Kung hindi pa ako nagpupunta ng ABS CBN Forums ay hindi ko pa malalaman ang balitang nais gawing HOLLYWOOD MOVIE ang "SAILOR MOON," Post ito ni Jamibu sa ABS-CBN ANIME Forums, at nabasa ko din sa FILCOSPLAY. Wanna check about this news, so read this:Comimcs2Film
Natawa ako nang una kong mabalitaan. Natuwa dahil muli na naman na mamamayani si Sailor Moon. Pero ang gaganap bilang Sailor Moon ay si Lindsay Lohan. So far, kagabi lang, nanonood kami ng sister ko with Daryl ng "Raise Your Voice," ni Hillary Duff. Naisip ko na bagay kay Hillary Duff ang maging Serena also known as Sailor Moon. Bilugan kasi ang mukha niya, at magaling umarte.So far, mas gusto ko siya kaysa kay Lindsay Lohan.
So far, madaming ayaw kay Lindsay Lohan dahil meron siyang hindi magandang imahe sa Hollywood...that's all...(edited version)
So far, kung talagang matutuloy ito na siya ang gaganap...well tatanggapin ko na lang. Dahil isa akong "SAILOR MOON FANATIC!"
Sunday, April 23, 2006
Ano? English Movie Sailor Moon?
Until here, Rei Kyo at 1:16 AM 2 comments
Labels: Lindsay Lohan, PGSM, Sailor Moon
Sunday, April 16, 2006
Prince Of Tennis LIVE, Eight Below ATBP.
Sabado De Gloria ngayon. So far, lumabas kami ng sister ko at ng niece ko na si Daryl. Nanood kami ng Eight Below. At muli, pinaiyak na naman ako ng isang pelikula na tungkol sa mga siberian dogs. Nakakakaiyak talaga, kasi dalawang aso ang namatay..si OLD JACK..namatay sa katandaan...dahil hindi niya iniwan ang kanilang base. Si Truman , na isa sa kambal ni Dewey, nahulog naman sa matarik na bangin. Na-injured kasi, hindi na makatayo, hanggang malagutan ng hininga. So far, doon ako sa eksenang iyon napaluha. Bakit naman kasi ang ganda-ganda ng pelikula. Cute ni Max ang pinakabatang siberian dog. Puppy pa lang pala siya. Pero, nakakatuwa alam mo ba, kasi parang mga tao sila mag-isip. Si Maya, nag iisang babaeng aso, siya ang lider nila. Na-injured si Maya, kinagat kasi ng Sea Leopard noong nanginginain sila sa patay na balyena. Nang balikan sila ni Gerry (PAUL WALKER,limang aso ang nakita niya, so far, he knew na patay na si Jack. Nakita niya si Dewey, Shadow, Max, Buck and Shorty. Aalis na sana sila pero nagpaiwan si Max, tumakbo ito, sinundan ito ni Gerry, nakita niya si Maya na inakala niyang patay..pero buhay pa! Nakakatuwa ang pelikula...talagang hahaplusin ang iyong puso. Kaya manood kayo.
Siempre ang Prince Of Tennis LIVE MOVIE na inaabangan ko din ngayong 2006. Oh my GOD, nakuha nila ang gusto ko. Ang cute ni Tezuka at Ryoma. Also Kikumaru. :D
Nanood ako ng VCD ng CLOSE TO YOU ni Sam Milby, Bea Alonzo at John L:loyd Cruz. Ganda ng movie, nakaka in love!
Until here, Rei Kyo at 1:02 AM 0 comments
Labels: Prince Of Tennis
Thursday, April 06, 2006
CHRONICLES OF THE WINGS IN ANIMAX
Marami ang nag-aabang ng Tsubasa Chronicles na maipalabas ito sa lokal na telebisyon. Isa ito sa mga bagong gawa ng CLAMP, may gawa din ng Card Captor Sakura, Chobits at X. Sinasabi ng ilan mga anime otakus, na isa ito sa pinakamagandang serye na nagawa ng Clamp. Bakit hindi. Nandirito ang mga hinangaan ninyong characters mula sa iba pa nilang work. Naririto si Sakura at Syaoran na mula sa Card Captor Sakura. Si Fye-san na involve naman sa isa sa mga naunang manga work nila. Si Mokona ng Magic Knight Rayearth. At marami pang iba na nag-guest sa kanilang series.
Umugong ang balita noon na ang QTV, sister station ng GMA NETWORKS ang napapabalitang magpapalabas ng Tsubasa Chronicles. Sabi din ay ang TSP ang nakabili ng copyrights nito. Pero hanggang sa ngayon, matapos na ang ilang buwan, hindi pa din naipapalabas sa naturang istasyon ang anime na ito. Hanggang sumabog ang isang magandang balita para sa mga anime otakus ng pinas, na ipapalabas ito sa ANIMAX ASIA. Pero, imbes na madami ang matuwa...madami ang nadismaya sa ginawa ng Animax. Marami ang speculation na pangit ang dubbed dahil sa mga in house dubbers na ginagamit nila. Baka matulad daw ito sa Initial D, english-tagalized version na marami ang pumunang hindi magagaling na voice talents ang kinuha. Kung sa pamagat pa lang, nasuka na daw ang ilang anime otakus dahil imbes na i-remain nila ang title na TSUBASA CHRONICLES, ginawa pa daw na "Chronicles Of The Wings."
Pero isa lang ang masasabi ko. Isa ito sa magagandang anime na ipapalabas ng Animax Asia. Mapapanood ito tuwing Thursday sa ganap na 7:00 O' clock. Sa ngayon, magsisimula itong mapanood ngayong April 6, 2006.
ANIMAX-ASIA: Chronicles Of The Wings
Until here, Rei Kyo at 5:32 PM 3 comments