabi naming magkita na lang kami sa barangay..bah...nauna pa sila.
So far, gumaganda ang takbo ng KOMIKS Presents: Da Adventures of Pedro Penduko. Kasi, bukod sa may magandang aral siya, meron pang mga trivia about pinoy supernaturals. :D
Hay naku, bakit si CHAI pa ang iniligtas ng mg scholars..wala ba silang tenga at mata para makita kung sino ang deserving nang gabing iyon. I don't like CHAI dahil sa attitude at mga bad manners na ipinakita niya sa loob ng isang linggo. Hump, yabang niya!
Isa pa, Happy Birthday pala ke Michael Anthony F. Obero. nitong nakaraang September 29, 2006
Ay oo nga pala, yung mga mahilig sa komiks....this coming OCTOBER 21, 2006, merong KOMIKON ngayong taon na ito. Ito pala ang poster.
Until here, Rei Kyo at 12:06 AM 0 comments
Labels: Komikon, Michael, Obero, Pedro Penduko