Saturday, March 11, 2006

bakit kaya ganon?

Naitanong ko na ito dati eh.
Tatanungin ko uli ang sarili ko.

Bakit kaya ganon?
Kapag ang isa sa inyong KAPAMILYA ay nawala. Ang iyong mga kamag-anak, malapit man o malayo, second or third degree ay dumarating. Nakikilala mo sila sa araw ng lamay ng namatay na kaanak. Sa kabila ng pagkawala ng isang mahal sa buhay, nagawa pa din na pagbuklurin ang isang PAMILYA.

Ngayon, muling nagkita-kita ang magkakapamilya. Iisang pamilya na ipagmamalaki mo kahit minsan ay may mahirap na pinagdaanan, pero sa kabila ng lahat..iisa pa din kayo. Nagmamahalan sa isa't isa. Merong nangawala, merong nadagdagan....(mga apo na isinilang...)

Isang pamilya! Isang lahi...sa gitna man ng mapangit na pinagdaanan, nariyan sila...ang tunay na kapamilya...sa tunay na kahulugan ng pamilya...

Masaya pala ang "FAMILY TREE," namin....ngayon ko lang naisip...:D

No comments: