Sunday, September 09, 2007

Akazukin Cha Cha, Ibinalik, Inialis!


Naloloka na ako sa anime schedule ng ABS CBN 2 tuwing Lunes hanggang Biyernes. Kasi, noon, maganda ang schedule nila sa Umaga, noong mawala ang Mirmo De Pon at ang Pretty Cure, ibinalik nila ang ilang magagandang anime na ikina-enjoy ng mga kabataan, at young at heart na kagaya ko. Lols, ^-*.

Ito nga ang The Trapp Family Singers. Oh I miss, the old tagalized version of this series kung saan si Ma'am Ollie De Guzman ang nagbigay boses kay Maria. Well, mas nakilala siya sa Tagalized Sailor Moon at Cedie, Ang Munting Prinsipe. Pero, naroon pa din naman siya bilang si Baronesa...(Tama ba ko?)

Then, susundan iyon ng Princess Sarah o ang dating title nito na "Sarah, Ang Munting Prinsesa," na binigyan ng buhay boses ni Vilma Borromeo. Also, narito din si Ma'am Ollie, hindi na bilang si Lavinia, kundi ang kontrabidang si Miss Minchin.

Tapos, susundan ng adventure ng panaderong si Azuma Kazuma sa Yakitate Japan. At susundan naman ng witch in training na si Akazukin Cha Cha. Oh, I miss "Cha Cha," so new sound, new translation at mga new dubbers ang nasa Akazukin Cha Cha na version ng HERO TV. Wahh, mas gusto ko ang boses ni Weng Benavidez noon kaysa sa boses ni Pinay (Tama ba na si Filipina Pamintuan ang bagong boses ni Cha Cha? Kung mali ako, sorry.) Ay oo nga pala, popular si Ms. Weng sa kanyang pagbibigay boses kay Jessie sa Full House ng GMA 7.)

Mas gusto ko noon ang sinasabing encantation sa AKAZUKIN CHA CHA OLD VERSION.

Cha Cha: PAG-IBIG!
Liiya: Katatagan!
Shinee: At Pag-asa!

Cha Cha: Pagi-ibig! Katatagan! At Pag-asa! Mahiwagang Prinsesa, Holy Up!

Her attack yell: "Magandang Palasong Selene!

Sana, iyong luma na lang ang inilabas nila. At sana ibalik nila ang Cha Cha sa ABS CBN 2. Dahil, 10 episodes lang ang inilabas nila at inialis nila sa ere. Kainis di ba!

2 comments:

Jamibu A.K.A. Zen119 said...

May nagaganap kasi ngayon sa ABS-CBN na tinatawag kong 2-week probational period. Nag-eexperimento sila sa morning schedule nila. Ang current anime line-up ng ABS-CBN ngayon ay ang Princess Sarah(weekdays @ 8:30 am), Yakitate Japan(weekdays @ 9:00 am, Eyeshield 21(weekdays @ 9:30 am) at Digimon Tamers(weekdays @ 10:00 am). pagkatapos ulit siguro ng 2 linggo ay baka mabago ulit ito. Sana naman ay mag-stick na sila sa current line-up. Atsaka ibalik na nilang muli ang Weekday Hero Zone . Sa ngayon, enjoy ako sa Eyeshield 21.

Anonymous said...

Si Ate Teng ata si Cha-cha... Si Yako si Ate Pinay. :)