Sailor Moon In ABS CBN 2
Maaga pa lang, gising na ako. It’s a Chinese New Year. And legal holiday dahil walang pasok sa trabaho. Mga 7:00 o clock nang umaga ay gising na ako. Inaabangan ko kasi ang pagsasa-ere ng Sailor Moon. Gusto kong mapanood ang Sailor Moon sa ABS CBN 2. I was very excited because after ten years ay muling mapapanood ito sa Philippine Television. Unang sumikat ang magical girl anime na ito sa ABC 5 (Ngayon ay TV5) Ipinalabas ito noong 1994 every Sunday nang hapon. After a few weeks, nagkaroon ito ng Saturday. Two episodes every weekend. At nang lumaon, naging Saturday na lamang ito at sa primetime block pa. Katapat pa nito ang mga bigating television programme, ang ABS CBN 2’s Magandang Gabi Bayan at GMA’s Imbestigador. Isa ito sa mga anime na nabigyan ng ganoong oras during 1990’s. Naging Anak TV Seal Awardee ito noong Sailor Moon Sailor Star. Naging bahagi din si Angelika De La Cruz ng Sailor Moon dahil siya ang umawit ng tagalog adaptation ng “Moonlight Densetsu” na “Sana’y Madama” ang title at sinulat ng batikang kompositor na si Vehnee Saturno. Tagalog theme song kasi ang inilabas noon sa pagsasaere ng Sailor Moon R. Nang mawala ang mga tagalog cast dubbers ng Sailor Moon at Sailor Moon R. Nawala nang ilang buwan o taon (hindi ko na maalala, sorry!) ang Sailor Moon, muli itong ibinalik ng ABC 5 sa bago nitong season na Sailor Moon S. Sa unang tatlong episodes nito ay nabago ang tagalog voice actress ni Sailor Moon. Pero muling ibinalik si Ma’am Ollie De Guzman bilang si Sailor Moon. Mula sa unang ginamit nila na “Bunny Tsukino” ay ginawa nilang original name na “Usagi” na ang ibig sabihin ay “rabbit”. So that’s why na ginamit ang Bunny? Okey, got it! With the new dubbers, natapos ng ABC 5 ang Sailor Moon hanggang sa final season nito, ang Sailor Moon Sailor Stars.
Ngayong 2012 ay nagbabalik ang prettiest anime hero sa Philippine Television. Sa bago nitong bahay, ang ABS CBN 2. Si Sailor Moon bilang kapamilya! Sabi nila, muling magbabalik si Sailor Moon sa January 23, 2012 sa ganap na 8:15 A.M. Pero lumipas na ang 8:17 ay wala pa din at palabas pa din ang “Umagang Kay Ganda” ang morning public programme ng ABS CBN 2. Pagkatapos ng mga ilang commercial. Lumabas na ang MTRCB Television Viewing Guidelines. Bigla na lang ipinakita ang paglabas ng anino ni Sailor Moon, kasunod ni Luna. Nawala yung opening sequences kung saan unti-unting mahahawi ang ulap, lilitaw ang maliwanag na buwan. Saka lalabas ang anino ni Sailor Moon, along with Luna, the talking cat. Saka ipapakita ang Japanese title na “Pretty Soldier Sailor Moon”. Wala yung original theme song na “Moonlight Densetsu” kundi audio sounds lang. Wala din ang Episode Title. Buti pa noon sa ABC 5, meron. Mula sa opening, natatapos hanggang sa ending theme song. Ang pagbigkas ng pangalan ni Usagi Tsukino ay ginaya nila sa original Japanese accent ng Sailor Moon. Kaya hindi magandang pakinggan para sa mga pinoy televiewers. Mas maganda kung ginawa nilang natural. Para naman me pinoy touch gaya ng nauna nitong pagpapalabas sa dati nitong tahanan. Para kasing hindi maganda yung pagbigkas ng “Usa-gi” , hay naku! Ano ba yan? At ang boses ni Usagi ngayon ay nadinig ko na din. Kung hindi ako nagkakamali, siya yung nagbigay sa tagalog voice ni Sakura Kinimoto ng Card Captor Sakura ng GMA Version. Iba kasi ang boses nung naunang dubbed sa ABS CBN 2. Para sa akin, mas gusto ko ang original tagalog voice ni Usagi Tsukino. Mas bagay pa din kay Ma’am Ollie De Guzman! Mas type ko pa din ang boses ni Ma’am Eloisa Cruz Canlas bilang Luna (Sailor Moon , Sailor Moon R)at boses ni Minna Bernales (siya ang boses ni Haruka Tenoh/Sailor Uranus sa ABC 5 Sailor Moon) bilang Luna sa (Sailor Moon S, Super S at Sailor Stars). Gusto ko ang nagboses ngayon kay Jedaite at Queen Beryl. Ayos din ang kay Umino, Naru, Shingo, Queen Beryl at Tuxedo Mask. Ayaw ko lang yung pagbigkas ng pangalang “Tuxedo Mask” na parang ginaya din yung original japanesse na ang bigkas ay “TAK-SI-DO” Bigla akong natawa habang nanonood. Iniba na din nila ang “Ginzishou” o ang Holy Silver Crystal na ginawa nilang tagalog na “Maalamat Na Pilak na Kristal” Ang pagbigkas din ng pangalan ni Jedaite ay ginaya din sa Japanese. Nasisiyahan din naman ako kasi na-remain din ang tawag ni Mamoru kay Usagi na “Utak Pandesal”, nadagdagan lang ng “Babaing Utak-Pandesal” na katumbas ng Odango Otama sa Japanese version. Buti na lang na-remain din ang transformation yell ni Usagi na “Moon Prism Power! MAKE UP!” Natakot kasi ako na baka matulad ito sa Wedding Peach na dating ipinalabas din sa ABS CBN 2 kung saan ang sigaw dapat ni Momoko na “Wedding Beautiful Flower!” ay ginawang “Magandang Bulaklak Na Pangkasal!” BUTI NA LANG! The famous tagalog speech of ABC 5 Version na “Parurusahan kita sa ngalan ng buwan!” ay binigyan ng bagong atake. Nadagdagan lang ng “by the power of the moon,” kaya ang sinasabi na lagi ngayon ni Sailor Moon ay “Sa ngalan ng kapangyarihan ng buwan, parurusahan kita!” Pero naroon pa din ang pagpapakilala na “Ako ang magandang tagapagtanggol ng pag-ibig at katarungan! Ako si Sailor Moon!” . Sa kabuuan ng programa, wala naming naputol na eksena sa unang episode. Ewan lang natin sa mga susunod na episodes. Pahabol pala, basta ang napansin kong putol lang ay ang opening at ang ending theme song. Wala kasi yung theme song na “Heart Moving”.
Ang aking verdict! Three Stars! Parang Three Lights lang ha ha ha! The ABS CBN Sailor Moon Dubbed was doing a great grat job. More power! Keep up the good work! Magaling! Kahit papano ay na-enjoy ko, yun nga lang ay para kasi akong nakukulangan. Unang una, weekdays, Monday to Saturday! At ang oras, super aga para sa mga bata! So baka bago matapos ang buwan ng March ay tapos na ang unang season ng Sailor Moon.Pero magaling ang pagkakagawa nila..But sad to say, mas gusto ko pa din ang ABC 5 Version. Maybe dahil ito ang una kong napanood, or favorite ko ang mga naunang dubbers nito, or mas na-enjoy ko ang tagalog dubbed noon dahil sa panahon ko. Siguro kung may pagkakataon na ipapalabas ito sa Studio 23, baka may opening at ending theme songs ito. At baka buo pa na ipalabas.Haist, name-miss ko pa din ang boses ng original tagalog voice ni Usagi!
Well, ang final say ko, dahil sa maka-Sailor Moon akong talaga, ABS CBN! Hindi kita parurusahan sa ngalan ng buwan!
Reviewed by R. O. Timbreza
Ratings: ***
Monday, January 23, 2012
Sailor Moon Now In ABS CBN 2
Until here, Rei Kyo at 7:27 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment